Chapter 4: Heart

1.4K 14 1
                                    

Daniel’s P.O.V

Naglalakad kami papunta sa isang store ng may napansin ako…

Paglingon ko..

O.O

Me: “Asan sila!?” gulat kong tanong.

Napatigil naman sila sa paglalakad, paglingon din nila.

Kiray: “Oh, Asan na yung dalawa?” tinutukoy nila si Kath at Julia.

Me: “Hindi ko alam, kanina nasa likod lang natin sila e’.” sabay shrug ng shoulders.

Yen: “Baka naman may tinignan lang na store. Alam nyo naman yung dalawang yun, bigla biglang nawawala.” Natawa naman kami.

Maglalakad na sana sila ng magsalita si Diego..

Diego: “E’ kung hintayin na lang kaya natin sila?”

 

Kiray: “Hmm.. sige! Pero wait lang, hintayin nyo sila dito. May titignan lang kami ni Yen, sa store na yan oh!” sabay turo sa store na nasa tapat lang kinakatayuan namin.

Nag nod naman kami, pumunta na sila. Syempre kasama si Neil at Ej!

Kami lang ni Diego yung nandito..

Diego: “Asan na kaya yung dalawang yun?” nag shrug ako ng shoulders.

Tumitingin tingin kami sa paligid namin, baka Makita namin sila. Biglang nag salita si Diego, at dahil dun hindi ko maka galaw…

Diego: “Oo nga pala brad, 2 weeks na kayo ni Kath ‘no? Pano mo sya napasagot?”

Napatigil naman ako, napatingin ako sa kanya.

Me: “H-ha? A-ano…u-uhmm..”

 

Hindi ako maka sagot. Shet! Pano na ‘to?

Diego: “Tss. Ang damot naman brad! Pero alam mo bilib din ako sayo, akalain mo yun hindi mo pa masyadong kilala si Kath, pero napasagot mo na! Hindi kaya may lihim syang pagtingin sayo? Kaya sumagot agad sya? Hahaha! Joke lang brad.” Sabay tap ng shoulder ko.

Nakahinga naman ako ng maluwag dun! Hooh.

Me: “Haha. Oo nga e’ pero secret lang natin brad yun! Baka magalit si Kath. Tska wag mo na nga pinapakielaman yung akin.”

Natawa naman sya, mayamaya nakita na namin yung dalawa nag lalakad palapit samin. Tumakbo naman kami palapit sa kanila.

Diego: “HOOOH.  Buti na lang at dumating na rin kayo! Saan ba kayo galing ha!?” nag aalalang sabi nya, sabay hawak sa shoulders ni Julia. Pero si Kath naka yuko lang.

Magic of Love (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon