chapter 9: goodbye

6K 39 10
                                    

Play Dance with my father while reading... :)

Chapter 9








Sa tuwing maiisip ko yung mga panahon na kasama pa namin si papa, panahon na kompleto pa kami at masaya... Bigla-bigla nalang tutulo yung luha ko

Bata pa ako noon at sa tuwing uuwi sya may dala-dala syang pasalubong sa akin... Minsan chocolate pero kadalasan naman mga stuff toys...

Kaya sa tuwing makakakita ako ng stuff toys naaalala ko si papa, mga pangyayari sa amin ni papa na hanggang ala-ala nalang

Pa!, kung nasan ka man naroroon sana masaya ka.. Salamat dahil kahit sa huli mong pag-hinga kami parin ni kuya yung nasa isip mo! Mahal na mahal na mahal po kita, kulang ang salita sa pagmamahal ko sa iyo! Sa pinakamamahal kong papa sa buong mundo! Kung sakaling magkita parin tayo sa susunod na buhay natin, ikaw parin ang pipiliin kong papa..

Panahon na kalaro ko si papa, umiintindi sa akin pag-malungkot ako, pinapasaya ako palagi pag may problema ako, pinagtatanggol kapag may kaaway ako, at higit sa lahat tinatama lahat ng pagkakamali ko...

"Anak, bakit mo naman inaway yung kalaro mo? "

"Kasi Pa, hinihingi nya yung laruan ko... Eh bigay mo sa akin ito kaya sa akin lang to! "

"Hindi ganon anak, dapat matuto ka mag share sa mga kalaro mo . Lagi naman kita binibigyan ng toys diba? "

" Kasi Pa, bigay mo ito eh! "

"Gusto ko anak, mag share ka ng toys.. Hayaan mo bibilan kita ng marami"

"Talaga Pa?"

"Oo naman anak, O teka saan ka pupunta? "

"Magsi-share po ng toys ko"

"Very good anak, sige na laro ka na!

Hindi ko na napigilan na hindi maiyak sa mga ala-ala namin ni Papa, lagi nalang sumasagi sa isip ko yung mga masasayang ala-ala namin

Narealize ko na kapag pala masaya ka, yung saya nadulot nyan sa iyo.. Ito rin pala ang pwedeng mag-paiyak sa iyo

Yung tipong akala mo yung saya na naidulot sa iyo ay mananatiling masaya, pero ang totoo ay maaaring maging dahilan  ng pag-iyak mo sa hinaharap

Bakit kapag mahal mo, nagiging masyado kang down at malungkot!?

Kanina pa pala nag-uumpisa si Father sa misa kay Papa pero lutang parin ako!..Hindi ko magawang makinig kay Father dahil bawat kilos ko naaalala ko lang si Papa

Napakahirap talaga kapag mahal mo ang lumisan at iwanan ka! Parang feeling ko wala ng natira sa akin

Natapos ang misa at dinala na si Papa sa huli nyang hantungan.. Lalong dumami yung mga tao, karamihan sa kanila business partner ni Papa.. Lahat malungkot sa pagkamatay ni Papa!

Pagkadating sa sementeryo isa isang binasbasan ng holy water si Papa, lahat emosyonal except kay Mama na blangko ang ekspresyon habang binabasbasan si Papa ng holly water

Natapos na ang lahat kaya isinara na ang kabaong ni Papa at inayos para mailibing na

Habang pababa ng pababa yung kabaong ni papa mas lalong lumalakas ang mga hagulgulan ng mga tao at sabay dito ang pag-babagsak ng bulaklak sa kabaong ni papa

Papa ko! Mamimiss kita! Mahal na mahal ka namin nila Mama at Kuya, lagi mong tatandaan na hinding hindi kita kakalimutan... Mahirap tanggapin na wala ka na sa piling namin pero kakayanin ko! Lalakasan ko ang loob ko! Alam ko na nilalaksan din ni Mama ang loob nya para hindi maging emosyonal! Hayaan po ninyo Papa aalagaan ko si Mama at pagtapos ng araw na ito hindi na ako iiyak! Mahal na mahal po kita, you may now REST IN PEACE, ILOVEYOU....

.................

AN: HAY, PINILIT KO NA PO MAG UD PARA NAMAN NEXT WEEK NA ULET!!!

Sex ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon