chapter 21

33 2 0
                                    

(A/N: nakapagupdate din... hehehe. vote po kayo and comment..)

JAKE'S POV

Nagpunta ako kanina sa canteen para magpareserve ng kare-kare. Mabilis kasing nauubos yun. Favorite pa naman ni MIchi yun. Syempre ititreat ko si Michi. Hinhintay ko nalang na idismiss sila ng prof. Nandito ako ngayon sa labas ng room niya. Tiningnan ko yung watch ko, malapit na.

Maya-maya pa ay lumabas na yugn mga kaklase niya. Inabangan ko siya sa pinto. Paglabas niya, humarang ako sa kanya.

"Tara na Michi." sabi ko sa kanya.

"ay diyos ko po." nagulat ko ata siya.

"sorry." sabi ko.

"huwag ka kasing manggugulat." sabi niya.

"ok. lunch na tayo." Hinila ko na siya. Bumaba na kami. Syempre hindi kami sa canteen kakain. Pinatake-out ko yung kakainin namin. Pagdating namin sa may entrance ng building.

"Antayin mo ako dito Michi ha." pagkasabi ko nun. nagpunta na kong canteen at kinuha ko yung pinareserve ko. Binayaran ko na at bumalik na ulit ako.

"saan ba tayo pupunta?' tanong niya habang naglalakad kami papuntang sunken garden.

"sa sunken, dun tayo maglulunch. tinake-out ko yng pagkain natin." sagot ko sa kanya.

'bakit dun pa, pede namang sa canteen nalang"

"gusto ko dun. hahaha. tsaka, matutuwa ka sa kakainin natin." sabi ko sa kanya. Nakarating na kami sa sunken garden. Naupo kami sa may damuhan. Maganda ang panahon, hindi ganoong kainit.

Binigay ko sa kanya yung pagkain. Kinuha naman niya at binuksan. Pagkakita niya nung pagkain, abot tenga ang ngiti niya.

"aaaah Jake, Favorite ko to.waaah. Salamat Jake." sabi niya. Nagsimula na siyang kumain. Kumain na rin ako.

"teka, paano mo nalamang favorite ko to?" tanong niya sa akin.

"sa tingin ko lang. hehehe" sabi ko

"paano nga? tinanong mo ba kay Joan?"

"ah hehe" sagot ko nalang. Alam niya na ibig sabihin nun. Ngumiti lang siya sa akin at nagpatuloy na sa pagkain.

"may class ka ba after nito?" tanong ko sa kanya.

"wala, nagcancel yung prof namin." sagot niya.

"ako din, ok lang ba na samahan mo muna ako dito hanggang mamaya?" gusto ko siyang kasama. Gusto kong ipadama sa kanya na gusto ko siya.

"ah ok lang. wala din naman akong gagawin." sagot niya. buti nalang pumayag siya. Susulitin ko ang time na ito.

Maya-maya pa ay natapos na kaming kumain. Nabusog kami pareho. Ang sarap kasi. Bumili din ako ng inumin namin.

"Salamat ulit Jake. Nabusog ako." sabi niya. Inestretch niya ang paa niya at tumingala.

"wala yun." pagkasabi ko nun, nahiga ako sa lap niya. Nakatingin ako sa langit.

"ui Jake, ano ginagawa mo?"

"nakahiga"

"ih, bumangon ka nga." sabi niya.

"ayoko, sige na, pahiga lang. ngayon lang sige na." sabi ko. Hindi na siya umangal. Pinikit ko ang mga mata ko. Ang sarap sa pakiramdam. Napatunayan ko na, mas magiging ok pala kung tatanggapin mo na nahuhulog ka na sa isang tao. Mas mahihirapan kalang kung pilit mo itong nilalabanan.

"Jake, nakamove-on ka na ba sa nangyari sa iyo dati?" biglang tanong ni Michi. Napamulat ako. Tiningnan ko lang siya. Nakatingin siya sa langit.

"sa tingin ko oo, mararamdaman mo naman yun kapag tinanggap mo na sa sarili mo na may nagugustuhan ka ng iba." sagot ko. Totoo naman yung sinabi ko. Tumingin siya sa akin. Nakatitig lang ako sa mga mata niya.

"paano mo masasabing nahuhulog ka na sa isang tao?" tanong niya ulit.

"mahirap sagutin yang tanong mo, tanging ikaw lang ang nakakaalam kasi puso mo yan, ikaw ang mas nakakaintindi niyan. ganyan din ako, nung una, hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko pero narealize ko rin recently." sagot ko sa kanya.

"teka, may nagugustuhan ka na? sino?" tanong sa akin ni Michi. Nginitian ko lang siya. Kung alam mo lang Michi na ikaw ang sagot. Pumikit na ulit ako.

MICHI'S POV

Pinagmasdan ko lang si Jake habang nakapikit siya at nakahiga sa lap ko. May something sa pagngiti niya kanina. Handa na ba talaga akong magmahal muli? Tama ba na sundin ko itong nararamdaman ko sa iyo Jake? Kaya ko na ba?

Tinitigan ko lang ang mukha niya. Ang peaceful ng mukha niya. Nakangiti pa siya. Bumibilis nag tibok ng puso ko. Ito na ba yung sign na talagang nahulog na ako kay Jake ng tuluyan? Kapag kasama ko siya, masaya ako.

Ganito lang kami kanina pang lunch. Sa totoo lang, ang saya ko ngayon. Kasi kasama ko si Jake. Nakatulog na nga ata siya. Tiningnan ko siya. Ewan ko ba, parang may narealize ako nung makita ko siya. Tama, tuluyan na nga akong nahulog sa kanya. Simula pa man nun, nahulog na ang loob ko sa kanya at ngayon ko lang natanggap sa sarili ko ang nararamdaman ko sa kanya.

"Jake, ui, JAke, tulog ka ba?" tinatapik ko si Jake. Tulog nga ata.

"tulog ka nga ata" sabi ko ulit.

Pinagmasdan ko lang siya. Hindi ko akalaling, mahuhulog ang loob ko sa lalaking ito. Ng dahil sa kanya, nakamove-on ako at natuto na ulit magmahal. Hinaplos ko ang buhok niya. tulog naman siya kaya ok lang.

"Jake, may sasabihin ako sa iyo." sabi ko. Para nga akong baliw kasi kinakausap ko ang tulog.

"may narealize ako."

"narealize ko na ang tunay kong nararamdaman."

"Jake, i've fallen for you completely. and for real" sinabi ko na sa kanya ang nararamdaman ko. Shit, biglang gumalaw mga labi niya.

Huwag mong sabihing gising siya? waaah. Nakakahiya. akala ko pa naman na tulog siya. Kinabahan ako. hinintay ko siyang dumilat pero hindi naman. hya, kinabahan ako dun. Tulog nga talaga. Napabuntong hininga ako dun ah.

MARK'S POV

Nandito ksami ngayon ni hon sa may sunken garden. Pinapanood lang namin sina Michi at Jake. Ang boring nga kasi, wala naman silang ginagawa.

"ano ba yan hon, wala naman silang ginagawa. si Jake, natutulog lang." sabi ko kay hon.

"basta, manood lang tayo, baka may mangyari mamaya, tsaka, may mga pictures namna tayo oh" may dala nga pala kaming cam, para picturan sila. Aaminin ko ang sweet nung pwesto nila. Para silang magsyota. Bumalik na talaga ang dating Jake. Ang totoong Jake kasi ay sweet.

"wait, may sinasabi si Michi." pinakinggan namin yung sinasabi niya. Medyo malapit kami sa kanila.

"

"may narealize ako....narealize ko na ang tunay kong nararamdaman....Jake, i've fallen for you completely. and for real" sabi ni MIchi. Medyo malakas kasi boses niya kaya narinig namin.

sisigaw na dapat si hon pero tinakpan ko bibig niya. Baka mahuli pa kami dito. Lumayo kami sa kanila. Nung medyo malayo na kami. HIndi na napigilan ni Joan ang sarili niya.

"yaaaaaahhh. ang saya saya ko.. yes.. kinikilig ako... waaahhh.. Narealize narin ni Michi. i'm so happy for them" sabi ni hon.

"sa tingin mo, narinig yun ni Jake?"

"malay natin, malay natin hindi pala talaga siya tulog pero atleast mutual ang nararamdaman nila sa isa't isa. ako'y kinikilig ng sobra" sabi ni hon.

Naglakad na kami pabalik ng building. Napagdesisyunan namin ni hon na hindi na namin papakailaman si Jake. Bahala na siya. Since tapos na naman ang misyon namin sa kanilang dalawa.

Single For(n)ever....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon