CS001

8.1K 170 27
                                    

•••

Makalipas ng tatlong taon. Naging tahimik ang buong eskwelahan at para bang nakalimutan ang mga pangyayari naganap. Wala nang namamatay na akala nila ay tumigil na. May nagsabi sa kanila na pagmaynamatay na isang guro at may nagtransfer na isang estudyante ay babalik ang sumpa.

*Present

Camil


Napuno ng bulungan ang buong silid dahil sa balitang namatay daw ang isang guro namin at saktong may magtatransfer saamin.

Sabi daw nila pag may namatay na isang guro at isang estudyante ang nagtransfer babalik daw ang sumpa na lahat ng estudyante sa class 3-B ay mamatay.

Naniniwala ako sa sinasabe na yon dahil isa don ang tita ko. Siya si Jennifer Carter isa s'ya sa namatay noon kung kailan nag simula ang sumpa. Siya ang unang namatay. Grades school palang ako noon nang namatay ang tita ko. Tita ko sya bale bunsong kapatid sya nang Mommy ko.

Hindi ko ginustong mapunta sa section na ito kaso dito ako dinala nang grades ko.

Oo nga pala ako pala si Camil Carter. I'm 17 years old, late ako ng 2 years dahil sa nangyare sa Tita ko it's a long story. I'm 3rd year high school dapat college na ako kaso yun nga family problem.

Maya maya pa ay may pumasok na guro sa room. Siya siguro ang bagong adviser namin.

"Ok Class, Silent. I'm Miss Dela Vega I'm your new teacher, siguro alam n'yo naman na ang balita tungkol sa adviser n'yo by the way you have a new klasmate, hija come in, introduce yourself"sabi ng bagong teacher namin at may pumasok na isang babae.

Titig na titig kami sa pumasok at halatang hinihintay namin ang pagdating niya.

"I'm Denise Mae Santiago. Nice to meet you all" Walang emosyon na bati nito saamin.

Maganda siya kaso may itim siyang aura sa paligid n'ya na nagpapataas ng balahibo namin.

"You can sit beside Miss Carter." Sabi ni Ma'am at tinuro kung saan may bakanteng upuan sa tabi ko. Tumingin naman ang babae sa gawi ko.

Walang salita salita ay pumunta s'ya sa tabi ko. Nagsitaasan lahat ng balahibo ng umupo ito sa tabi ko.

"Ok class get 1/4 sheet of paper. We have a suprize quiz."

"WHAAAATT!!!?"sigaw naming lahat. Habang kami ay nagrereklamo ay tahimik lang ang katabi ko parang nititigan ang bawat estudyante

•••

"Class Dissmiss "

Pagkalabas na pagkalabas ng guro namin ay nagingay nanaman sila at walang tigil sa pagbubulungan lalo na tungkol saaking katabi.

Sino namang hindi matatakot dito eh ung itsura n'ya nakakatakot hindi man lang ngumingiti.

"Camil, halika punta tayo canteen.''yaya ng kaibigan kong si Cheska.

"Wait lang"sabi ko at niligpit ang mga gamit ko.

"Bilisan mo!"sigaw naman ni Faye.

Nakita ko naman na naghihintay lang sa labas nang pintuan sila France, Cristy, Willy, Rafael,at si Jina

Sila ang mga kaibigan ko.

Cheska Ley

Fayealine Mendoza

Francisco Mendoza a.k.a France kambal ni Faye at boyfriend ni Cristy

Cristaline Dela Cruz girlfriend ni France a.k.a Cristy

William De Vega a.k.a Willy

Rafael Chu

Jinaline Trish Fuscablo

Pagkatapos ko ayusin ang gamit ko ay sumunod na ako sa kanila.

Habang pababa kami nang hagdanan may nadaanan kaming babae na tumatakbo.

"Boy diba si Yna 'yon?" tanong ni France habang nakatingin sa babaeng tumatakbo na mukhang hinahabol.

Ka section yata namin yun.

"Ano naman?"masungit na sabi ni Cristy. Selosa talaga 'tong babaeng 'to.

"Selos ka nanaman ba 'wag ka magaalala hindi kita pagpapalit."at inakbayan n'ya lang si Cristy.

Pumunta na kami sa table namin at kumain na.

•••

Pagkatapos naming kumain ay dumeretso na kami sa klassroom.

Umakyat na kami kaso aakyat na sana kami ng hagdanan nang mahagip ng mga mata namin ang isang babaeng tumatakbo pababa nang hagdanan.

Tumabi kami kaso si Cristy naiwang nagbabasa sa cellphone niya at may hawak itong matulis na bagay bigla namang natapilok ang babae at tapatingin si Cristy. Huli na ang lahat bago namin siya matawag.

Natulala kaming lahat sa bilis ng pangyayare.

Si Cristy, puno nang dugo.

Pagkahulog nang babae tumama ang patalim sa leeg nang babae at tumirik ang dugo sa leeg n'ya.

Hindi parin kami makagalaw dahil sa nangyare. Napaluhod si Cristy at nabitawan ang hawak nito at halatang ito ay nanginginig.

Nilapitan naman siya ni France at itinayo.

May dumating narin na mga teachers at pinalayo kami duon.

Pero may napansin ako bago mangyaring lahat.

Flashback

Habang tumatakbo ang babae tumingin s'ya saakin at may sinabe pero hindi ko marinig.

*H-he-lp m-me.

Putol putol ung sinabe niya pero medyo naintindihan ko ito.

Hindi ko lang maintindihan kung bakit nya sinabe iyon.

"Boy diba sya ung babae kanina na tumatakbo"sabi ni Willy

"Oo nga no" sabi ni Faye

" 'Di kaya?"sabi ni Jina at nagkatinginan kami.

'Di kaya nagsimula na?


Someone

"Kailangan mong lumipat sa paaralang ito at gusto kong imbistigahan mo ang section na ito"sabi saakin ng boss ko at may binigay na isang folder. Binuklat ko ito at binasa ang laman.

"Masusunod po"

Cursed SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon