chapter 7

75 2 0
                                    

JAKE'S POV

pagdating ko sa bahay, may nareceive akong text, number lang. Sino kaya to? Binuksan ko yung message. Si Michi pala. At sabi may take home lab daw kami at gagawin namin bukas. what?? akala ko pa naman tuwing klase ko lang siya makikita at makakausap. tss. Si sir talaga panira ng buhay. Wala na akong magagawa kasi ayoko namang bumagsak sa subject niya. NIreplyan ko nalang si Michi.

*

To: Michi

ok. LIbrary same place, 12pm.

From: Jake

*

Nilapag ko na cp ko sa may table at nahiga na ako. Maya-maya, may nagtext ulit.

*

ok.?

*

Bakit may question mark pa? ewan ko. basta pag hindi siya dumating within 5 minutes aalis na ako. Natulog na lang ako.

**the next day**

grabe naman yun, 12:05 na wala parin, Makaalis na nga. Nung patayo na ako, bigla ako napatigil. Naalala ko na wala nga pala ako copy nung take home namin. shit. ok lang sana kung meron, sagutan ko nalang mag-isa pero hindi e. Bakit kasi sa kanya lang inemail ni sir? aaah. si sir talaga gusto bonding palagi. kainis.

Naupo nalang ulit ako at naghintay. After 15 minutes, dumating na siya. Lumapit kaagad siya at naupo sa harap ko. Nakatingin lang ako sa kanya. Maganda nga talaga siya. Simple lang. Pero bakit nung first day mukhang maarte? hay, labo mo naman Jake, wag mo nalang kasi siya pansinin. Tapusin nyo nalang ang homework para makalayas ka na.

"uhhm. ito pala yung take home" sabay abot sa akin ng papel. Tiningnan ko. medyo mahirap nga.

"tinry mo b sagutan?" sabi ko. wow, tinanong ko siya. haha. well, sabi ko naman kasi kakausapin ko siya kapag about sa klase namin yun. =D

"hindi. mahirap kasi. nagdala nalang ako ng references." May dala nga siyang dalawang libro. Ayos pala siya. Girl scout. hehe.

"sige, try muna natin sagutan bago tanong tanong nalang sa isa't isa" sabi ko.

"k" tanging sagot niya. Kuripot naman sumagot. Pero hindi na siya masyadong mataray. May sakit kaya ito? Nevermind!

Tinry nga namin sagutan. Hindi ko matapos tapos kasi napatigil ako sa bandang gitna. hindi ko alam kung tama ba yung equation na sinulat ko.

"tama ba na ito yung gamitin ko?" tanong ko sa kanya sabay pakita sa kanya nung papel ko.

"uhhm. mali lang yung signs nung dalawa, pagbaligtarin mo." sagot niya. Focused pala talaga siya sa pag-aaral. Medyo natuwa naman ako. ewan ko kung bakit..

"thanks" sabi ko

tumingin lang siya sa akin at nagsmile. Ganda ng ngiti niya. hehe. Natapos narin yung homework namin. nag-aayos na siya ng gamit. Ewan ko ba, bakit bigla na lang ako nagsalita.

"uhhm. MIchi. sige alis na ako. may gagawin pa ako. Salamat ulit" bakit b hindi na lang ako umalis basta. tssk. Ngumiti nalang ako tsaka umalis. ang awkward kaya nung feeling. Lumabas na ako ng lib at pumunta na ako ng next class ko.

Habang nagkaklase kami, bigla bigla ko nalang naalala yung ngiti niya. Hindi tuloy ako makapagconcentrate sa tinuturo nung prof. Wala na tuloy ako maintidihan. Bakit ko pa kasi iniisip pa yun. tsk, tama na yung pansinan lang kapag tungkol sa lab namin. hanggang dun na lang. Kailan kayanin ko entire sem..

 After nung klase, naglalakad ako sa corridor ng makasalubong ko si Joan.

"Hi, Joan." bati ko sa kanya.

Single For(n)ever....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon