CS022

971 24 7
                                    

Camil

Nagising ako na hinanghina ang katawan ko.

Napatingin ako sa paligid at nakita ko sila Jina at Rafael.

Nakakaawa tignan si Jina, para siyang ginawang hayop.

Lalapit sana ako ng naramdaman ko ang sugat ko, napaupo ulit ako.

Masyadong malalim ang sugat na natamo namin.

Huminga ako nang malalim at pinagmasdan ang paligid.

Nasa ibang room kami. Nakasarado ang pinto at bintana.

Wait.

Nasaan ang iba? Pinagmasdan ko ulit ang paligid pero wala sila.

"Kung hinahanap mo ang iba wala sila dito nasa ibang room sila" Hirap na sabi ni Rafael.

Pinaghiwahiwalay kami.

Kinakabahan ako

Isa saamin ang uunahin nila. Sila or Kami.

Gumapang ako papunta kay jina na hirap na hirap na.

Napatingin kami sa pintuan ng may narinig kami may nagbubukas. Mas lalo kami kinabahan ng marinig naming nabuksan na ito.

"Camil, Jina, Rafael!"

Nakahinga kami ng maluwag sa nakita namin.

"Denise"

"Paano mo nalamang nandito kami?!" Tanong ko.

"Mamaya ko na sasabihin. May dapat muna kayong malaman pero bago yun kailangan nating hanapin sila Cheska. Nasapanganib sila." Sabi nito at tinulungan kami itayo.
Siya ang nagalalay kay Jina. Pinilit naming tumayo ni Rafael at umalis na sa room na 'yon.

Cheska

Napadilat ako nang may bumuhos saakin na malamig na tubig at dahilan para sumakit ang mga sugat ko.

"O yan gising na kayo. Ang haba ng tulog niyo eh nakakainip" boses palang parang hindi siya ang kaibigan na nakilala namin.

Hindi ko magalaw ang katawan ko napatingin ako sa katabi ko.

Si France!

Asan ang iba?!

Si ate Kristine?

Camil?

Rafael?

Jina?

Asan na sila?!!

At etong kaharap ko hindi na siya si Faye. Sino ka?!

Bakit ba nangyare sa amin to?

Nagulat na lang ako nang may humatak sa akin at binalibag ako sa mga upuan dahilan ng pagtama ng likod ko at bumuka lalo ang mga sugat ko. Napasigaw ako sa sakit.

"Cheska!!!" Rinig kong sigaw ni France

"Faye itigil mo na to!! Ano bang nangyayari sayo!!!" Sigaw ni France. Pero wala pareng pakialam si Faye at patuloy sa pananakit saakin.

Hindi ko na kaya.

Dumidilim na ang paningin ko

"Cheska!! "

Denise

Flashback

Nandito ako ngayon sa bahay kung saan nangyare ang pagkawala ni Faye.

Binuksan ko ang pintuan at nilibot ang buong bahay, wala naman nang tao dahil pinaalis na.

Cursed SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon