Cheska
Nagmadali kaming lumabas, sila kat at Jina ang naghanap sa loob ng bahay. Naghihiwalay kami para mas madaling mahanap.
Hindi na ako magtataka kung bakit sila nakipagkaibigan saamin.
Sh*t! Faye nasaan ka na?!
••••
Lumipas na ang ilang minuto pero hindi parin namin siya nakikita.
Nandito kami ngayon sa tapat ng bahay.
"Nakita niyo na ba siya?" Camil
"Hindi pa" Kami
Napatingin kami sa kaliwa nang marinig naming may tumawag saamin.
"Faye!!" Sabay sabay naming tawag ng makita namin si faye na puno ng dugo. Agad kaming lumapit para tulungan siya.
"Faye sinong may gawa sayo nito?" nag aalalang sabi ni france.
"S-si K-k-k---" Bago niya pa matuloy ang sasabihin niya ay nawalan na siya nang malay.
••••
"Faye?!" Sabay naming tawag nang magising si Faye.
"Nasaan ako?" Faye
"Nasa Hospital ka faye. Anong nangyari? Sinong may gawa sayo nito?" Galit na tanong ni France.
Nagsimulang manginig si Faye sa takot.
"S-si K-Kyl-lie... "Natatakot na sabi ni Faye.
Sabi na nga ba eh.
"Sabi na nga ba. May masamang balak yang Babaeng yan" Ako
"Paano ka nakaligtas? Buti hindi ka niya napatay nang tuluyan." Camil
"Naglilibot kami nung time na 'yon sa loob ng bahay. Bigla na lang siyang na wala sa tabi ko. Hinanap ko siya pero hindi ko siya makita. Nagulat ako nang may tumakip sa bibig ko at doon ako nawalan nang malay. Nagising ako sa likod ng bahay tago ang lugar kaya hindi agad makikita. Nakatali ang mga paa at kamay ko kaya hindi ako makatakas. Nang dumating na siya duon niya ako sinaktan. Nakakatakot siya "Sabi nito at humagulgol.
"Paano ka nakatakas?" Rafael
"Umalis siya saglit hndi ko alam kung saan. May nakita ako kutsyilo at tinary kong tanggalin ang tali sa kamay ko pati sa paa at nakaalis ako." Sagot nito.
"Guyzz Patulugin niyo muna siya. pagod na yan" Sabi ni ate Kristine na kakapasok lang sa kwarto.
"Ate Kristine?" Faye
"Magpahinga ka muna." Sabi nito.
••••
"So Si Kylie nga ang may gawa nito" Sabi ni Denise
"Ano nang gagawin natin?" Camil
"Sa ngayon bantayan muna natin si Kat" Napatingin kami kay Kat na binabantayan si Faye.
Tumango namin kami.
"Kung wala talaga siyang alam wala siyang gagawing masama saatin pero kailangan natin magingat sa kanya dahil kay Kylie." Sabi ni Denise.
••••
Denise
"Cheska pwede ka bang makausap" Tanong ko kay Cheska.
"Sige"Sabi niya.
Lumabas kami ng kwarto.
"Anong paguusapan natin?"Cheska
Tumingin lang ito at mukhang hinihintay ang sasabihin ko.
"Pwede ko bang matignan ang likod ng bahay na pinagamit mo?" Sabi ko.
"Pwede, ito susi ang bahay." Cheska
Tumango ako bilang tugon at kinuha ang susi.
May kailangan ako malaman.
••••
Please Vote and Comment. Thank you for the Votes. ☺
July 10 2016
BINABASA MO ANG
Cursed Section
HorrorCursed section ang tawag sakanila. Sinumpa nang isang babaeng estudyante at maraming namatay na estudyante. Ngunit pano pag tumigil ito at bumalik ulit. Sabi ng iba bumabalik ito kapag may namamatay na isang guro at may nagtatransfer na estudyante. ...