chapter 12

53 2 0
                                    

<<---- Vote po kayo tska comment na din p. tnx. =D

MICHI'S POV

christmas break na namin. Ngayon, papunta na kaming EK kasi nagyaya si Mark. Syempre kaming apat lang. Nagbus nalang kami papuntang EK at may balak din kaming magovernight sa bahay nila Joan sa Laguna.

PAgdating namin sa bus, hindi pa masyadong puno, pero pangdalawahan lang yung upuan. Expected ko na magkatabi yung lovebirds hhahahaha. So ibig sabihin nito, katabi ko si Jake. Bigla naman ako natuwa. Wait, bakit ako natutuwa? erase... erase...magkatapat lang ang inupuan namin nila Joan

Ako Jake          Mark Joan

"hey, hon, kinkilig ako" sabi ni Joan kay Mark. Bakit naman kaya?

"ako din hon. hahaha" sabi  ni Mark sabay tingin sa amin ni Jake. oh my. alam ko na iniisip ng dalawang to.

"hoy, kayong, dalwa, alam ko iniisip nyo ha, tumahimik nga kayo dyan" sabi ko sa kanila.

"aw, masyado ka namang defensive dyan Michi. napaghahalata ka eh" sabi ni Joan. Medyo namula naman ako sa sinabi niya. HIndi ko nalang sila pinansin. Tumingin nalang ako sa sa labas

" proven guilty." sambit ni Mark. At sabay sila tumawa ni Joan. hay. kakabwisit lang yung dalawa. Bago ito namang si Jake parang wala lang sa kanya. arrrgh. pero bakit nga ba ako naiinis e sa wala lang naman talaga yun. hay, bahala na nga.

Umandar na yung bus. Habang nasa biyahe kami, ang tahimik naman. Nakinig nalang ako ng music. At ramdam ko parang bumibigat na yung mata ko. Gusto ko ng pumikit. At ayun, nakatulog na pala ako sa biyahe.

zzzzzzzzzzzzzzzz

JAKE'S POV

Habang nasa biyahe, hindi ko maiwasang mapatingin kay Michi. hay ewan, hindi ko parin makalimutan yung nangyari dati. Bakit ko nga ba kasi siya hinalikan ha? nababaliw na ba ako? siguro nga baliw na ako. hay, napnsin ko, nakatulog pala si MIchi. kakainggit naman, inantok tuloy ako bigla. 

napikit nalang ako, at maya-maya. Nakatulog na din ako.

zzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

MARK'S POV

Medyo matagal ang biyahe kasi traffic pero ok lang kasi kasama ko naman ang aking one and only Joan my loves, haha. ang korni ko masyado pero wala kayong magagawa inlove ako e. hahaha

"hey hon, ano masasabi mo kina Michi at Jake" biglang tanong sa akin ni Joan

"bagay sila, pansin ko nagiging close na sila sa isa't isa. hay, mabuti nga unti-unti nang bumabalik sa dati si Jake." sabi ko sa kanya. Totoo lahat ng sinabi ko. kaya masaya ako para sa kanila.

"alam mo, si Michi din, simula nung may nangyaring hindi maganda, nag-iba ugali niyan. pero ngayon, bumabalik na din siya sa dati. Masaya ako para sa kanya." sabi ni Joan. so, may problema din pala si Michi. buti nalang talaga nagtagpo yang dalawang yan.

"sa ngayon, hayaan nalang muna natin yung dalawa hanaapin ang dating sila.' sabi ko kay Joan. Bago, tumingin ako sa lugar nila Jake at nakita kong tulog yung dalawa. at ang pwesto nila, si Michi nakapatong ang ulo niya sa balikat ni Jake at si Jake medyo nakapatong ang ulo sa ulo ni Michi. aw, ako ay kinikilig hahaha.

"hey, hon, tingnan mo yung dalawa, ang sweet." sabi ko kay joan, tumingin din naman si Joan.

"hahah, hey, hon, pahiram ng cam mo, may gagawin lang ako" nakangiting sabi ni Joan, alam ko binabalak nito ni Joan at gusto ko to haha.

Tumayo si JOan at lumapit sa dalawa. PInicturan niya yung dalawa habang tulog, medyo madami ding shots yun. hahaha. Bumalik na din si Joan. Tiningnan namin yung mga pictures at abnormal na ang hindi kiligin sa dalawa. Grabe parang couple talaga silang dalawa.

"grabe, tagusan sa buto ang pagkakilig ko" sabi ni Joan. hahaha

"oo nga." sabi ko, napatingin kami kina Jake kasi biglang nagising si Michi. ANo kaya magiging reaksyon nung dalawa? haha. exciting to.

MICHI'S POV

hindi ko namalayan, nakatulog pala ako. pagmulat ko,bakit pakiramdam ko may nakapatong sa ulo ko? SInilip ko at schocks 0_0

Napaupo ako bigla ng ayos. Bigla akong namula. ano ba yan, nakatulog pala ako sa balikat niya. nakakahiya. At dahil sa ginawa ko, nagising din siya. Nagulat din siya at nakita kong medyo namula din siya. waaaaah

"ah eh, sorry, nakatulog pala ako" nahihiya kong sabi sa kanya.

"ok lang. sorry din' sabi niya. hindi kami makatingin sa isa't isa. Ang awkward talaga. tumingin nalang ako sa labas at napansin kong malapit na pala kami, hay, buti naman. Dahil nga sa malalim ang iniisip ko, hindi ko namalayang nandito na pala kami sa bababaan namin.

"ui, MIchi, dito na tayo." sabi ni Jake. Napatingin ako sa kanya ay nakita kong nakatayo na siya. Nasa harap niya sina Joan.

"hey, bestfriend, grabe kang tumunganga dyan ah, iniisip mo ba si Jake?" sabi ni Joan

"oo..... ay hindi, hindi." waaaah, nasabi ko ba yun? ano ba nangyayari sa akin. tsss. hindi to pede. Ayoko tong nararamdaman ko.

"hahahahaa" tumawa nalang sila Joan at Mark. Si Jake nauna ng lumabas. Nakakahiya talaga.

Bumaba na din kami at ngpunta na kami sa EK. BUmili na ng ticket si Mark. Habang nakapila pa siya, nag-usap muna kaming tatlo.

"ikaw MIchi ha, napaghahalata ka ha" sabi sa kani ni Joan

"ano na naman?" sabi ko

"naiinlab ka na kay Jak no?" nagulat naman ako sa sinabi ni Joan. At bigla na naman akong kinabahan.

"hindi no. diba nga, SINGLE FOREVER ako." yun nalang nasabi ko. promise ko sa sarili ko yun e,

"pede namang mabreak ang promise diba?" nang-aasar talaga si Joan.

"hindi ko ibbreak ang promise na yun" sabi ko

"sabi mo e" mukhang ayaw paawat ni Joan ah. Bigla ba namang tinanong si Jake.

"ikaw Jake, may gusto ka ba sa bestfriend ko?" joan

"wala." sabi ni Jake. aw, bakit parang nalungkot ako bigla? hindi pala. erase-erase. Tumingin nalang sa malayo si Jake.

"hay, ewan ko sa inyong dalawa." Nainis si Joan. HIndi na kami pinansin. Ba, siya pa may ganang mainis huh.

Hinintay nalang namin makabalik si Mark. Ang tagal naman niya bumili ng ticket. Well, medyo mahaba kasi pila e.

JOAN'S POV

nakakabwisit yung dalawa, halata namang may gusto sila sa isa't isa pero todo tanggi. Lecheng SINGLE FOREVER promise kasi yan. And take note, pareho pa nilang motto yan, kaasar lang. Sial na nga tinutulungan diyan e. Bahala nga sila sa buhay nila..arrrrgh naiinis lang ako.

Mabuti pa kami ni Mark, labs namin ang isa't isa. Ang swerte ko din kay MArk. hehehe. hay, sana maging masaya na talaga bestfriend ko. sana talaga. Pero sa ngayon ieenjoy ko muna ang EK kasama ang aking hon. yiiiieee. kinikilig naman ako hahahaha...

Nakabalik na si Mark at pumasok na kami sa EK. Nagride all you can kami para masaya. hahaha. Let the fun begin......!!!!!

Single For(n)ever....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon