chapter 18

42 2 0
                                        

MICHI'S POV

Lab time na ulit namin. May sinasagutan kaming problem. Medyo mahirap yung problem kahit isa lang. Kanina pa nga namin sinasagutan ni Jake pero hindi parin namin natatapos.

"aaaah, ang hirap naman nito"  biglang sabi ni Jake.

"oo nga. Bakit kaya ang hirap ng problem natin ngayon?" sabi ko sa kanya. Nagulat ako nung nagtaas bigla ng kamay si Jake.

"yes, Jake." tanong ni sir kay Jake.

"sir, clue naman dyan kung paano sagutan to" sabi ni Jake. Hindi ko ineexpect na gagawin ni Jake yun hahaha.

"mahirap ba talaga class?" tanong niya sa amin.

"yes sir" sagot namin.

"siya, take home niyo nalang yan. ok. siya, dismissed na kayo" sabi ni sir. Lumabas na siya ng room. Yung mga classmates namin natuwa at lumabas narin ng classroom.

"ui, Kailan natin sasagutan yan?" tanong ko kay Jake

"pede mamaya na kasi busy ako bukas." sagot ni Jake. Pede naman ako kaso 5pm pa ako pede.

"ok lang kahit mga 6 na natin gawin?" sabi ko sa kanya.

"ok lang pero saan tayo?" tanong ni Jake? saan nga ba? Gabi na rin yun kaya hindi na kami pede dito sa building.

"saan nga ba? teka, may dala ka bang libro o kaya laptop?" tanong ko sa kanya.

"meron" sagot niya.

"sa Mcdo na lang tayo sa Philcoa. ok lang?" sabi ko sa kanya. Nag-isip muna siya.

"sure. sige, kita nalang tayo dun mamaya. bye. Ingat" sabi niya at lumabas na siya ng classroom. Napansin ko na nasa room pa pala si Joan.

"hoy, bestfriend, nandyan ka pa pala" sabi ko sa kanya. Lumapit na siya sa akin.

"ikaw ha, hindi mo na ako napapansin. hahahahaa." asar niya sa akin.

"ano ka ba. Pinag-usapan lang namin yung take home" sabi ko sa kanya. KUng ano-ano na naman kasi ping-iisip nito

"Bakit ka pumayag maging close ulit kayo. Diba natatakot ka na baka lalo kalang mafall sa kanya?" tanong niya sa akin. Ano ba yan, bigla nalang niya ioopen yun

"hay, ewan ko, sa ngayon, bahala na basta masaya ako kasi nandiyan ulit si Jake" sagot ko nalang.

"yiiiee, ikaw ha. hahahaha" asar niya ulit. tss

"siya nga pala, gusto mo ba sumama sa amin mamaya, gagawin namin yung take home" yaya ko kay Joan

"na, kayo nalang, makakaistorbo pa ako sa date niyo" grabe lang siya mang-asar.

"anong date ka diyan. tara na nga, may gagawin pa ako." lumabas na kami ng classroom.

Nagpunta akong lib kasi may kailangan akong iresearch. Medyo matagal din ako dun. Napatingin ako sa relo ko at 5:30 na pala. Hindi ko napansin ang oras. Nagmadali na akong lumabas at pumunta sa sakayan ng Jeep.

Pagdating ko sa Mcdo. Nakita ko siya, nakaupo sa may window side. Naglalaptop siya. Siguro nagnenet kasi may wifi dito. Ewan ko ba, parang ang cool niya tingnan ngayon. Leche namang puso to oh. tsk, mabuti pa siguro huwag ko nalang pansinin tong nararamdaman ko. Lumapit na ako sa kanya.

"o Michi, umupo ka na" sabi niya sa akin, nagsmile pa siya. Shit, biglang nagjump ang puso ko.Umupo na ako.

"ah, bili naman tayo pagkain, medyo nagugutom ako e" sabi ko sa kanya.

"ok, nagugutom din kasi ako. Wait, libre ko na" sabi niya. Nahiya naman ako kasi ililibre niya ako.

"ah wag na." tanggi ko.

Single For(n)ever....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon