chapter 28: scene

1.9K 10 1
                                    

Play the music ~>

Almost 2 years past....

Nandito ako ngayon pinapanood yung lalaking mahal ko na nag-aantay sa tapat ng altar inaantay nya yung babaeng makakasama nya sa buong buhay nya, Yung babaeng mamahalin nya hanggang sya ay nabubuhay

Nakikita ko sa mga mata nya ang lubos na kaligayahan , Nanggigilid pa yung mga luha nya ng makita na nya yung pakakasalan nya at ng magsimula na itong maglakad sa gitna ng simbahan

Lahat nakatingin , Masaya ako dahil masaya yung mahal ko ... Kuntento ako na minahal nya ako kahit papaano , Kahit dumating sa point na gusto ko ng bumitaw at gusto ko ng sumuko

Minsan iniisip ko bakit ? Bakit kahit matatag kami nagawa parin magiba yung pagsasamahan namin?! (Meron nga ba?) Na bakit parang sa kabila ng mga bagay na napagdaanan namin na naging dahilan ng pagiging matibay namin , pilit parin kaming pinaghihiwalay.

Nasasaktan ako dahil sa nakikita ko! Nasasaktan ako dahil nakikita kong nakangiti ang mahal ko at mahal nya ay ibang babae at hindi na ako!! Hindi ko alam kung anong ginawa sa kanya ng kanyang walanghiyang ama! At parang hindi na nya ako kilala!

Na parang hindi nya ako nakilala sa buong buhay nya!! She's acting like im just a stranger !! Pumayag ako sa gusto ng ama ng mahal ko upang hindi sya ilayo sakin! Pero mali ang desisyon ko !

Ngayon sumusumpa sya sa harap ng pari na kasama ang babaeng ipinagkasundo sa kanya!! Yung babaeng sumira sa maganda ko sanang istorya!

Na kahit walang forever atleast may happy ending , pero pinutol yon at pinilit baguhin! Nakatingin ako sa kanila habang nakangiti si Fernan habang nagsasalita!

Tumutulo lang yung luha ko habang tinitingnan ko sila na masaya! Ang unfair lang kasi sila masaya habang ako , hindi ko alam kung paano magsisimula!

....

....

"ANAK!!!"

"ANAK!!!"

"HOY MIA!!!"

"MIA GUMISING KA NA!!!"

Narinig ko nalang na ginigising ako nila Mama at Andrea!!

Isa lang palang masamang panaginip!!! Akala ko totoo!

Ayokong mangyari pero nalulungkot ako

"Anak ano ba nangyare sayo?!"- inabot sakin ni Mama yung isang baso ng tubig " Uminom ka muna!"

"Bakit ka naman umiiyak?!"

Tinitigan ko lang si Andrea sa tanong nya

" Napanaginipan mo si Fernan?! Ilang beses ko bang sasabihin na 50/50 lang ang chance nyo dahil ipinagkasundo sya kay Angelica! Mostly sa ganon natutuloy kahit parehong ayaw ng babae at lalake!"

"Alam ko naman eh!! Hindi ko lang maimagine yung sarili ko na pinapanood ko sya habang sumusumpa sa harap ng altar kasama yung babaeng mapapangasawa nya!"

"Wag mo ng isipin yon! Dahil Ipaglalaban ka naman ni Fernan kung talagang mahal ka nya! At kung mangyare man na ganun nga! Eh hindi naman tayo aattend sa kasalan nun!!"

" Osya bukas nalang tayo umalis at tanghale na tayo!!"

"Ayan kasi eh!!! "

Iniwanan nalang ako nila Mama at bumaba nalang daw ako pag nagugutom ako!

Bumalik lang ako sa pag higa saka ko inimagine yung ganung pangyayare!!

Kakayanin ko kaya?! Paano kung ganun nga ang maging ending?! May lalaki pa kayang darating sa buhay ko?! At kung sino naman yung lalaking yun?! Sana gwapo! Please author pakigandahan naman yung ending !!!

---------------

What if ganun kaya ang mangyare?!

Sex ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon