chapter 14

59 3 0
                                    

JAKE'S POV

December 24 na ng gabi. 11 pm na. AKo lang mag-isa ngayon kasi nasa ibang bansa ang mga magulang dahil sa business trip. Hay, wala tuloy ako kasama ngayong pasko. SMP ako ngayon. Ano namang kadramahan ko? hahaha. Nakahiga lang ako sa kama habang nagpapatugtog ng music. Hinihintay ko lang na mag12 tsaka ako matutulog.

5

4

3

2

1

12 am na. December 25 na. Matutulog na dapat ako ng may kumatok sa pinto. Sino naman kaya yun? Siguro kapitbahay lang yun, babati nang merry christmas. Lumabas na ako ng kwarto at nagtungo sa pinto. Pagbukas ko, ako ang nasorpresa.

"MERRY CHRISTMAS JAKE!!" Bati nila Mark, Joan at Michi. Hindi ko inaakala na pupunta sila dito. Natuwa naman ako sa ginawa nila.

"Merry Christmas din. Ano ginagawa niyo dito?" tanong ko sa kanila.

"Para samahan ka. Alam namin na wala ang mga magulang mo. Kaya nandito kami." sagot ni Mark. Oo nga pala alam ni Mark na wala ang mga magulang ko.

"Paano naman yung mga pamilya niyo?" tanong ko ulit. Iniwan nila ang pamilya nila para lang samahan ako.

"Ok lang yun. May New year pa naman. Hindi mo ba kami papapasukin?" sagot ni Joan. Pinapasok ko na sila at dumiretso kami sa dining area.

"Pasensya na kayo kung wala akong handa" sabi ko sa kanila. Wala naman kasi akong kasalo kapag naghanda ako kaya hindi nalang ako naghanda.

"Sus, para saan pa itong dala namin" sabi ni Mark sabay taas nung mga dala nila. May dala silang cake, lasagna, wine at bbq.

"o siya lapag niyo na yan dito at makakain na tayo" sabi ko sa kanila. Inayos na namin ang mga pagkain at naupo na kami. Ganito yung pagkakupo namin.

          Michi

AKo  TABLE  Joan

           Mark

Nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain kami, nagkekwentuhan kami ng kun ano-ano. Pansin ko si Michi hindi masyadong umiimik. May problema kaya to?

"ui Michi, may problema ba, mukhang tahimik ka" sabi ko sa kanya. napalingon naman siya sa akin.

"ah eh, hindi naman. hahaha" sabi niya.

" oo nga bestfriend, may problema ka ba?" tanong ni Joan

"wala, ano ba naman kayo, wala to, o siya kain na ulit kayo." sagot ni Michi. Mukhang may problema siya. Kausapin ko nalang mamaya.

"guys, after nito may ibibgay ako sa inyo." sabi naman ni Mark. Natapos na kami kumain. Nakaupo parin kami sa dining. May kinuha si Mark sa bag niya.

"Christmas gift ko sa inyo" sabi ni Mark sabay labas ng mga regalo. INabutan niya kami isa isa.

"Thank You" sabi naming tatlo. Nilabas na rin ni Joan at Michi ang mga regalo nila at inabot sa amin. NAgthank you ulit kami. Yung gifts ko nga pala sa kanila nasa kwarto ko kaya pumunta muna ako ng kwarto ko at kinuha.

Pagkabalik ko inabot ko sa kanila isa isa. Nagpasalamat naman sila. Hindi muna namin binuksan yung mga gifts pag-uwi nalang daw nila. Nagpunta na kaming living room para magkantahan. Nagyaya kasi sina Mark.

Naunang kumanta si Joan. Grabe, basag ang eardrums ko hahaha. Nakakatuwa nga kasi kahit hindi masyado tama yung tono niya, todo bigay parin. Tinatawanan lang namin si Joan. Nagkantahan lang kami. Siguro, after 1 hour, napansin ko, wala na si Michi sa tabi namin. napatingin ako sa patio at nakita ko siya dun nakatayo at may hawak na glass of wine.

Single For(n)ever....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon