Prologue

13.9K 317 19
                                    

Note to readers:

Remind lang po na hindi ako Professional, so wag niyo pong asahang magiging malinis ang gawa ko.
Read until the end before you judge.
Alam kong hindi maiiwasan ang mga haters but read it first before judging it.

That's all Enjoy reading !

^_^

********

Nagsimula ang lahat ng sinumpa ng isang babaeng estudyante ang section na ito.


"Aaahhh!!!!" Namimilipit sa sakit ang babae habang nakaharang ang mga kamay nito sa mga sipang natatanggap niya.

"Tama na" umiiyak itong nagmamakaawa. Ngunit hindi siya pinakinggan at pinagpatuloy lang ng mga grupo ng estudyante ang pagsipa at pagpalo sa kaniya.

"Tama lang sayo yan mamatay ka na!" Nanggigigil na hinampas ng isang babae ang katawan nito gamit ang isang kahoy.

Napaubo ito at naramdaman na may lumabas na likido sa kaniyang bibig. Nanginginig niya itong pinunasan ng makitang kulay pula na dugo niya ang nasa kamay niya.

Masakit man ang katawan pinilit nitong tumayo. Nang makita ito ng isang kasama ng babae, agad niyang hinatak ang buhok nito dahilan para mapasigaw siya sa sakit. Pinigilan naman niya ang paghatak sa kaniya ngunit masyadong nanghihina ang katawan nito para lumaban. Nakatanggap pa ito ng sampal mula sa babaeng humampas sa kaniya.

"Masyado kang maingay!" Naiinis na sabi ng sumampal sa kaniya.

"A-ano bang nagawa ko sainyo?" hirap man ay pinilit nitong makapagsalita. Hawak parin ng isang babae ang buhok nito at hinila siya papuntang harap.

Tumawa lang ang mga ito at matalim na tinignan siya. Puno ng inis, at galit ang mata nilang nakatingin sa kaniya.

Hindi niya alam ang gagawin. Napahagulgol ito, hindi niya alam kung sa sakit na natamo niya o sa mga tingin sa kaniya.

"Alam mo simula pa lang ng pumasok ka sa paaralan na 'to and worst sa section namin. A-yo-ko sayo!" dinuro duro pa ng babae ang mukha niya.

"Your whole existence scare us all!" Sigaw pa ng isang kasama nila.

"Akala mo kung sinong mabait. Actually nasayo na nga lahat eh. Na pati si Lim inagaw mo! You witch!" tinulak nito ang may hawak sa buhok niya at siya ang sumabunot at pinagsasampal siya. Napaiyak ito pinilit na sinasalag ang mga hampas na nakukuha niya.

"Hey lower your voice! Mahuhuli pa tayo nito!" sigaw ng isang kasama nila.

"I dont care! Nagdala siya nang malas dito! Her whole family is a cursed! She's a witch who needs to die!" Hinawakan nito ang leeg niya at diniinan ang pagkahawak dito.

"Hey girl! You're going to kill her!" Awat ng isa sa kasama ng babae.

"We're just going to scare her not kill her" pinigilan siya ng isang lalaking kasama niya. Hindi ito nagpatigil at sinampal pa ng malakas ang mukha nito.

"Jen, tama na halika na. She's scary!" Sabi pa ng isa niyang kasama.

"Baka ipakulam pa tayo ng pamilya niya"

Napaluha ito at humarap sa kanila. "H-hindi mangkukulam ang p-pamilya ko" Nanginginig ang boses nito.

Sinipa lang siya ng isang kasama nila. Tumama ang ulo nito sa pader, napahawak ito sa kaniyang ulo at naramdaman ang kirot.

"Guys tara na. Hayaan na natin siya diyan. Kailangan na nating umalis baka may dumating pa"

"Baka magsumbong siya!" Natatakot na sabi ng isang babae.








"Deretsohin na natin 'to." Seryosong sabi ng isang binata at naglabas nang isang patalim.

Ginamit ng babae ang natitirang lakas nito upang umatras. "A-anong gagawin nyo?" Nanginginig na tanong habang nakatingin sa patalim na hawak ng binata. Hirap na hirap na ito dahil sa mga sugat at pasang natamo nito dahil sa kanila.

Lumapit nang lumapit ang lalaki nang may ngiti sa labi.

"Wag ...W-wag ......W-WA---"

Naliligo sa sailing dugo ang babae nang sasaksakin ito ng lalaki. Nanlalabo na ang paningin nito at may dugo na ito sa kaniyang bunganga.

Kahit na nanlalabo na ang paningin nito at mamaya pa ay susuko na ang katawan nito, nakita niya ang mga ito na nagtatawanan at bakas sa mga mukha nito na masaya sila.

Ginamit niya ang natitirang lakas niya at nagsalita.

"H-hndi kayo m-magiging m-masaya....m-mamatay kayong l-lahat......." Pagkatapos bitawan ang mga salitang iyon, siya ay bumagsak at nawalan na nang buhay.

Dahil sa narinig nila, sila ay natakot at umalis na doon.

•••

Pagkalipas nang ilang linggo.

"AHHHHHH!!"umalingaw ngaw sa buong canteen ang sigaw nang isang babae na nagmumula sa banyo.

Mamaya pa ay may dumating na ang mga guro at pinuntahan kung saan nang galing ang sigaw.

"Anong nangyayari dito!" Tanong ng isang guro ng makita nito ang isang babae na nasahig at nanginginig.

"S-sssii J--jeeni-f-er " nanginginig na sabi nito habang may tinuturo sa loob ng banyo.

Napalingon sila kung saan nakaturo ang ang babae. Nagulat silang lahat nang makita nila ang isang babaeng estudyante ay may saksak sa dibdib at puro hiwa ang kamay duguan ito at may kutsilyong nakasaksak sa ulo na may nakalagay na.

*Its just the beginning*


••••


Cursed SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon