chapter 8: childhood

7.1K 43 2
                                        

AN: Oy comment naman kung maganda then vote na din!  Minsan lang ako hihingi ng favor!  Thankieee

-----------





Fernan pov

Nandito lang ako sa malayo at pinagmamasdan si Mia na nagiisa sa tapat ng kabaong ng papa nya!  Masyado syang malungkot, dahil kahit malayo ako kita ko yung mga mata nya na may nagbabagsakan na luha

Hindi ko ine-expect na makikita ko si Mia na ganoon kalungkot,  hindi ako sanay na makita ang isang Mia na hindi nakangiti!

Noon pa man mahal ko na si Mia pero panay ang pigil ko sa sarili ko, gusto ko kasi na pag niligawan ko sya ay nasa tamang edad na kami at pwede na kaming magpakasal agad

Sa tuwing makikita ko si Mia na may kasama na iba specially si Kenneth!  Parang gusto ko mag wala,  pakiramdam ko may ninanakaw sa akin na napakahalagang bagay ! Naiinis ako kapag makikita na aali-aligid si Kenneth kay Mia

Nagsimula kong mahalin si Mia ng magkakilala kami noong elementary kami!  Pangit ang unang impresyon nya sa akin dati!  Isa kasi akong badboy pero ng makilala ko sya nagbago ako hanggang sa paglaki ko

Grade 5 kami ni Mia ng makilala ko sya, galit na galit sya sa akin dahil inaway ko yung lalaki na lagi nyang kasama! Halos maubos yung buhok ko sa kakasabunot ni Mia noon pero hindi ko sya kayang gantihan!

Simula noon ' hindi na ako tumingin sa ibang babae! Minahal ko sya simula murang edad ko, mas minahal ko pa nga ata sya kaysa sa aking sarili!!!

Napansin kong tumayo na si Mia at katapat nya yung mama nya!  Pero kahit magkaharap na sila hindi parin tumitigil si Mia sa pag-iyak nya!!

Umalis nadin yung lalaking mataba na kaninang nalaglag as puno dahil sa ginawa ni Mia, nasaktan siguro! 

Wala talagang ginawa si Mia kundi umiyak nalang ng umiyak,  ayaw ko syang makita na umiiyak kaya uuwi nalang muna ako....

-------------

Mia's pov

Inaantay nalang namin yung karo ni papa upang maihatid na sya sa huli nyang hantungan...

Parang hindi ko kakayanin yung mga mangyayari mamaya.. Hindi pa ako handa na ihatid si papa ' dahil sa oras na mailibing na sya,  panibagong buhay na naman ang haharapin namin ni mama na wala na sya

Bilib din ako kay mama dahil kaya nyang pigilan yung emosyon nya, hindi nya ipinapakita sa akin na nalulungkot sya ' ipinaparamdam nya na okey lang ang lahat at magiging okey din ang lahat...

Pero hindi ko maiwasan na mag-alala kay mama dahil baka sa kakatago nya ng emosyon ay mahimatay nalang sya... Ayoko dumatimg sa punto na pati si mama mawawala ' dahil hindi ko kakayanin, wala  na akong ibang pamilya dahil ang kuya ko ay nasa states

Hindi kaya nya alam na wala na si papa!?  At bumalik agad sya sa states?  Pati kaya sya pinaglihiman nila mama at papa?

"Mia! "- napalingon ako sa tumawag sa akin

"Kuya? "- gulat kong bulong sa sarili ko,  lumapit si kuya sa akin saka nya ako niyakap

"Mia tatagan mo loob mo ah,  iniwan na tayo ni papa ng walang pasabi! "- basag na ang boses ni kuya pero naintindihan ko parin, hindi din pala nya alam na wala na si papa?

"Kuya, hindi mo rin alam?  Hindi talaga pinaalam sa atin ni papa na mawawala na sya!  Hanggang sa huli nyang hininga tayo parin ang iniisip nya!"- hindi ko na napigilan umiyak dahil sa mga nalaman ko at napag isip-isip ko

Dumating ang karo ni papa pasado 11:30 ,kaya bago umalis nagkainan muna ang mga makikipag libing ....

-------------

AN: monday na po ang UD, medyo magiging busy ako!!!

But anyway ! :)

Sex ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon