CS014

2.1K 64 1
                                    

Someone

Bumugad saakin ang puting kisame. Napatingin ako sa paligid.

Napatingin din ako sa katawan ko may mga nakakonect saakin.
Bigla kong naalala ang braso ko.
Tumingin ako sa braso at napabuga nang makita ko na maayos na ito.

Lumingon ako sa pintuan nang may kumatok.

Pumasok ang isang babae.

"Gising ka na pala" Sabi nito at nilapag ang mga dala sa lamesa.

Pinagmasdan ko siya nang mabuti. Ngayon ko lang siya nakita.

"Sino ka?" Seryoso kong tanong.

"Im Kristine Fuscablo, older sister of Cristaline Fuscablo" Sagot niya.

I never heard na may ate pala si Cristy.

"Ahmm Thank you pala. Paano mo pala ako natagpuan ang alam ko kasi walang tao nung oras na iyon"

"By the way Miss Denise, bakit ka nandon nung oras na yon?" tanong niya at binaliwala ang tanong ko.

Sasagot na sana ako nang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Jina.

Wait? Jina?

Camil

"Sure na ba kayo dito sa gagawin natin?" Tanong ni Cheska.

Nakabalik na rin si Cheska pagkatapos ilibing ang kuya niya.

"Sure na ako sa gagawin natin" Sabi ni Faye

"Cheska nalaman na ba kung sino at bakit ginawa ito sa kuya mo?" Pagiiba ni France .

Simula nung mawala ang kuya ni cheska nagkabati sila dahil si France ang nagbabantay kay Cheska.

"Hindi pa, Pinagaaralan pa nila kung sino ang gumawa noon at bakit." Sagot ni Cheska.

"So kailan natin sisimulan?" Singit ni Kylie.

"Ngayon na" Faye

Tumango kami at nagsibalikan na sa mga upuan namin.

Nandito pala kami ngayon sa room. Pumasok kami ngayon para lang dito.

Buti na lang at pumasok sila.

Tumayo sina Faye, Kylie, Kat. Pumunta sila sa harap.

"Ehem!" Napatigil sila sa ginagawa nila at tumingin sa harap.

"Ahmm, May sasabihin lang kami" panimula ni Kat

"Ini-inbita namin kayong lahat sa Party nila Kat at Kylie." Faye

Nagkatingin sila at mukhang nagtataka.

Sino ba naman hindi magtataka eh hindi naman masyadong kilala sila kambal.

Nahalata naman yata nila.

"Ahh Invited kasi lahat nang klasmate namin ni Kambal. May ibibigay kaming invitation nandon narin ang address namin. Ahh Sleepover party pala ang gagawin" pagkasabi ni Kylie nun biglang nagliwanag ang mga mukha nila.

Mukhang gusto nila yata yun.

Tumayo ang dalawang lalake at pinamigay ang mga invitation.

I hope this will work.

••••

The Day before the Party

"Guyz!!!!" Napatingin kami sa sumigaw.

"Oh bakit Cheska" tanong ni France habang nagaayos nang gamit.

Nandito kami ngayon sa bahay na gagamitin para bukas.

Bahay dati nila cheska ito dati, mayaman naman sila cheska eh.

"May nagreport kay Daddy" Sigaw ulit ni cheska

"Kailan talaga sumigaw" Biro ko

"Ay sareh" sabi niya at sumama na rin saamin.

"So anong meron?" Tanong ni Rafael.

"May nagreport kay daddy tungkol sa nangyari sa lumang bahay" Panimula ni Cheska.

Tumango kami para maituloy niya.

(Iiskip ko na po ito. Sa isang chapter ko po kasi ilalagay ang nangyare. Gomen!"

Pagkatapos mag kwento ni Cheska lahat kami ay napaisip.

Babae? Babae ang pumatay sa kanila.

"Wait paano nalaman nung nagsabi sa daddy mo yon. Ibig sabihn nanduon siya. " sabi ni Rafael

"Ang sabi daw kaibigan daw niya ang mga yon. Nung papunta daw siya dun yuon daw ang nakita niya." Paliwanag ni cheska.

Napansin ko kanina pa tahimik ang kambal. Wala kasi si faye nasa taas siya.

Pinabayaan k na lang baka pagod lang kanina pa kasi sila naglilinis.

Naglilinis kasi kami dito.

"Guyz. Food is ready" sigaw ni faye galing sa kusina. Nakababa na pala siya.

Nagtayuan na kami at pumunta sa kusina.

••••

Someone

Tsk. So noisy brat!

Kala niya hindi ko malalaman.



••••

Party Day

Third Person

Marami nang estudyante ang nagsidatingan. Ang iba pumupunta na sa pool, ang iba ay nagaayos nang gamit sa kwarto nila.

Ang iba ay nagkwekwentuhan.

"Guysz stay focus. Bantayan niyo ang bawat estudyante na makikita niyo. Pag nakita niyo na iba ang kinikilos sundan niyo." Nagsitanguan sila sa sinabe ni France.

Naghiwahiwalay na sila. Si Cheska ay sa kusina. Si Camil ay sa Pool kasama si Kat. Si Kylie at Faye ay sa Garden. Si france sa sala at si Rafael sa second floor.

Her

This is gonna be fun ( evil laugh)

••••

Please vote and comment your thoughts about this chapter. Thank you ☺

June 18 2016

Cursed SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon