MICHI'S POV
Tapos na ang klase ko pero parang wala akong naintindihan sa lecture. Pano ba naman iniisip ko the whole time yung kakaibang ngiti ni Mark. Parang may something talaga ih.. Hindi ko maexplain. Pag talaga nakita ko yang si Mark, icocorner ko siya hanggang sa magsabi siya. hahaha..
Naglalakad na ako sa corridor ng makita ko si Mark, tamang-tama ito na ang hinihintay kong pagkakataon. Nilapitan ko siya.
"Mark." seyoso kong sabi.
"hey, Michi, bakit?" tanong niya
"may itatanong lang ako sayo" nakangisi kong sabi. Parang alam na ni Mark yung itatanong ko.
"sabi ng wala yun ih, ang kulit." asar niyang sabi.
"anong wala, kung makangiti ka kanina kay Jake parang may kakaiba sa kanya"
"wala nga kasi" naiinis na siya. haha
"wag mong sabihing, may gusto ka kay Jake" niloko ko para umamin. haha
"asa ka. hindi ako bakla." galit na ata siya.
"kung wala kang gusto, bakit ka nakangiti kanina?" tanong ko ulit
"hay ang kulit mo. sige na nga pero sa atin lang dalawa to ha. promise mo"
"ok, promise" sabi ko.
"kasi, bumabalik na kasi yung dating Jake na kilala ko. Yung madaldal, palabiro at masayahing Jake. Ganun naman kasi talaga yung ugali niya kaso nag-iba siya after nung incident" sabi niya. nagtaka naman ako kung ano yung incident na yun.
"ah ganun ba. Ano ba yung incident na nangyari?" curious lang kasi ako.
"basta, bawal sabihin kahit kanino. pwera na lang kung siya mismo magsasabi sayo." sabi lang niya.
"ah ok. sige uwi na ako. bye.' sabay alis.
"hey, wag mong ipagsasabi sa iba lalo na kay Jake ha." sigaw niya sa akin. nagnod na lang ako.
Pagdating ko sa bahay. Dumiretso na lang ako sa kwarto ko. Iniisip ko parin yung mga sinabi sa akin ni Mark kanina. So, hindi pala talaga yun yung tunay na Jake. Hindi pala talaga siya suplado. hhhmmm. Bakit kaya siya nagkaganun? Ang alam ko lang may kinalaman yung incident na yun. Pero ano kaya yun.?Nag-isip lang ako ng nag-isip. BINGO...
ewan ko lang kung tama ako, pero sa tingin may kinalaman yung greatest fear niya kung bakit siya nagbago. hhhmm. Kailangan kong malaman ang talagang nangyari. Kaso paano ko gagawin yun?
Kung sinasabi niyo na chismosa ako, well ,hindi no, kasi gusto ko lang malaman kung bakit siya nagbago. Mas cool kaya yung totoong Jake sa tingin ko kahit hindi ko pa talaga nakikita.
Nakalipas ang mga araw, mas naging close pa kami ni Jake. Kahit hindi lab class, magkasama kami. Kwentuhan lang. Pero syempre madalas kasama namin sina Joan.
One time nga nung lab time namin, mabilis namin natapos yung problem. Usap lang kami ng usap hanggang sa magtime na. Kung ano ano lang pinaguusapan namin madalas puro nonsense. haha. Masaya pala kasama tong si Jake, hindi ka mabobore. Ewan ko ba, kapag kasama ko siya, pakiramdam ko wala akong problema. hihi.. Sa tinagal-tagal, ngayon lang ulit ako naging masaya. =D
Lunch time, magkakasama ulit kaming apat.
"guys, movie marathon tayo bukas samin, sabado naman bukas." anyaya ni Mark sa amin.
"sure, what time?" tanong ni Jake. Nakita ko si Mark, napangiti na naman. Alam ko na yung ngiting yan. haha
"mga 1pm hanggang night" sagot ni Mark.
BINABASA MO ANG
Single For(n)ever....
Storie d'amoreDeciding to be SINGLE FOREVER is a tough decision. They swear never to love again and get hurt. BUT will they keep this decision forever? Will this thing conquer love? That's what Jake and Michi are going through. Will they admit to themselves that...