chapter 22

28 2 0
                                        

A/N: nakapgupdate din. sorry ngayon lang. hehehe. ngayon lang ako sinipag magupdate hehehe. vote and commnet kayo ha. tnx..

JAKE'S POV

Rinig na rinig ko ang mga sinabi ni Michi sa akin. Hindi naman kao tulog talaga. Alam kong nakatitig siya sa akin kanina pa. Hindi ko naman inaasahan ang maririnig ko.

Jake, i've fallen for you completely and for real..

Jake, i've fallen for you completely and for real..

Jake, i've fallen for you completely and for real..

Napangiti ako sa sinabi niya. Pero bigla ko din kagad binawi kasi baka mahalata niya na gising ako. Muntikan pa akong mahuli. Siguro mga ilang minuto din ang nakalipas, hindi ko na mapigilan pa ang saya na nadarama ko. Minulat ko na yung mga mata at humikab kunyari para mukhang bagong gising.

"ah. ggi-siiing ka na pala" biglang nasabi ni Michi. Nautal pa siya. Nakita ko ang mukha niya namumula. Napangiti naman ako

"may nangyari ba? bakit ka namumula?" kunyari wala akong kaalam alam sa nangyari.

"hindi ah, tara na nga may klase ka pa" tumayo na siya. Napatayo naman ako kasi nakahiga ako sa lap niya. Naglakad na siya palayo. HInabol ko naman siya.

"ah, anong ginagawa mo?" nagulat siya kasi hinawakan ko ang kamay niya. Napatigil siya sa paglalakad.

"hinawakan ko yung kamay mo. masama ba?" inasar ko lang ng kaunti. Hindi na siya umimik. Bigla na naman siyang namula. Maasar pa nga ulit.

"bakit ka naman namumula?"hinawakan niya yung pisngi niya.

"hindi ah. ewan ko sa iyo. tara na nga" naglakad na ulit siya pero hindi niya binitawan ang pagkakahawak sa kamay ko na siya namang ikinatuwa ko. Naglakad nalang din ako katabi niya.

Ni wala man lang nagsalita sa amin hanggang sa makarating kami sa building namin. Bumitaw na ako at humarap ako sa kanya.

"hatid kita mamaya ha. sige, kita nalang tayo mamaya." tumakbo na ako papuntang room ko. HIndi ko na hinintay pa na magreact siya.

Malapit na ako sa room ng makasalubong ko si Mark. Ang ngiti niya, abot hanggang tenga.

"o bakit ganyan ka naman makangiti?" tanong ko sa kanya.

"wala lang, galingan mo sa pangliligaw ha. gudluck." sabi niya sa akin. nginitian ko lang siya na nakakapangloko?

"hhmm, mukhang may alam ka na hindi ko alam sa itsura mo" nagtatakang tanong ni Mark. Sasabihin ko ba sa kanya ang narinig ko kay Michi?

"huwag kang maingay ha, pero kasi may gusto din ako ni Michi. Narinig ko siya kanina." proud kong sabi. Parang hindi naman siya nagulat.

"alam ko" sabi niya

"huh?"

"narinig namin ni hon kanina mga sinabi ni MIchi, nagspy kaya kami sa inyo. hahaha. akala niya kasi tulog ka pero hindi mo ako naloko. Alam kong hindi ka tulog nun. hahahha" tawa niya.

"kayo talaga. pero Mark, ang saya ko talaga. I think this is the right time para magtapat ako sa kanya. Mamaya, magtatapat na ako" sabi ko kay Mark

"oh that's good. Goodluck Jake." pagkasabi niya nun, umalis na siya, may klase pa din kasi ata siya. Nagpaalam na ako sa kanya at pumasok na ako ng room. Hindi na ako makapaghintay pa.

MICHI'S POV

Hindi ko alam kung bakit ganun si Jake kanina? Narinig niya kaya ang mga sinabi ko kaya siya ganun? Mukhang tulog naman siya. Hay, ewan, bahala na nga.

"ok class dismissed." sabi nung prof. Inayos ko na ang gamit ko at lumabas ng room. Paglabas ko n room, nagulat ako kasi sinalubong ako ni Jake.

"akin na yung bag mo, tara na hatid na kita pauwi" kinuha niya yung bag ko at naglakad na. Mga ilang segundo din ako nakatayo ng matauhan ako sa ginawa niya.

"Ui Jake, saglit lang" sigaw ko medyo malayo na kasi siya.Hinabol ko siya.

"akin na nga yung bag ko, nakakahiya" sabi ko kay Jake, pero parang wala siyang narinig. Dirediretso parin siya sa paglalakad.

"ui,"

"ako na magdadala ok, para sure na ihahatid kita" sabi niya at humarap sa akin. Nagsmile siya. Bumilis bigla tibok ng puso ko. Iniba ko nalang ng direksyon ang tingin ko kasi nailang ako bigla.

"tara na." hinigit niya na ako. Hawak hawak na namna niya ang kamay ko. Sa set-up namin ngayon, parang boyfriend ko siya sa ginagawa niya. Ano ba yan, kung ano-ano pinag-iisip ko. AYun, nakarating na kami sa kotse niya at sumakay na ako. Sumakay na din siya at umalis na kami.

"Jake, saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya kasi hindi naman ito yung daan papunta sa amin.

"kain muna tayo, nagugutom na ako eh. heheh. don't worry, libre ko" sagot niya. Hindi nalang kao umimik. Ano ba binabalak nito ni Jake ha? Tumigil kami sa Starbucks at bumaba siya. bumaba na din ako.

Pagkatapos namin kumain, bumalik na ulit kami sa sasakyan. Nagtaka ako kung bakit hindi parin niya iniistart ang kotse.

"may problema ba?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin. ang seryoso mg mukha niya.

"Michi, may sasabihin ako sa iyo" sagot niya.

"ano yun?"

"Michi, I like you. no, I love you. I've fallen for you." sabi niya. Nabigla ako sa sinabi niya. Hindi ako makapagsalita. Nakatitig lang siya sa akin. Kitang kita mo sa mga mata niya ang sincerety.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 24, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Single For(n)ever....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon