chapter 4

106 3 0
                                        

JAKE'S POV

After ko ibigay number ko sa kanya, lumabas na ako ng room. Hindi ko alam kung may sinabi ba siya pero sa tingin ko hindi na nakapagreact yun. hehe. Umalis nalang ako ng college at pumunta ako sa sunken garden. Kasi dun, pede ka mag-isa, peaceful at nakakarelax. Naisipan kong pumunta dun kasi 2:30 pa next class ko, 11:00 palang.

Naupo ako sa may damuhan at kinuha ko yung libro ko at nagbasa na lang ako. hindi ko alam kung gaano ako katagal nagbasa pero malapit ko na matapos yung binabasa ko. Siguro mga, 2 hours na ako nagbabasa. Itinigil ko na din kasi sumasakit na mata ko at nahihilo na ako. Tumingala na lang ako sa langit. Bigla ko nalang naisip si Arte girl na un. Ewan ko ba kung bakit bigla ko nalang siya naisip. hehe. Binaling ko nalang ang atensyon ko sa mga dumadaang sasakyan. Ngayon ko lang napansin na ang dami na palang private cars dito sa campus. Sabi kasi dati, talagang madalang ka makakita ng private cars. Well, iba na talaga panahon ngayon. 

Habang nagpapalipas pa ng oras, bigla ko nalang natripan kumanta pero hindi naman talaga kanta kinakanta ko, nag-iimbento lang ako pero nilalagyan ko parin naman ng tono. hehe. wala ako magawa e. Maya-maya, may nakita ako sa gilid ng mata na tumayo. Napatingin ako at napatigil ako sa pagkanta, Si arte girl pala. since, sabi ko sa sarili ko hindi ko siya papansinin sa entire sem, deadma lang ako tumingala nalang ulit. alam kong umalis na siya. 

Napatingin ulit ako sa direksyon niya, at nakita ko may humarang sa kanyang apat na lalaki. Teka, kilala ko ung mga yun ah. Puro talaga kalokohan, baka kung ano pa gawin nila kay arte girl. Tumayo ako at tumungo sa lugar nila. Nung malapit na ako. akma ng hahalikan ni John kaya nagsalita na ako.

"hey John, tigilan mo na nga yang kalokohan mo." sabi ko sa kanya. Tumigil naman siya at umalis na silang apat. Tumingin lang ulit ako kay Arte girl at bumalik na rin sa lugar ko kanina.  Hay, tama lang naman yung ginawa ko kanina, diba? Kahit naman hindi ako interesado sa kanya ayoko parin namang may nababastos na babae kaya ayun, ginawa ko yun. Tiningnan ko watch ko at 2:20 na pala.

"makabalik na nga. " sabi ko na lang sa sarili ko.

**sa college building**

Nakita ko si Mark at nakita niya rin ako. Mukhang masaya ang mokong ah. Ano kaya ang nangyari? Matanong nga.

"Bakit parang ang saya mo ngayon?" tanong ko

"hehe, nakita ko kasi yung first love ko. pero wag ka maingay ha, hindi niya kasi alam un.hehe." nakangisi niyang sabi. haha. natawa naman ako dun.

"talaga lang ha. sino b un?"nacurious lang ako.

"maya mgkikita ulit kami, sama ka sa akin hehe." Biglang may ngtext kay Mark.

"Pare, buka nalang pala, may biglaan kasi siyang kailangan gawin. Kita na lang tayo bukas. Sige bye." Umalis na siya dahil may klase pa din ata yun. Pumunta na lang ako sa klase ko.

Natapos na din ang first day ng klase. hay, kapagod kahit wala naman ginawa. Umuwi nalang ako at kumain at deretso tulog na...

**second day of classes**

as usual, maaga ulit ako pumasok kasi nasanay na ako ng ganun e. haha. good student kasi ako. =D

Medyo natuwa naman ako dahil hindi ko makikita si arte girl kasi every other day lang class ko dun e. haha. Ibang set of subjects ulit ngayong araw. Ganun parin ang nangyari. since, first meeting, wala ulit ginawa, nag-attendance lang at nagpakilala isa-isa. yun lang. hehe. Ganun lang ginawa namin sa two subjects bago lunch time. Nung lunch time na, pumunta akong canteen. Tinext kasi ako ni Mark na ipakikilala niya daw ako dun sa first love niya tsaka dun sa kaibigan na maganada. Pake ko kug maganda yung kaibigan niya. Not interested.

Single For(n)ever....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon