chapter 14 independent 2

3.9K 36 0
                                    



Tumagal din ng tatlong araw ng tumawag yung trabaho na papasukan ko,  magiging isa akong sales lady!  Bale isa na akong workingstudent pagnagkataon!  3 months nalang naman at graduate na ako ng highschool!  Wala narin akong balak na mag college dahil masyadong mahal yung tuition!

Aalis narin ako kila Andrea ones na makaipon ako at makarenta ng maliit na tutuluyan!  Saleslady ako ng mga damit!  Ngayon din ang umpisa ko sa trabaho!

5:00 palang dapat nandoon na kasi mag-aayos pa ng mga tinda kaya eto alas 4:00 ako gumising at mag-aayos pa ako ng sarili ko!!

Natutuwa lang ako dahil magkakaroon na ako ng sarili kong trabaho!!

Minsan nga lang,  naaalala ko yung antas ng buhay ko noon sa ngayon!  Noon kasi paeasy-easy lang ako!  Yung tipong gala dito gala doon, kain dito kain doon,  at gasta dito gasta doon! 

Ngayon,  ibang-iba na!  Kailangan ko ng magsumikap para sa sarili ko! Hindi na ako pwedeng mag-gagasta ng sobra!

Wala narin akong balita sa kompanya namin dahil wala naman na akong babalikan doon!  Binibisita ko nalang ang puntod ng pinakamamahal kong Papa sa buong mundo!

Papalabas na ako ng bahay nila Andrea!  Nang may makalimutan akong gawin!  Kailangan ko palang mag-iwan ng sulat at baka  hanapin ako ng bruhang bestfriend ko!!!

Makatapos kong gumawa ng sulat ay lumabas na ako at dali-daling sumakay sa taxi!  4:40 na ng makasakay ako!  Buti nalang at maaga tiyak walang trapik sa daan!!!

*

Nakarating ako sa Mall pasado 5:00 ,saktong sakto lang ang dating ko dahil syang datingan din ng mga saleslady sa Mall,  dumiretso muna ako sa lugar kung saan ako nag-apply at hinanap si Ms. Sarah

"Good morning Ms. Sarah"
Magiliw kong bati sa kanya

"Goodmorning,  by the way those are some of the strategy you need to do! "

Inabot lang nya sakin yung papel na may iba't'-ibang paraan kung paano makapagbenta ! Binasa ko ang mga iyon....

"Marketing strategy-kailangan ibigay mo yung atensyon mo sa mga mamimili."

Marami pa akong nabasa pero hindi ko na iisa isahin dahil masyadong marami!

Pagkatapos nun ay sinamahan na nya ako sa pwesto kung saan ako magbabantay!

Napanganga ako sa nakita ko dahil hindi ko inaasahan na ganito narin agad ang pagtatrabahuhan ko!  Hindi ito local at ang akala ko ay stand lang ang babantayan ko!  Pero isa ito sa pinakasikat sa buong mundo sa larangan ng disenyo at kalidad ng produkto!

Pakiramdam ko may kinalaman na naman dito si Andrea, dahil sa pagkakaalam ko sila ang may-ari ng shop na to at isa sila sa pinakamayaman at pinakamaimpluwensyang pamilya sa buong mundo!

Nasa kalagitnaan ako ng iniisip ko ng may tumapik sa akin!

"By the way, si Ms. Martinez ang nagsabi at tumulong sayo para mapasok ka dito,  !"

Literal akong napanganga,  sabi ko na nga ba at sya ang may dahilan kung bakit ako nakapasok at makakapagtrabaho dito eh!

Maghapon lang akong nakatayo at kinakausap ang bawat taong papasok, wala ni isa sa kanila ang lumabas ng walang bitbit... Syempre mahihiya ka kapag lumabas ka sa store nila ng walang binili!  Isa po kaya ito sa tinatangkilik ng mga mayayaman na brand ng isang damit!

*

Umuwi ako ng mag aalas dyis ng gabi,  easy lang naman pala ang trabaho ko eh.... Bali pag weekdays 5:00 am-12:00 pm lang ako dahil pasok ko ng hapon!  Ako narin kasi ang nag-aayos ng tinda pag-papasok ako! 7:00am-10:00 pm naman ako pag weekends!

-----------

An: sorry for wrong grammar!  Pakiintindi nalang :)

Sex ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon