chapter 17

42 2 0
                                    

JAKE'S POV

Bakit yun pa ang kinanta ni Joan? hay, hindi ako mapakali sa pagkakaupo ko. Tingin ako ng tingin kay Michi. Napapatingin sin naman siya sa akin. Iniiwas ko nalang kaagad ang akin. Tsk. Ang heartbeat ko abnormal na. Lalo atang bumilis ang tibok ng puso ko nung nagkatinginan kami. Parang may kakaiba kasi sa kanya ngayon. Hay, lecheng buhay naman to oh.

Natapos ng kumanta si Joan. Bigla nalang lumabas si Michi. Bakit kaya?

"hoi, Jake, bakit lumabas yun?" nakangiting sabi ni Mark. Natutuwa pa siya sa paglabas ni Michi pero parang nakakaloko yung ngiti niya

"ewan" sagot ko.

"sundan mo kaya." sabi sa akin ni Joan.

"hindi na lang" sabi ko sa kanya.

"hay naku Jake, lalo lang kayong mahihirapan sa ginagawa niyong yan ni Michi. Aminin mo, namimiss mo siya no?" tanong ni Joan. Oo, namimiss ko nga pero, hay ewan ko.

"..." ako to.

"sabi na e. Jake, alam mo mas masaya kayong dalawa nung close pa kayo. Lagi kayong nagkekwentuhan, nag-uusap, nagtatawanan. Parang kayo na ata ang magbestfriend eh" sabi sa akin ni Mark

"pero Mark, alam mo naman ang sitwasyon ko." sabi ko sa kanya.

"oo, pero para lang dun, kakalimutan mo na si Michi bilang close firend mo?" tanong sa akin ni Mark. Hindi ako makaimik.

"Huwag ka sana magalit Jake, pero alam ko narin kasi ang sitwasyon mo. Alam mo, kung gugustuhin mo talagang pigilan yang nararamdaman mo, kaya mo kahit hindi nyo sinaalang-alang ang pagkakaibigan niyo." sabi sa akin Joan. Hindi naman ako nagalit kasi alam niya na.

"Just go with the flow, Jake. Besides, malay mo may mangyaring maganda." sabi ni Mark. Huh? mangyarinf maganda?

"don't mind my hon. Ano pa ginagawa mo? Sundan mo na kaya yun." sabi sa akin Joan. Siguro nga tama sila. Hindi dapat nadadamay ang pagkakaibigan namin dahil lang sa sitwasyon ko.

Nagmadali akong lumabas at medyo napatakbo na ako para sundan si Michi. Nakita ko siya nakapila sa bilihan ng movie ticket. Manonood siya? Nakaisip ako ng paraan. Pumila ako s alikod niya ng hindi nagpapahalata. Buti may dala akong hoodie at shades. Sinuot ko muna yun para hindi niya talaga ako mahalata.

Pagpunta ko dun sa counter. Tinanong ko kung ano yung biniling ticket ni Michi.

"ah sir, bakit nyo po tinatanong?" tanong sa akin nung babae

"ah, kasi galit sa akin yun, may nagawa kasi akong hindi maganda. Balak ko sana magsorry sa loob." palusot ko sa kanya. Ngumiti naman yung babae.

"aw, ang sweet niyo naman sir, sige po, Praybeyt benjamin po yung ticket at dun siya sa seat J14." sabi nung babae. Syempre, kinuha kong seat at J15 para katabi ko siya.

"thank you." sabi ko sa babae

"kaya nyo yan sir." pagcheer sa akin nung babae. Napangiti naman ako dun. ahaha.

Pumasok na ako kasi magsisimula na. Hinanap ko yung seat ko. Pagkapunta ko dun, nakita ko si Michi nakatitig lang sa screen.

"uhhm, may nakaupo ba dito?" tanong ko. Wala na kao matanong eh.

"sigruo, tingnan mo yang ticket mo" sabi niya. Pero hindi siya lumingon. Hay, buti hindi nalahata ang boses ko.

"ah, sorry" sabi ko nalang at umupo na ako. Nagsimula ng yung movie. Simula palang, nakakatawa na. Medyo pinipigilan ka ang pagtawa baka kasi mahalata niya ako. Pero siya kung makatawa, wagas.

Single For(n)ever....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon