chapter 11: thank you

4.9K 36 0
                                    


AN: read nyo rin yungipa-publish kong story na "Break na kami,  Walang forever"

Enjoy.......






Hindi ko alam kung bakit wala akong maramdaman na masakit sa aking katawan, nakapikit parin ako at inaantay yung truck na papalapit sa akin....

"KENNETH!!!! "

Napamulat ako ng may marinig akong sigaw, Nang Mama ni Kenneth!

Nadako ang tingin ko sa truck na kasalukuyan ng nakahinto, at nasa harap nito ang duguan tao!!! SI KENNETH?!

Bakit?! Bakit nya ako niligtas?!  Bakit kahit ipagtabuyan ko sya, nandyan parin sya sa tabi ko?!

Nanginginig ako na tumayo  , hindi ko kaya pero pinilit kong lumapit sa duguang katawan ng lalaking mahal na mahal ako!

Nanginginig din yung katawan nya....

"Kenneth... "

Bumukas yung mata nya ng kaunti pero hindi naman sya nagsasalita...

"Dadalhin kita sa ospital,  wag kang bibitaw ah.... Huwag mo akong iwan! "

Ngumiti lang sya saka nya tuluyang ipinikit yung mga mata nya!

"Ken,  sabi ko huwag mo akong iwan! "

Naglabasan na yung luha ko kasabay ng malakas na buhos ng ulan!  Pati ang ulan dinadamayan ako! Nakatingin lang ako sa katawan ni Kenneth na naliligo sa sariling dugo at tubig mula sa langit ,.... Hindi ko lubos maisip na kaya nyang isugal ang buhay nya para lang sa akin...  Sana pala hindi ko sya pinagtabuyan!

Wala parin akong ginagawa at niyakap lang ang walang buhay na si Ken!

Bakit kaya lahat nalang ng mahal ko sa buhay iniiwan ako?! Pinapamukha sa akin na hindi ako karapat dapat na Mahalin?!

Naiiyak ako dahil lagi nalang akong naiiwan! Naiinis ako dahil pinagtabuyan ko yung taong nagmamahal sa akin!  Nagagalit ako sa sarili ko dahil yung taong nagmahal sa akin ay napahamak and worst nawala!

Kinuha yung katawan ni Kenneth na yakap yakap ko!  Tinanong ko kung saan sila pupunta pero hindi naman sila sumagot!

Napatingin ako sa Mama ni Kenneth na hindi ko alam ang pangalan, lumapit ito sa akin na halatang galit!

"IKAW ANG MAY KASALANAN NG LAHAT! "

Hindi ako makasagot dahil alam ko naman na ako ang may kasalanan kung bakit nangyari ang ganon kay Kenneth

"ANG KAPAL TALAGA NG PAGMUMUKHA MO!  HINDI  KO ALAM KUNG BAKIT NAGKAGUSTO SAYO ANG ANAK KO,  EH WALA KA NAMANG KWENTA!  WALA KANG GINAWA KUNDI SAKTAN LANG ANG ANAK KO! "

This time tumulo na ang luha ng Mama ni Kenneth na hindi ko parin alam ang pangalan!....

Oo alam ko na ako ang may kasalanan!,  wala akong kwenta!, malas!, manhid!, walng pakielam sa feelings ng iba! ,sarili ko lang ang iniisip ko!!!

"BAKIT KA PA KASI NAKILALA NG ANAK KO!!!  KUNG HINDI KA NYA NAKILALA, SANA MASAYA SYA!  HINDI NAKARANAS NG KALUNGKUTAN AT HINDI NAMATAY!!!! "

Hindi ko na kaya, nanlalambot na ako pero tumayo ako at humarap sa Mama ni Kenneth at pinunasan ko yung mga luha ko!  Tiningnan ko sya ng mata sa mata na nagsasabing Sampalin mo na ako, Patayin!  Tutal wala na namang kwenta ang buhay ko!! Nakatingin lang din sya sa akin habang may malungkot at galit na ekspresyon sa kanyang mukha

"Sige na!, sampa-----"

Lumapat nalang sa mukha ko yung kamay ng Mama ni Kenneth!. Masakit pero ininda ko,  hindi ako nagpakita ng anumang senyales na nasaktan ako!

"Deserve ko na masaktan dahil alam kong dahil sa akin nawal---"

Hindi ko natapos yung pagsasalita ko at lumanding na naman yung kamay ng Mama ni Kenneth sa mukha ko,  hindi ko na napigilan umiyak dahil sa pag-sampal nya sa akin!  Nagtuluan na naman ang mga luha ko!

"Oo,  deserve mo yan!  Pero kulang pa iyan sa panahon na umiiyak si Kenneth dahil sayo,  naglalasing, nakikipag-away,  at nagwawala...!  Ngayon dahil na naman sayo kaya naaksidente sya!  Dapat ikaw nalang ang namatay at hindi sy----"

Hindi ko na napigilan yung sarili ko,  wala akong karapatan pero napuno na ako!

"Tanggap ko na masaktan, masampal, at pagsalitaan!  Pinagsisihan ko na ipinagtabuyan ko si Kenneth sa akin pero hindi na tama eh isisi nyo pa sa akin kung bakit sya napahamak!!!  Hindi ko naman ginusto na mabangga sya!  Hindi ko naman sinabi na itulak nya ako at magpakabayani sya para sa akin dahil unang una ginusto ko yon at pinili ko iyo----"

Lumapat na naman yung kamay ng Mama ni Kenneth!  Nakakarami na sya ah!  More sampal more fun sya sa akin ah!!

"DAHIL MAHAL KA NYA!!!"

----------

AN: May 3 one shot po ako magkakahiwalay sya,  Ktnxby...

Sex ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon