JOAN'S POV
Tama nga ang hinala ko, Nagkakagusto na ang bestfriend ko kay Jake. Nung una palang, alam ko na mataas ang chance na ganun nga ang mangyari pero hindi ko alam kung matutuwa ako kasi nag-aalala parin ako kay Michi. Hindi parin niya malet go ang nakaraan niya. Dala-dala parin niya ang sakit na nadama niya.
Nahihirapan din ako sa sitwasyon ni Michi. Lalayuan niya yung taong gusto niya para lang hindi siya masaktan ulit pero hindi naman siya masaya. Hay, hindi ko na alam ang gagawin ko. Sabihin ko na kaya kay hon yung problema ni Michi? Pero, nagdadalawang isip parin ako.
Ilang araw na nag-iiwasan sina Jake at Michi. Parang bumalik sila sa dati, yung hindi nagpapansinan. Kami ni Mark ang nahihirapan sa dalawa. TInatry nga namin na maging close ulit yung dalawa pero wala paring nangyayari. Lagi silang may dahilan, kesyo daw may gagawin pa.
Nandito ako ngayon sa Trinoma dahil may date kami ni Mark. Hinihintay ko siya dito sa may Timezone. Dumating narin si Mark.
"hey, hon, sorry late." sabi niya sa akin
"ok lang." sagot ko.
"bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" tanong niya sa akin.
"hay, nahihirapan na ako sa sitwasyon nila Michi." sabi ko sa kanya.
"ako din naman. Hay, hindi ko na kaya pang itago to. hon, kaya kasi nilalayuan ni Jake si Michi kasi natatakot si Jake na lalo pa siyang mafall kay Michi. Takot parin masaktan si Jake." sabi niya sa akin. WHAT? pareho sila ng dahilan ni Michi.
"ganyan din si Michi. Hay, because of their past kaya nagkakaganito sila." malungkot kong sabi.
"may naisip akong paraan" sabi ni Mark. Ano naman kaya yun?
"ano?" tanong ko sa kanya.
"mamaya ko nalang sasabihin. Magdate muna tayo. hahahaha" sabi ni Mark. Oo nga pala, date nga pala namin. Masyado kasi namin iniisip ang sitwasyon nung dalawa.
JAKE'S POV
Ilang araw narin kami nag-iiwasan ni Michi. Kahit sa lab, hindi na kami nag-uusap. Ang hirap na ng sitwasyon namin. Ang hirap hindi pansinin ang taong naging close na sa iyo. One time nga nagkasalubong kami. Nagkatinginan lang kami pero saglit lang, iniwas din namin ang tingin namin at parang hindi kami magkakilala nung nilagpasan lang namin ang isa't isa.
Weekend ngayon. Wala akong magawa dito sa condo ko. Napagpasyahan kong magTrinoma nalang. Maglilibang nalang ako para hindi ko na siya maiisip. Hay, kada araw na hindi kami nagpapansinan, lalo ko siyang namimiss. Lalo kong namimiss makipagkwentuhan sa kanya, tumawa kasama siya at magsagot ng problems sa lab na kausap siya. Parang sinasabi ng puso ko na kausapin ko siya pero pinipigilan ng utak ko. Hay, buhay.
Nakarating na ako ng mall at naglakad lakad lang ako. Nagtime zone nalang ako para malibang ako. Nagdance revo ako, nagbasketball at nagvideo game ako. Natapos na ako, at lumipat ako sa extension ng time zone, nakita kong bakante ang isang cubicle sa videoke. Papasok na dapat ako ng may makasabay ako. Paglingon ko. 0_0
Si Michi.
MICHELLE'S POV
Nag-iiwasan kami ni Jake. Ok na siguro to para hindi na ako lalong mafall pa sa kanya. Mabuti ng parang stranger kami sa isa't isa. Pero, parang bigla nalang nagkulang ang buhay ko simula nun. Wala na akong makakwentuhan. Wala na akong pedeng makausap. Ang sarap pa naman kausap ni Jake. Hindi ka mabobore sa kanya. Simula nung naging kaibigan ko siya parang sumigla ulit ang pagkatao ko pero naglaho din nung bumalik kami sa dati. Hindi ko pala akalaing, mamimiss ko siya ng ganito. Hay.
BINABASA MO ANG
Single For(n)ever....
RomanceDeciding to be SINGLE FOREVER is a tough decision. They swear never to love again and get hurt. BUT will they keep this decision forever? Will this thing conquer love? That's what Jake and Michi are going through. Will they admit to themselves that...