CS003

3.8K 135 30
                                    

•••

Cheska

Sinusundan ko ngayon si Denise at mukhang hindi sa likod nang building siya pupunta, sa likod nang cr nang girls.

Pinagmasdan ko siya sa malayo para hindi niya ko makita.

Mga limang minuto siyang nakatayo sa likod ng cr ng girls at may kinakausap sa telepono mayamaya pa ay umalis na siya.

Sino kaya ang kinakausap niya? Bakit siya dito pumunta.

•••

Camil


"Asan na si Cheska?'' Faye

"Hala baka siya na ung su-- Arayy" binatukan ni Cristy si France

"Wag ka ngang ganyan" Suway sa kaniya ni Faye.

Natigilan kami ng may nagsalita.

"Heeey!!" Lumingon kami at nakita namin si Cheska.

Nakahinga naman kami ng maayos at lumapit sa kaniya.

"Cheska saan bang lupalop ka pumunta ha?!" Nagaalalang tanong ni Jina

"Sinundan ko si Denise ung tranferee"

"Ano palang nangyari kay Fritzie ok na ba?" Dugtong nito. Nagkatinginan kami at yumuko.

"Patay na siya " malungkot na sabi ni Cristy

Natulala siya.

"Saan? Kailan?" malungkot na tanong ni Cheska

"Sa Girls Cr, kani-kanina lang " Sabi ni France

"Cr ng girls?" Biglang naging seryoso si Cheska

"Bakit?" Tanong ni Willy

"Kanina kasi sinundan ko si Denise papunta siya sa likod nang Cr ng girls" sabi ni Cheska

Nagkatinginan kami.

"'Di kaya siya?" Sabi ni Rafael

"Wait anong ginawa niya dun?" Tanong ko

"Nakatayo lang at may kinakausap sa telepono" sabi ni Cheska

Nakatayo lang? May kausap sa telepono?

"Pero bakit siya nandodoon nung time na namatay si Fritzie?" Tanong ni Jina

"Ewan ko hindi ko rin alam " sabi ni cheska

"Guyz mamaya na natin intindihin yan mag tatime na " putol ni Cristy

Tumango lang kami at pumunta na klasroom

•••

Maingay at maraming nagbubulungan tungkol sa nangyare.

Dalawang estudyante na ang namatay sa section namin.

Mayamaya pa ay dumating na ang Pe teacher namin.

"Class Silence, Your new adviser said that you have a new Transferee. Miss Come in" sabi ni Ma'am Dela Cruz at pumasok ang isang babae.

"Hi! I'm Kylie Joy Abarades. Nice to meet you all" masayang bati nito.

Unang tingin mo palang sa kaniya makikita mo na masayahin siyang bata.

Pero dalawang transferee?

Tinuro na sa kanya ni Maam kung saan ung upuan niya at nagsimula na naman magingay

"New student nanaman "

"Marami nanamang mamatay"

"Oo nga eh diba cursed section tayo"

"Waahh ayoko pang mamatay"

Iyan ang mga ilan sa naririnig ko

"Class Tahimik. We are going to the gym. " Sabi ni Maam kaya naging maingay nanaman pero masayang ingay hndi chismisan.

•••

*GYM*

"Guyz bantayan niyo si Denise ha" bulong ni Cristy

Tumango kami.

Tinawag na kami para mag fall in line.

Mayamaya may narinig kaming sumigaw.

"AAAAAHHHHH---".

Not again

Hinanap ng mata ko si Denise pero wala na siya.

•••


Third Person

PE time na.

Pero siya hindi pa pumupunta.

Hinanap niya ang susunod niyang papatayin at nakita niya ito sa locker room na nagpapalit nang damit.  

Tinignan niya kung may tao at wala siyang nakita.

Pasimple niyang nilock ang pinto at naglakad papunta sa kanya.

Binati siya nang babae pero nagulat ito nang hatakin niya ang buhok nya.

"A-aray masakit! Bitawan mo ako"sabi ng babae at pilit tinatanggal ang kamay nito.

"Hindi dapat kayo kasama eh kaso. Trip ko eh and you know? I hate this section " sabi niya at sinugat sugatan ang babae sa braso gamit ang patalim na hawak niya. Napadaing sa sakit ang babae.

"I-ikaw ang pumapatay sa mga kaklase ko?"takot na sabi nito.

"Ako nga at dahil sa kilala mo na ako buburahin na kita sa listahan pero syempre papahirapan kita "sabi nito at pinagsasaksak nya ang binti at kamay nang babae at inuuntog sa pader.

"T-tama na."pagmamakaawa nang babae, hinanghina na ito.

"Wait, malapit na ok?" Sabi nito at ngumiti nang nakakapangilabot.

Inihagis niya sa pader ang babae at unting unting lumapit.

"Eto na, tama na hindi ba ? I'll give you that" sabi niya

Nagulat siya nang biglang sumigaw ang babae.

"AAAAHHHHHHH--" sigaw nang babae. Naputol ang sigaw niya nang sakalin siya nito.

"At dahil ginagalit mo ako " kumuha siya ng  dalawang patalim at binitawan ang babae.

Umuubo nang dugo ang babae hanggang makalapit na ito.

"Any last words ?" Sabi nito na para bang bored na.

Dahil sa tagal nang babae mag salita ay sinaksak niya na ang isang patalim sa leeg at isa sa dibdib.

At dalidaling lumabas sa may bintana.

•••


Please Vote and Comment.
Thank you

Cursed SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon