CS025

273 4 4
                                    

Kat

"Kylie."

Napatingin ako sa kaniya. Ibang iba siya sa nakilala ko.

"Itigil niyo na to"

Hindi ito nagsalita at tinuloy ang ginagawa nito.

"Kylie." Tumigil ito at isang patalim ang pumunta sa dereksyon ko.

"I'm not Kylie." Seryosong sabi nito na magpapanindig ng balahibo ng sino man pero hindi ako nagpadala. Alam kong nandyan pa ang Kylie na kilala ko.

"Kylie, alam kong nadyan ka pa. Stop this. I know you're not like this. Alam kong hindi tayo magkadugo pero minahal na rin kita na parang tunay kong kapatid. Kylie, please stop Faye." Sabi ko. Tumigil naman ito, hindi ito gumalaw ng mga ilang segundo pero bumalik rin at lumabas.

Kilala ko si Kylie, hindi ko man siya totoong kapatid pero alam kong may natitira pang awa sa puso niya.

I don't want to continue this. If she won't make a way to stop her, then i will.

Cheska

Nandito kami ngayon sa Role Elementary School. Sinarado na ang paaralan na ito dahil sa financial problem.

Nilibot namin ang buong eskwelahan pero wala kaming nakitang kakaiba or kahit ano na nandito sila. Kasama ko France at si Ma'am Rose ngayon.

"May nakita ka ba diyan?" Tanong ni ate Kristine sa kabilang linya.

"Wala sila dito."

"Magkita na lang tayo sa Role Park." Agad ko naman tinago ang phone ko ng ibaba nito ang tawag.

Limang oras na lang ang natitira, halos 4 na oras din namin hinanap ang mga lugar na may koneksyon kay Sandra.

Lumapit naman ako kay France at sinabi ito. Agad kaming umalis sa lugar na iyon dahil hindi dapat kami magsayang ng oras.

Nang makarating kami sa Park malapit dito ay agad kaming nagsama.

"Limang oras na lang ang natitira at kailangan na nating mahanap si Camil" Sabi ni Denise.

"I hope she's okay." Sabi ni ate Kristine. Agad naman akong napayuko, Camil be safe.

"Faye won't hurt her" Madiin ang pagkakasabi nito. Napatingin naman ako kay France at halos mapataas ang kilay ko.

"Won't hurt her? Hindi mo ba naalala na hindi na siya si Faye. Naalala mo ba kung paano niya pahirapan si Jina, saktan si Camil, at patayin si Cristy at Willy?" Halos mapasigaw ako ng sabihin ko ito. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko nang maalala ko kung paano nawala saamin ang kaibigan namin.

Nakita ko ang pagsarado ng kamao nito at nagpipigil na sugurin ako.

"That's enough, wala tayong oras sa away niyo." Pagpigil ni Ma'am rose sa amin. "Ang kailangan natin ngayon ang mailigtas si Camil at ang mga ibang estudyante. The last place na hindi pa natin napupuntahan ay ang Tiu Hospital." Sabi ni Maam Rose.

Napatitig kami sa kaniya.

"Do you mean the Abandoned Hospital?" Tanong ko.

Tumango naman ito.

Wala na kaming sinayang na oras at agad na pumunta sa abandonadong ospital.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cursed SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon