chapter 5

99 2 0
                                    

JAKE'S POV

tama ba yung narinig ko? mag-gegetting to know kami ng partner ko? no way, diba nga hndi ko dapat siya pansinin entire sem, eh ngayon palang kailangan na. Ano ba namang buhay to oh. Buti nga nagkusa na akong tumabi sa kanya kasi nakakahiya naman, baka sabihin pa nito hindi ako gentleman. Teka, paki ko ba kung ano tingin ni Michi sa akin, not interested naman drama ko diba. 

"ok yung ibibigay ko sa inyong papel, nandito yung mga dapat nyo itanong sa partner. maliwanag ba.tsaka mangdaya, nandito lang ako sa harap para obserbahan kayo." sabi ni sir sabay ngiti, parang pang-asar lang e. aaaah.

"whole period nga pala natin gagawin to, so take your time. wag magmadali." pahabol pa ni sir

Shit. ito na talaga, wala na akong magagawa kungdi kausapin itong arte girl na ito. Pagkabigay nung papel, binasa ko mga tanong. Napatigil ako sa question 4. what the hell.!! Bakit may ganitong klaseng tanong. Never ko sasagutin yan. NEVER talaga. kahit ibagsak pa niya ako hindi ko sasagutin yan. Nagsalita ulit yung prof.

"siya nga pala kapag hindi niyo sinagutan lahat yan, hindi lang isa ang lagot, pati kapartner lagot din." sabay ngisi. tsk. waaah. no way. Ano ba naman kasing klase to, Engineering bago may ganito. Values ba ito?

"uhhm, simulan na natin" nahihiya sabi ni MIchi. obvious naman na ayaw niya din tong ginagawa namin. 

"sige, mauna ka magtanong." sabi ko na lang.

"Name, Age, Address, Hobbies" tanong niya sa akin. parang naasiwa siya. 

"Jake Justin Aragon, 18 years old, Laguna, uhhm, reading and eating.. o ikaw same question" ang tagal bago siya sumagot halatang naiinis, kasi b naman pinauna ko. e sa ayaw kong mauna eh.

"MIchelle Reyes, 18 years old, QC, watching tv series and sleeping" sumagot din siya sa wakas. ah, Michelle pala pangalan talaga pero MIchi lang tawag. ok na rin.

"What is your most memorable moment?" tanong niya. ano kaya isasagot ko. Tae naman o. Ano kaya. Uhhm ito nalang.

"When I received my 17th birthday gift: condo unit" parang ang yabang ko nito ah. haha, wala na talaga ako maisip. Nung narinig niya un, bigla nalang tumaas ang kilay niya at bumulong nalang ng kung anu-ano. nayabangan siguro.

"E ikaw?" Tanong ko.

"When I pass the entrance exam here." korni naman ng sagot nito. maisulat na nga lang. Oh my. Question 4 na. (Q1 and Q2 ung name, hobbies etc, Q3, ung memorable) Ayoko na talaga. Nag-iisa lang kasi yun e.

"next, what is you greatest fear and why?" shit, ito na, sasabihin ko  ba yung totoo? Bahala na, pag wala talaga ako maisip. 

*after 5 minutes*

aaah, wala talaga, Sige na bahala na, Kung ano man mangyari.

"uhhm.. my greatest fear is to fall inlove again. why? because, it hurts when you really love someone and she just toyed you and dumped in the end. " medyo napahina yung pagsasabi ko pero narinig naman niya kasi gulat yung reaksyon niya. Parang hindi makapaniwala. 

"don't ever tell anyone about this" pahabol ko.

"ok." sabay sulat siya. ano kaya nasa isip nito? bahala na. basta pag nalaman kong may nakaalam na iba, humanda siya, pagsisisihan niya ang ginawa niya. 

"how about you?" tinanong ko na kagad siya..

"uhhm, uhhm. uhhm" grabe, nahihiya pa, hindi na nga ako nahiya. kinapalan ko na mukha ko para lang masabi yun.. 

"uhhm, to be rejected by someone i love". sabay yuko siya, mukhang nahihiya nga. Nagulat ako sa sagot niya kaya pala parehas kami ng Motto. Well, naiintindihan ko naman siya. ako nagtanong ng last question.

Single For(n)ever....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon