CS012

2.2K 72 6
                                    

Camil

Its been 3 days simula nang may nangyari sa mansion bukod kay jina, may isa pa.

Flashback

Umupo na kami ng umalis sila france. Si faye at Kat naman ay pinapakalma si Jina kanina pa kasi siya nanginginig at mukhang kabado.

"Nakakainis yung France na yun. Ang kapal nang mukha para pumunta pa dito." Inis na sabi ni Cheska. Galit parin si cheska kay France miski ako ay galit sa kaniya.

Pero minsan napapaisip ako pede ding hindi si france ang may gawa nun, wala namang ebidensiya na siya ang may gawa nun. Naalala ko si Maam, nasaan na kaya si ma'am? Kanina ko pa siya hindi nakikita. Hindi din siya nagpakita nung nasa garden kami. Hindi kaya si ma'am ang may gawa nun kay Jina pero bakit naman niya iyon gagawin.

"Camil, cheska pupunta muna kami sa mansion, magdadala narin kami nang foods and drinks. Babalik rin kami kaagad" Napatingin ako sa kaniya. Tumango na lang ako. Tinawag niya si Kylie at umalis na.

After 15 mins biglang bumukas nang malakas ang pintuan at bumungad sa amin sila Faye at Kylie na pawis.

Napatayo kami nang makita namin sila.

"Anong nangyari sa inyo?" Taka kong tanong sa kanila.

"U-ung m-mansion"hingal na hingal na sabi ni Kylie.

Sh*t parang alam ko na ang mangyayare nito. Aalis na sana ako nang naalala ko si Jina.

"Ako na ang magbabantay kay Jina " sabi ni Kat. Tumango na lang kami at lumabas na agad.

Nagtawag kami nang tricycle at umalis na.

Hindi na kami nakababa sa tapat nang mansion dahil sa dami nang tao sa labas may mga ambulansiya na rin na naka abang.

Agad kaming bumaba at dumeretso sa Mansion. Dumaan kami sa likod dahil hindi kami papapasukin sa main gate.

Nang makapasok kami nakita ko na maraming mga dugo ang nagkakalat sa sahig. Tinignan ko kung saan nang galing ung dugo.

Sa pool at sa Kitchen.

Timingin tingin ako sa paligid bakit walang mga estudyante.

"Faye nasaan ang ibang mga estudyante?'' Tanong ko.

Nandito pala kami sa may garden dito kasi ang pinasukan namin. Hindi rin kami nagpapakita sa iba.

"Nasa bawat room silang lahat. Pagkatapos kasi nung nangyare may dumating na mga security kasama si ma'am " Paliwanag ni Faye

"Eh pano kayo na ka labas."tanong ni kat.

"Nung pinapasok na ang mga estudyante hindi kami sumabay at dumeretso kami sa likod."Sabi naman ni Kylie.

Tumango ako.

Ano bang nangyare sa pool?

At dahil gusto ko malaman,

Pasikreto akong pumunta sa pool sinenniyasan ko sila faye n sumunod. Buti na lang hindi kami nahalata kasi busy sila.

Nang makarating kami nagulat kami ni Kylie. Sila faye namn ay yumuko lang.

"Anong nangyare dito?!" Nanginginig kong sabi habang nakatingin sa pool.

Si kylie naman ay napatakip nang bibig sa nakita.

Punong puno nang dugo ang gilid nang pool at pula na ang tubig nito. May nakita kaming paa na lumulutang na hindi pa nakukuha.

Nakita ko na muntik nang masuka si Faye.

Cursed SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon