CS006

3K 110 6
                                    

Camil

"Excited na ako! Yiie Camping." masayang sabi ni Faye.

"Akoo rin! excited na fresh air at masayang mga gawain" sabi naman ni Cristy

"Pero magingat parin tayo. Wag niyong kakalimutan yung plano" Seryosong sabi ni Cheska

"Halika na baka naghihintay na sila France sa gate " Sabi ko at tumango naman sila.

It's Saturday, at ngayon na ang camping namin. This past few days ay wala namang nangyaring masama at nakahinga kami nang maluwag nung mga araw na yun pero hindi parin kami nakakasigurado baka ngaun kumilos ang killer.

Nadatnan naming nakatayo at naghihintay sila France at Rafael sa tapat nang school gate.

"France! Rafael!" Sigaw namin at mukhang nakita naman nila kami agad.

"Guyzz Wag kalimutan" Seryosong sabi ni France ng makalapit kami.

"Oo na ienjoy muna natin ito bilis hali na kayo maiwanan pa tayo nang bus yiipiie!!" Excited na sabi ni Faye at tumakbo na

Umiling na lang kami at sumunod na sa kaniya.

Third Person

Excited ang magkakaibigan na pumasok sa paaralan. Makikita sa mukha nang mga ito na parang walang silang pinoproblema.

"All students go to your sections" sigaw nang isang Teacher sa mga estudyante.

Lahat ng mga estudyante ay pumunta sa kanikanila nilang section.

"Class 3 A, B At C excited na ba kayo?"Masayang Sigaw nang teacher nila sa mic.

"WOOOOOHHHHHHHH!!!!!"Hiyaw ng mga estudyante.

"Ready na ba k---"Napatigil ang teacher nang nawala nang gana ang mic niya.

Nagsimula nang magingay ang mga estudyante. Habang naguusap ang mga guro ay may biglang nagsalita sa mikropono pero hindi ito ang mikropono na ginamit nila kanina.

Nagulat ang mga estudyante sa narinig. Lahat ay kinilabutan at natakot.

Narinig nila ang isang nakakalibaot na tawa galing doon.

"Hello Fellow Students. Meron akong pabaon sainyo lalong lalo na sa Section 3-B Whahahah"Nakakatakot na sabi nito at tumawa nang nakakakilabot.

"F*ck lumabas ka " Sigaw Ni france sa nag sasalita.

"Tigilan mo na kami!" Gigil na sabi ni Faye

"Hahhaahahah, Class 3-B Lets have Fun. Pangwarm up nyo. Hawak ko ang apat niyong mga kaklase May makikita kayong screen sa likod niyo makikita niyo ang apat niyong magagandang kaklase hahahah." Sabi ng mysteryong boses.

Tumingin lahat nang mga estudyante pati narin ang mga guro sa likod nila at may nakita silang malaking screen at nanduon ang apat nilang babaeng kaklase.

Nagulat ang lahat. Ang iba ay nagsimula nang umiyak. Ang magkakaibigan din ay umiiyak na.

Dahil ang nasaharap nila ay ang kaibigan nila. Si Cristy, at ang tatlong babae ang kasama niya nakatakip ang mga bibig at nakatali ang mga buhok pataas at mukhang nababanat ito, na kapatong ang mga kamay nito sa lamesa at may parang kutsilo sa taas nito at sa harap nila ay nay mga patalim at oras.

"Hahahah Nakakaiyak naman, so ready na ba kayo sa pabaon ko? Simple lang naman ang gagawin niyo hahanapin nyo sila at pagnahanap niyo kailangan niyo silang mapaalis sa mga kandado na nasa bewang at kamay nila" nakakakilabot niyang sabi habang tinutukoy ang mga chains sa bewang at kamay ng mga babae.

Cursed SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon