CS013

2.3K 84 33
                                    

Dedicated to: JaylynAlceso


••••

Denise

I'm Denise Mae Santiago. Ang sabi nang iba ako daw ang killer pero hindi ako ang killer. Isa akong private investigator. Ang sabi din nila nakakatakot daw ako well thats because kailangan. Hindi ako pede maghappy go lucky lang dahil mahirap ang pinapagawa saakin.

Ah, naging private investigator dahil sa tatay ko. Ako ang pumalit sa kaniya. Hindi kami mayaman, may kaya lang kami. Simula nang namatay ang tatay ko ako ang pumalit sa kaniya. Bata man ako pero kailangan para sa pamilya ko.

Nandito ako ngayon sa isang lumang bahay. Pinapunta ako dito nang boss ko at dito ko malalaman ang lahat nang nakaraan. Pumasok ako sa bahay at luminga linga. Nang makapasok ako sa pintuan napansin kong may bahid nang dugo ang mga sahig pero kaunti lang. Sinundan ko ang dugo at napansin ko palaki nang palaki ito. Tumingin ako sa harap at may isang kwarto na nakabukas ang pintuan. Sumilip ako at nagulat sa nakita ko.

Nandito siya.

Sumilip ako kung sino ang nasa harap niya. Dalawang lalaking sugatan at wala nang buhay. Ganun siya kalakas?

Napaiwas ako, nang tumingin siya sa kinaroroonan ko agad akong umiwas at nagtago. Ang bilis nang tibok nang puso ko. Nagmadali akong lumabas nang bahay at nagtago sa poste na medyo malayo sa bahay.

Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang kaba. Sa lahat nang trabaho ko ito ang pinaka ayoko. Huminga akong nang malalim.

Bakit siya nanduon? Sinong ang dalawang lalake? Sino siya? Hindi ko nakita ang mukha niya dahil sa maskarang nakatakip sa mukha niya. Pero may dalawang bagay na nahagip nang mata ko. Ang necklace na may letrang K at ang tattoo sa batok niya na butterfly. Nakita ko iyon dahil nakatali siya.

Napatigil ako nang dumating ang mga pulis at ambulansiya.

Wait? Paano nila nalaman. Wala namang masyadong tao dito at hndi ko naman sila tinawagan.

Lumingon ako sa kanila. Pumasok na ang mga pulis.

Wait may dumating. Nang makababa sila. Nagulat ako.

Bakit nandito sila Camil. Magkaklase kami at pinapabantay sila saakin ni Boss.
Ewan ko kung bakit pero alam kong may kinalaman ito sa trabaho ko.

Mga ilang minuto rin akong nagmunimuni at paglingon ko ulit sa kanila ay wala na.

Baka umalis na.

Tumayo akong nang maayos at tumalikod na. Lalakad na sana ako nang may humawak sa balikat ko. Nagulat ako.

May nakakita ba saakin?

Dahan dahan ako lumingon.

Kaharap ko siya.

"Hello, Enjoy eavesdropping?" Ngumiti siya at sinuntok ako.

Napahawak ako sa pisngi. Tae, Babae ba to? Ang sakit manuntok.

Tumingin ako sa kaniya. Hindi parin nawawala ang nakakatakot niyang ngiti.

"Hindi ka lang pala pakialamera. Chismosa ka din no?"at tindiyakan ako dahilan para lalo ako mapaupo.

Kailan ko siya kalabanin. Hindi pa katapusan nang buhay ko.

Walang taong dumadaan. Kami lang ang nandito.

Hindi ko parin makita ang mukha niya.

"Sino ka? Bakit ka nandito?"Matapang ko sabi

Lalong lumawak ang ngiti nito.

Cursed SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon