chapter 13.1

52 2 0
                                    

<<---vote po kayo. and comment na din. tnx =D

JAKE'S POV

Nakapasok na kami sa EK. Hindi ganun kadami ang tao kahit christmas break na. Buti naman. Una naming nakita ang bumpcar. so syempre, sakay kagad kami. Tigi-tigisa kaming car. Nakakatuwa nga kasi laging nagkakabungguan yung lovebirds. haha. Si Joan naman inis na inis. Kaming dalawa naman ni Michi mukhang sanay na kasi naiilagan namin yung iba. Pero, nakabungguan kaming dalawa.

"hahahaha" sabay naming tawa. Nagkatinginan kami at ngumiti siya. May kakaiba na naman akong naramdaman. tsk. Ito na naman itong feeling na ito. Iniwas ko nalang ang tingin at nagdrive na ulit. Natapos na kami at sunod naming sinakyan ay yung mini roller coaster. Since pangdalawahan yun, kami ulit magkasama ni Michi. Masaya naman ako dun. ano daw? masaya ako? tama ba ang naramdaman ko? siguro masaya ako bilang kaibigan kasi nagiging close na kami at hindi na ako naiinis sa kanya. yun nga siguro yun.

Nakasakay na kami at umandar na. Nagsalita naman si Michi. by the way, nasa unahan nga pala kami.

"ang boring naman dito. walang thrill." sabi niya.

"tara sa space shuttle" yaya ko sa kanya.

"sure." sagot niya. kakaiba din tong babaeng to ah. Hindi natatakot. gusto ko tong trait niyang to.

Natapos na kami at nagsimula na kaming maglakad. since excited nga kaming magspace shuttle, niyaya kagad namin yung lovebirds dun.

"hey, mark, space shuttle tayo."yaya ko kay mark, parang biglang namutla si mark. ano to, takot?

"ah, eh, kayo nalang haha. diba hon." sagot niya. halatang kinakabahan.

"oo nga, antayin nalang namin kayo" sabi naman ni Joan.

"o sige," singit ni Michi. at pumunta na nga kami ni Michi sa space shuttle, buti nalang maikli ang pila nung time na yun. Sa unahan kami umupo. Habang paakyat na kami.

"wiiie. excited na ako. hindi kumpleto pagpunta ko dito kapag hindi ako sumasakay dito" galak niyang sabi. hindi nga talaga siya natatakot sumakay dito.

"ako din. nakakailang ulit pa nga ako dito e" sabi ko sa kanya. Nagyabang ako ng kaunti sa kanya. haha

"sus, ang yabang mo din no." sabi niya sa akin.

"hahaha. totoo naman e. hahaha." tumawa nalang ako, expected ko naman na sasabihin niya yun haha. Magsasalita na dapat siya  ng bigla nalang nagsimula yung pagbagsak namin. haha.

"AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH" sigaw naming dalawa. Natapos na din yung ride. super enjoy kami. Hinanap na namin sina Mark kaso hindi namin makita. pilig ko, plano nila tong dalawa. tsk.

"nakita mo ba sila?" tanong ko sa kanya.

"hindi nga e. ano ba yan, iniwan tayo." sabi niya. Ito talagang dalawang to, puro kalokohan. tsk. may nagtext naman sa akin.

message received:

from: Mark

hey, hiwalay muna kami ni hon ha, syempre kailangan namin ng privacy at kailangan nyo rin. haha. joke. sige. enjoy kayo.

sabi ko na nga ba, may balak yung dalawang yun. tss. humanda sila sa akin pag nakita ko sila. SInabi ko naman kay MIchi yung text ni Mark. Halatang nainis din siya.

"tara, sakay nalang tayo sa ibang rides. sayang naman kasi"yaya niya sa akin. sa bagay, kaya nga kami pumunta dito para magsaya. Ayun, sunod naming sinakyan at flying fiesta. Medyo ang awkward lang kasi dun na kami nakaupo sa lover's seat, yung pangdalawahan. nahuli kasi kami. tsk. Ang awkward tuloy. Narinig ko pa yung mga nakapila na kung ano ano ang sinasabi.

Single For(n)ever....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon