Camil
Today is the day na itretreat kami ni Ma'am Villegas sa isang lugar.Nandito kami ngayon sa bahay nila Faye. Sabay sabay na kaming aalis papuntang park doon daw kasi magkikita kita.
Kasama din namin si France, k na siya pero tingin ko utak niya hindi pa. Nakalabas na nang hospital si France kahapon pero hindi parin niya kami pinapansin, kapag tumitingin ito saamin para kang pinapatay sa mga titig niya lalo na kay Jina. Binabantayan din namin si Jina dahil kay France."Oi Faye bilisan mo. Baka maiwanan pa tayo duon "Sabi ni Cheska.
"Oh wait lang eto na. Ok Let's go "Sabi ni Faye na kakatapos lang magayos nang gamit. Tumango naman kami. Sumakay na kami sa kotse ni Rafael at umalis na.
•••
"Hey guyz bilis!" Nagmamadali na sabi ko. Nakita ko kasing pinapapasok na ang mga kaklase namin sa Van.
Tumakbo na kami papunta sa kanila. Agad agad naman din kaming pumasok at nilagay ang gamit namin sa likod.
Nakita kong kulang ng upuan kaya sa iba na lang ako umupo. Umupo ako sa may bakanteng upuan sa likod. Napansin kong may kasama akong dalawang babae.
Hindi ko na lang pinansin pero pagkaupo na pagkaupo ko. Nagsalita ung isa.
"Hi! I'm Katrine Joyce Abaredes. Hope we can be friends."Sabi niya. Tinanong ko ba ang pangalan niya? Hmm pero ok lng naman mukhang mabait eh.
"Hello, Camil Carter."sabi ko.
"I know, pwede ka ba namin maging kaibigan. Wala pa kasi kaming kaibigan. Ahh nga pala siya si Kylie Joy Abaredes. My twin."Kat . Sumandal ito para makita ang tinutukoy nito, si Kylie.
"Siya yung transferee diba "Tanong ko.
"Ahh oo. Ngayon lang kasi siya nakapasok kasi may ginagawa pa siya non."Sabi niya at ngumiti.
"So pwede mo ba kami maging kaibigan. Gusto rin kasi namin tumulong sa paghanap niyo sa killer. "Kylie. Wait pano nila nalaman?
"Pano niyo nalaman na hinahanap namin ang killer."tanong ko.
"Eh halos lahat nang estudyante ginagawa yan. "Sabi niya. Tumango na lang ako.
"So friends?"Kat.
Ngumiti ako. Hindi naman masama diba tutal kailangan din namin ng kasama. Kunti na lang kasi kami.
Tumango ako. Ngumiti naman sila.
Pagsabay nuon ang pagtigil nang sasakyan. Bumukas ang pintuan at nagsilabasan na ang mga estudyante.
Lumabas narin ako kasama ang kambal. Nagkwekwentuhan din kami hanggang Makapunta na kayla Cheska.
"Oh Camil hindi mo lang kami nakatabi may kasama kana."Cheska.
"Ahh Si Kylie at Kat nga pala new friends." Pagpapakilala ko.
"Cheska."Nakangiti nitong sabi.
"J-jina"Sabi ni Jina. Napansin din namin na laging tahimik si Jina.
"Hi Rafael pala. Eto si France, wag niyo na lang pansinin. Masungit talaga yan simula nung nawala ung love one niya."Paliwanag ni Rafael. Si France naman ay masamang nakatingin kay Rafael.
Ngumiti naman sila at nagdaldalan na kami. Masaya naman sila kasama.
Kaya nakalimutan namin kung sa'n kami pinunta ni Ma'am.
Tumingin kami sa paligid mukhang nasa isang bahay kami napunta.
"Ma'am anong ginagawa namin dito? eh bahay to eh."Reklamo nang isang estudyante.
Tumingin naman si Ma'am at ngumiti.
"This is not a simple house. This a Mansion. Mageenjoy kayo dito. Halika kayo "Nakangiting sabi ni Ma'am at binuksan ang napakalaking gate.
Makikita mo sa harap nang bahay na wala nang nakatira dito pero maganda at malinis parin siya pero medyo creepy at weird yung kulay.
Pumasok na kami at sinundan si Ma'am nang makapasok kami sa loob namangha kami.
Ang ganda pero madilim.
Makikita mo sa harapan mo ang napakalaking hagdanan pagpasok mo. Makikita mo rin ang malaking Chandelier. Tumingin ako sa taas at maraming kwarto ang makikita. May mga upuan din sa baba na kinatatayuan namin. Mukhang mayaman ang nakatira dito. Sa bawat ding ding ay may mga kurtina na bumabalot sa mga bintana.
"Ma'am Sinong nakatira dito. Bahay niyo?"tanng ng isang estudyante.
"No. This is my friend's house. Pinaalaga niya saakin to when we are in High school araw araw ko tong pinapalinis. Kaya maganda parin siya."Sagot ni Ma'am.
"Mukha nga ma'am. Tignan mo oh ang ganda nang chandelier. Mukhang mayaman ang may ari."Sabi ni Kim klasmate namin.
"Eh ma'am nasaan na ang mayari nito?"Nasaan na yung kaibigan niyo?'' Tanong naman ni Nina isa sa mga kaklase namin.
Biglang nagbago ang mukha niya kung kanina nakangiti ngayon ay wala na.
"Wala na siya"walang emosyon na sabi ni ma'am. Bigla kaming tumahimik.
"Nevermind. Hali na kayo, mamili na kayo nang room niyo as taas at pede narin kayong magswimming nasa likod ang swimming pool. Kung gusto niyo mag games na sa room 8 ang game room. Wait mamaya na pala kayo umakyat tulungan niyo muna ako buksan ang mga kurtina."masayang sabi ni Ma'am. Ngumiti kami lahat at nagsimula nang ayusin ang mga kurtina.
Tumingin naman ako kayla Cheska at sa iba. Masaya silang lahat. Sana naman hindi nila makalimutan ang plano.
Hinanap ko si Denise nakita ko naman na nagaayos din siya.
Alam kong hindi ikaw ang killer.
•••
Third Person
Pumunta ang babae sa labas upang makita SIYA.
Nasa kwarto narin ang mga estudyante.
"Sandra" Tanging sinabe niya nang makalabas sa gate at nakita SIYA.
"Hello my dearest friend." Bati naman ng kausap niya at ngumiti.
"Asan na ang anak ko."Matapang niyang sabi may lumabas naman sa likod nang kausap niya.
"Mommy!" Sigaw nang bata habang papunta sa babae.
"Daisy!"Sigaw rin ng babae at niyakap ang anak niya.
"Pwede ka nang umalis dito bukas nang gabi kung ayaw mong mamatay'' Walang emosyon na sabi ng babaeng kausap niya.
Kumunot ang noo ng babae.
"Bakit mo ba ito ginagawa."sabi niya.
"Simple, because I hate them. I hate that section. I hate everything. They ruin my life, my Family. Now that I'm here, Revenge is on me. 2 down and 3 more plus the students."Sabi nito at ngumiti, ngiting hindi dapat makita.
"Your different. Ibang iba ka na sa nakilala ko. Even your body. I don't know kung bakit nabuhay ka pa and worse sa iba pa."Sigaw ng babae.
Ngumiti lang ang babae at tumingin sa mansion na nasa harap niya.
"Welcome to my House. Welcome to HELL." Sabi niya sa Isip niya.
•••
Please Vote and let me know your thoughts in this chapter. Please support my stories. Thank you.
May 20 2016
BINABASA MO ANG
Cursed Section
HorrorCursed section ang tawag sakanila. Sinumpa nang isang babaeng estudyante at maraming namatay na estudyante. Ngunit pano pag tumigil ito at bumalik ulit. Sabi ng iba bumabalik ito kapag may namamatay na isang guro at may nagtatransfer na estudyante. ...