CS008

2.4K 98 3
                                    

Dedicated to:

zhellie26

kBhYStyLeS

Thanks for Voting :-)

•••

Camil

Nandito kami ngayon sa hospital. Lahat kami ay nagaalala nang malaman naming nasa hospital si France. Agad agad kaming pumunta sa hospital kung nasaan si France. Buti na lang at sabado ngayon.

Nang makapasok kami sa hospital hinanap agad namin ang room na sinabe ni Faye.

Nakita namin agad ang room at nakita namin si Faye sa labas.

"FAYE!!!"Sabay naming sigaw ng makita namin siya.

Lumingon siya sa amin at tumayo sa pagkakaupo.

"Kamusta si France?"Nagaalala naming tanong.

"Ok na siya. Magpasalamat na lang tayo na hindi na tuluyan si Kuya."Malungkot na sabi ni Faye.

"Ano bang pumasok sa kokote ni France at nagawa niya iyon" Inis na sabi ni Cheska pero makikita mo dito na nagaalala siya.

"Dalawa na nga lang kaming lalaki iiwanan niya pa ako"Tumingin naman kami ng masama sa kaniya.

"Sabi ni Kuya kilala niya daw ang killer."napalingon kami sa kaniya pero nakayuko lng siya.

Wait? kilala niya na ang killer?

"Sino?"sabay sabay naming tanong.

Tinaas niya ang ulo niya at tumingin Kay.







Jina?

"Wait? Impossibleng si Jina!"Angal ko.

"Kaya nga kasama naman natin siya nung nangyari ung kay Cristy."Sabi naman ni Rafael

"Hindi ko alam. Pero sabi ni kuya siya daw pumatay Kay Cristy" Sabi nito tumingin kami Kay Jina nakita kong nagulat ito at mukhang natatakot siya.

Lumapit kami sa kaniya at hinawakan ko ang braso niya.

"Wag kang magaalala. Hindi kami naniniwala doon. Alam naming inosente ka."Sabi ko sa kaniya. Nakita kong naluluha na siya.

Paano naman nalaman ni France na si Jina ang killer. Matagal ko nang kaibigan si Jina pero hindi siya mamamatay tao.

"Paano mo nalamang si Jina. May pruweba ba siya?" May pagkainis na sabi ni Rafael.

"Wala, Pero noong sinabe niya 'yon nakakatakot siya."Sabi ni Faye.

"Baliw na siya!"sigaw ko.

Mayamaya pa nakita namin ang doctor na kakalabas nang kwarto ni France.

Tumingin ito sa amin pero agad ding umiwas pero yung tingin niya tingin na natatakot. Parang bigla akong kinabahan.

Umiling na lang ako at pinapasok na kami

Pagpasok namin. Lahat kami nagulat.

"France!!!!"

•••

Jina

Pagpasok namin lahat sila ay nagulat pero ako ay natakot.

"France!!"Sigaw nila kay France na ngayon ay palapit saakin na may nakakatakot na tingin.

Nanginginig ang buong katawan ko. Ang lakas nang tibok ng puso. Bubuksan ko na sana ang pintuan.
Kaso hinatak niya biglaan ang buhok ko dahilan para mapasigaw ako.

Cursed SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon