(A/N: ngayon lang ulit nakapag-update. hehe. vote narin kayo and comment...)
JAKE'S POV
Muntikan pa mabasa ni Michi ang usapan namin ni Mark sa fb. Buti nalang at pabalik na ako sa table namin dala yung order nung titingnan palang niya. Kung nagkataon, hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko.
Ito kasi yung naging conversation namin ni Mark nung hinihintay ko pang dumating si Michi.
Mark: hey, nasab ka?
ako: nasa mcdo. philcoa
Mark: ano ginagawa mo diyan?
ako: inaantay si Michi.
Mark: date nyo? hahaha
ako: oi, hindi ah, may take home kasi kami. gagawin namin.
Mark: weh, hindi nga.
ako: oo nga.
Mark: masaya ka naman.
ako: ewan ko sayo
Mark: aminin mo na kasi. masaya ka.
ako: hay, oo na.
Mark: yes.. hahaha.
ako: i think, tuluyan na akong nahulog sa kanya.
Mark: matagal ko ng alam yun.
ako: weh?
Mark: oo kaya, obvious naman pero ikaw lang tong kung makadeny, wagas.
ako: hay, this time siguro, hindi ko na magawang ideny sa sarili ko ang nararamdaman ko para sa kanya.
Mark: yiiieee. so ano na balak mo? aamin ka ba sa kanya?
ako: hindi ko alam. wag na lang.
mark: ano ka ba. chance mo na to.
ako: ayoko lang kasi malaman ang isasagot niya. natatakot parin ako.
Mark: hay, ewan ko sa iyo. alam mo, lalo kalang mahihirapan kung hindi ka aamin.
ako: bakit naman?
mark: kasi, hindi mo malalaman ang sagot niya. Araw-araw kang mapapaisip kung ano ba ka ba talaga sa kanya. Mas mabuti ng alam mo na para magawan mo na ng paraan.
ako: huh?
Mark: example. kung may gusto rin siya sa iyo, edi gagawa ka ng moves. kung hindi ka niya gusto edi ititgil mo na. Atleast hindi ka nakalambitin sa gitna.
ako: gets ko na.
Mark: so ano na?
ako: bahala na.
Mark: hay, kung hindi ka pa handa, siguro mas mabuting gawin mo ay magparamdam muna.
ako: pwede din.
Mark. hehe. teka, isang malupit na tanong. are you over with your past completely?
ako: siguro?
Mark: anong siguro.
ako: siguro kasi hindi naman ako mafafall kay Michi kugn hindi pa kao nakaget over sa past ko diba.
Mark: yes naman, eh paano yung single forever chu chu mo?
ako: promises can be broken right?
Mark: oo nga naman. o siya. next time nalang ulit. baka dumating na yang date mo.
ako: sabi ng hindi date yun.
Mark: denial.
ako: sabi ng nga kasing hindi pero para sa akin, pede na rin? hahaha
Mark: hahaha lol
ako: osiya, nandito na si Michi. next time nalang.
Mark: gudluck.
*signed off- mark*
Oo, inamin ko na sa sarili ko na nahulog na kao kay Michi. Tanggap ko na na gusto ko na si Michi. Ginawa na namin yung take home. Pagkatapos, nagpagpasyahan naming mamasyal muna sa circle. Tahimik lang kami maglakad. Ewan ko ba kung bakit nadapa tong si Michi. Hindi ba naman tinitingnan yung dinadaanan.
Tinulungan ko siyang tumayo. Medyo masakit daw yung paa niya. Since marunong naman ako sa mga ganung bagay, may ginawa ako. Medyo nawala naman ang sakit. Pinasakay ko siya sa likod ko para hindi na siya mahirapan maglakad. Nahihiya pa nga siya. SA dulo, sumakay na rin siya. Ewan ko ba, ang saya saya ko nung time na nasa likod ko siya. Medyo binagalan ko nga ang lakad para mafeel ko yung moment namin.
Sinamahan ko na siya pauwi kasi gabi na, medyo delikado kung mag-isa lang siya uuwi at may sprain pa siya sa paa. pagkahatid ko sa kanya. Umuwi na rin ako. Nakasakay ako ngayon sa taxi pauwi sa condo ko sa katipunan.
"sir, girlfriend niyo po?" tanong nung driver sa akin. Napangiti ako sa tanong niya.
'ah hindi po, close friend ko po." sagot ko.
"ah,akala ko po kasi gf nyo. " sabi nung driver.
"paano nyo naman po nasabi?" tanong ko sa driver
"halata po kasing may gusto kayo sa kanya at may gusto rin siya sa inyo." sagot nung driver. Ha? si Michi may gusto akin? hahaha. natawa naman ako dun.
"hahaha. si manong talaga. gusto ko sioya manong pero sa tingin ko kaibigan lang ang tingin niya sa akin." sabi ko sa driver.
"umamin na po ba kayo sa kanya?' tanong ni manong.
"hindi. Hindi ko pa siguro kayang umamin sa kanya." sabi ko.
"sir, paano niyo po malalaman kung may gusto rin siya sa iyo kung hindi ka aamin?" si manong.
"ewan ko, bahala na." sabi ko nalang.
"ok lang yan sir, kaya niyo yan. Wala pong masama sa pag-amin." sabi ni manong. Natuwa naman ako kay manong. Ang open-minded niya.
Nakarating na ako sa condo ko. Nagdiretso na ako sa kwarto at nahiga. Akala ko hindi ko na ulit mararamdaman ang ganitong feeling after mangyari nun sa akin dati. Akala ko, hindi ko na makakaya pang magmahal muli. Kinuha ko yung cellphone ko at tinext si Michi.
to michi: good night. i had fun. thanks. =D
mayamaya, nagreply siya.
from michi: nagenjoy din ako. gud night.=)
Hindi ko na siya nireplyan. Napangiti ako sa text niya. Nagenjoy din pala siya kahit papaano. kahit nagkasprain siya. Binaba ko na ulit ang phone ko at pumikit na ako.
zzzzzzz...
zzzzzzz..

BINABASA MO ANG
Single For(n)ever....
RomanceDeciding to be SINGLE FOREVER is a tough decision. They swear never to love again and get hurt. BUT will they keep this decision forever? Will this thing conquer love? That's what Jake and Michi are going through. Will they admit to themselves that...