chapter 6

87 2 0
                                    

JAKE'S POV

Mamaya na pala yung first lab namin. Buti nakapag-aral ako kahit papaano pero hindi ko natapos. Nakatulugan ko kasi kagabi. haha. Sana, madali lang talaga ang lab. Kahit ako nalang sasagot, ok lang basta matapos kami kagad at hindi mag-usap. Tama, ganun na lang gagawin ko. Kailangan ko lang magconcentrate mamaya para masagutan ko. 

**lab time**

Pagkabigay samin nung problem, gumuho mundo ko. Yung isang part laam ko sagutan pero yung isa pang part hindi.. waaah. pano na to. so, kailangan ko talaga siya kausapin? Oh Lord. bakit ako pa? Bakit siya pa na pinaka-iinisan ko.. huhuhuhu.

Sinagutan ko nalang yung alam ako. Yung iba pa naming classmates talaga todokausap sa partners nila. Medyo maingay nga sila e. Kami lang ang tahimik. Siguro napansin kami ni sir kaya lumapit siya sa amin.

"kayo din, pag hindi kayo nagtulungan, babagsak kayo sa akin." nakangiti niyang sabi. Nang-aasar pa niyang sabi. hay, si sir talaga. After nun, umalis na siya. Bigla naman nagsalita si MIchi.

"uhhm, alam mo ba sagutan yung first part? ang alam ko lang kasi yung second part" mahina niyang tanong habang sumusulyap sa akin.

"oo, tapusin ko nalang yung first part at ibigay ko sayo at irewrite mo nalang." sabi ko nalang. waaah. Bakit ko siya kinausap. hay, kung hindi lang talaga kailangan. tsk

"ok" sagot niya.

Ayun, tinapos ko na yung part ko at binigay ko sa kanya at sinimulan niya nang isulat muli. Napansin ko nakatingin sa amin si sir. Nakangiti pa talaga. PArang nang-aasar talaga. tsk. 

After siguro 10 minutes natapos niya na yung pagsusulat. Naghihintay nalang namin na ipapasa yung papel. Pagtingin ko sa wtch ko, may 30 minutes pa bago magtime. Ang tagal pa. Tumunganga na lang ako. Sa tingin ko hindi pa tapos mga classmates namin dahil ang ingay parin nila. Bilis naman namin. nakalipas ang 5 minutes, waaah. parang ang tagal ng oras.

"ok class. pass your paper after 5 minutes. uhhm, i will call someone nga pala to explain their answers in front" sabi ni sir sabay tingin sa direksyon namin. waaah. shit. hindi ko alam kung pano sinagutan ni MIchi yung second part. Ano gagawin ko kung ako yung matawag. Kailangan ko na talaga siya tanungin kung pano niya sinagutan yun.

"uhhm." 

"o, bakit" tanong niya. pero hindi siya nakatingin sa akin kasi busy siya sa pagsusulat. Ano na naman kaya sinusulat nito. eh kanina pa kami tapos.

"pano mo sinagutan yung second part" nahihiya kong tanong. Maya-maya, may inabot siyang papel sa akin. Pagtingin ko, isa pang kopya ng solutions at answers namin. waaah. Thank God. and siguro salamat din kay Michi. ayun, dahil dun, alam ko na kung pano sagutan. Kaso, pinansin ko siya at kinausap pa. hay. bahala na, for the sake of this subject, kakausapin ko siya pero dito lang sa subject na ito. ang hirap kasi kapag hindi kayo nag-uusap ng partner mo. 

Nakalipas na ang 5 minutes. Pinasa na namin yung papel.

"class, hindi na pala ako tatawag ng student para mag-explain. Sige, dismissed na kayo." Nakangiting sabi ni sir. Loko talaga itong si sir. Siguro guston lang talaga niyang mag-usap kami ni Michi. tsk. Naisihan nyo ko dun ah.

Lumabas na lang ako ng classroom at hinanap si Mark. Nakita ko siya sa may 2nd floor corridor at mukhang may inaantay. NIlapitan ko.

"oi, sino hinihintay mo?" 

"ah, si Joan, sabay kami maglulunch e." sagot niya. haha. I smell love. 

"ikaw ah, dumadamoves ka na" biro ko sa kanya.

"hinaan mo naman ang boses mo oh." asar niyang sabi.

"eh bakit dito mo siya hinihintay e sa taas room namin." tanong ko. kasi sa taas nga naman yung room namin.

Single For(n)ever....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon