JAKE'S POV
Hindi ko alam kung ano ba tumatakbo sa isip ko kung bakit ko ginawa yun. Una, inadd ko siya sa fb. Pangalawa, chinat ko siya. Pangatlo, tinanong ko siya kung pede maging friends. hay. Ano ba kasi pinag-iisp ko. siguro for the sake of our lab at para narin kay Joan at Mark. Hirap kasi siguro na ang bestfriend mo ay syota ni Joan na bestfriend naman ni Michi bago hindi kami magpapansinan ni MIchi. tss. hay. paninindigan ko nalang mga pinaggagawa ko.
**the next day**
papunta na ako sa room namin sa lab. kinakabahan ako. pano ko siya babatiin. nakakaawkward kaya. bahala na.
Pagdating ko sa room, nakaupo na siya. Lumapit ako at naupo sa tabi niya. Magsasalita ba ako o hintayin ko na lang siya. waaah. pero kasi ako nga yung gusto makipagfriend sa kanya diba. Dapat ako yung may initiative.
"Hi Michi" sai ko at ngumiti sa kanya. haha. nginitian ko siya ng hindi pilit? hindi ako makapaniwala sa sarili ko
"hello. uhhmm. nag-aral ka ba? sorry kasi hindi ako nakapag-aral kagabi" hiya niyang sabi. So, friends na nga talaga kami. hay, buti naman medyo nabawasan yung awkward feeling.
"oo. tanungan na lang tayo mamaya" ngiti ulit. aba, bakit parang ngiti ako ng ngiti? siguro namiss ko lang talaga ngumiti simula nung nangyari yun(secret muna kung ano yung nangyari.) haha, Tumango na lang siya.
Dumating na si sir at binigay na ulit sa amin yung problem namin. hhhmm. medyo madali lang kayang kaya ko sagutan.Nagulat ako kasi nilapt ni Michi yung upuan niya habang nagsasagot ako para malaman niya kung pano ko sinasagutan. Bigla nalang napatigil at napatingin sa kanya.
"ay sorry, hindi ko kasi alam gagawin kaya lumapit ako." paatras na sana siya ng pinigilan ko.
"ok lang, explain ko nalang sayo mamaya." nasabi ko nalang. PInagpatuloy ko na yung pagsasagot at nung natapos ako. Inexplain ko na sa kanya yung ginawa ko. Nagets naman niya kaya ayun, mabilis kami natapos.
"ui, sorry talaga hindi ako nakapag-aral ih" nahihiya talaga siya kasi wala siyang naitulong.
"ok lang yun, basta next time kailangan mo bumawi. heheh" ooops, ako ba talaga ito? bakit parang hindi. haha
"sure." nakangiti na siya. Mukhang magkakasundo kami nito ah. Ayos na din yun. Nagulat kaming dalawa nung nagsalita si sir.
"Mr. Aragon; Ms.Reyes. tapos na kayo?" sobra yung pagkangiti niya. parang nakakaloko. tsss.
"opo sir" sabay naming sabi ni Michi.
"good" sabay kindat saming dalawa. Natakot naman ako dun. Bakit kumindat yun.Medyo natawa si MIchi dahil sa ginawa ni sir.
"si sir talaga puro kalokohan " sabi niya
"onga, kinadatan ba naman tayo? ihhh, nakakatakot" pabiro ko nalang sabi. Nawawala na yung ilang namin sa isa't isa. Natuwa naman ako
PInasa na namin yung yung papel at dinismiss na kami.
"ui, sige una na ako, hanapin ko pa si Mark." sabay tayo ako.
"pede pasabay, hanapin ko din si Joan, baka magkasama yung dalawa." tumayo na rin siya. Sabay na kaming naglakad papuntang canteen.
Habang naglalakad kami, nagkwentuhan kami. Nalaman ko na kaya niya kinuha ang course namin kasi Civil Engineer yung tatay niya. Solong anak lang din siya. Ang nanay naman niya ay nasa ibang bansa dahil sa business.Siguro, ang lungkot ng wala kang kapatid. Kasi ako, may kapatid ako, dalawa. Ako ang panganay.
Pagdating sa canteen, nakita namin yung dalawa kumakain. SObrang sweet nila. Kakatuwa sila tingnan. =D Lumapit na kami ni MIchi sa kanila. Pagkakita nila sa min...
0_0<--- ganito ang itsura nila...
MICHI'S POV
0_0.<---
ganyan reaksyon nila nung nakita kami nila Joan na magkasama ni Jake.well, hindi rin ako makapaniwala kasi friends na talaga kami ni Jake. Infact, kanina ngang lab parang ibang tao siya. Lagi siyang nakangiti. NAtural yung ngiti. Bago, basta iba siya. Mali yung first impression ko sa kanya. Natuwa naman ako. ihhhhh.
Medyo nalaman ko naman yung buhay niya habang nagkkwentuhan kami kanina. May condo siya sa may Katipunan( malapit sa Campus namin). Ang yaman talaga nila. Siya ang panganay. Nakakainggit nga kasi may kapatid siya. hay, ano kaya piling ng may kapatid. Businessman yung tatay niya at Chef naman yung nanay niya. Kaya siguro siya matakaw. hehe.
"oh, bakit ganyan itsura niyo.?" tanong ko sa bestfriend ko.
"bakit kayo magkasama ni Jake? diba sabi mo sa akin, siya ang pinaka-iinisan mo?" oops, nasabi niya ng hindi sinasadya. well, ok lang naman kasi diba nagchat kami one time ni Jake kaya ayun alam niya na kagabi pa.
"sus, first impression ko lang naman yun, tsaka friends na kami para sa inyong dalawa ni Mark" sabay tawa niya. Nagulat nalang ako nung bigla ako inakbayan ni Jake. waaah. totoo ba ito? kanina friends lang ngayon closse friends na kagad? Bilis naman.
"oo, friends kami. ayaw niyo ata e, " sabay aktong magwawalk-out ang drama. SIya ba talaga ito? PArang ang cool naman niya masyado.
"ito naman si Jake, hindi lang kami makapaniwala. o siya upo na nga kayo." sabi ni Mark.
Naupo na kami at kumain. SInce may oras pa, nagkwentuhan lang kami.
Tinanong kami kung pano kami naging friends ni Jake. Sinabi nalang namin yung mga nangyari. Nakita ko si Mark ngumiti habang nakatingin kay Jake. Bakit kaya? hhhmmm. si Jake naman parang wala lang, nginitian lang si Mark. Parang may kakaiba kay Mark ngayon. Kailangan kong malaman yun.
MARK'S POV
nung nakwento na nila kung pano sila naging friends tsaka yung mga kilos ni Jake. Napangiti na lang ako. Kasi bumabalik na paunti-unti ang dating Jake na kilala ko. Yung palabiro, masayahin at madaldal ( lahat kasi kinakausap niyan dati), kaso kasi nung nangyari yun( secret pa) bigla na lang siya nagbago. Tumahimik at hindi na namamansin ng ibang tao, tanging kami nalang ng barkada ang pinapansin niya. hhhhm.
Bakit kaya nagkakaganito tong si Jake? di bale, kukulitin ko nalang siya mamaya. haha.
"Mark, bakit ka nakangiti?" nagulat ako nung nagtanong si Michi. napansin niya pala ako. hehe
"ah wala, parang bumabalik na kasi yung dating Ja....." shit, dapat hindi ko sabihin yun.
"ah kasi, may naalala lang ako isang kaibigan, si Jason, nabalitaan ko kasi na bumalik na ulit sa dati ugali niya" palusot ko nalang. Pero parang hindi naniniwala si Michi. pero sina Jake at Joan, parang wala lang sa kanila. Iniwas ko nalang tingin ko kay Michi. tae, muntikan pa ako madulas. Ang daldal ko ba naman kasi. Naisip ko rin na wag ko muna kulitin si Jake about dun. Antayin ko munang bumalik na talaga siya sa dating Jake. hhhmm.
Pagkatapos naming kumain, pumunta na kami sa susunod naming klase. Syempre, hinatid ko muna si Joan bago ako pumunta sa klase ko. May plano narin ako. Mamatiygan ko nalang si Jake haha.
Nakinig na lang ako si tinuturo ng prof. Napapangiti nalang bigla kapag naalala ko si Jake. Sana nga bumalik na siya sa dating Jake. Mas cool kasi kasama eh. How i wish..

BINABASA MO ANG
Single For(n)ever....
RomansaDeciding to be SINGLE FOREVER is a tough decision. They swear never to love again and get hurt. BUT will they keep this decision forever? Will this thing conquer love? That's what Jake and Michi are going through. Will they admit to themselves that...