Chapter 7: Where is Kath?!

1.2K 11 0
                                    

Daniel’s P.O.V

Kanina pa ‘ko naka tayo dito bumili na nga rin ako ng inumin e’ wala pa rin si Kath! Asan na ba sya?! Kanina pa nga ‘ko naka tayo dito, nag sisimula na ‘kong mag alala, pero narinig ko na mahaba daw yung pila sa Girl’s C.R pero bakit parang iba yung pakiramdam ko ngayon? Na parang may mali. Ite-text ko sana si Kath pero naalala ko na dala ko pala bag nya. -____-

Me: “Asan ba yun?” bulong ‘ko.

Pumunta ako malapit sa C.R, ang dami ng lumalabas pero hindi pa rin lumalabas yung gusto ‘kong lumabas.

Nag simula na ‘ko mag alala. Kath! ASAN KA BA?! Kung pwede lang pasukin yung C.R papasukin ko e’.

Aalis na sana ako ng makita ‘ko si Kath, GALING SA GILID?! Tumakbo agad ako palapit sa kanya.

Me: “KATH!” sabay hawak sa shoulders nya “Saan ka ba galing?! Kanina pa ‘ko nag aalala, Tska…” napahinto ako nung napa tingin ako sa mata nya. “UMIYAK KA?! Bakit? May nangyari ba ha? Ano?!” nag aalala ‘kong tanong.

Kath: “Bring me home please.” Mahinang sabi nya, naka yuko lang sya.

Hinawakan ko yung mukha nya at pina harap sakin, tinitigan ko yung mata nya. Nakikita ko yung sakit sa mga mata nya.

Me: “What happened?” tanong ko, umiling lang sya.

Kath: “P-please b-bring me h-home” basag yung boses nya nung sinasabi nya ‘yan.

Hinila ko sya at niyakap, niyakap ko sya ng mahigpit. Bigla syang umiyak na. Niyakap rin nya ‘ko pabalik at umiyak ng umiyak.

Cino-comfort ko lang sya ng bigla syang lumayo at pinunasan yung mga luha nya

Kath: “L-Let’s go. Gusto ko ng umuwi p-please.” Trina-try n’yang ipakita na okay na sya.

Tumango na lang ako, On our way pauwi naka tingin lang sya sa bintana, umiiyak na naman sya. Naka takip yung buhok nya sa mukha nya, kahit naka takip yun halatang umiiyak pa rin s’ya.

Hininto ko yung kotse, nagulat naman s’ya. Napaharap sya sakin, pagtingin ko sa mga mata nya magang maga ‘to napahinga ako ng malalim.

Me: “Kath.” Hinawakan ko yung kamay n’ya.

“Please, tell me what happened. Nag-aalala ako sayo, kahit nakatakip ‘yang mukha mo halatang umiiyak ka parin, nag aalala ako sayo. Hindi ko alam kung nangyari sayo, Please? Tell me?”

Unti-unting tumulo na naman yung luha nya, hinila ko sya at niyakap.

Kath: “H-he’s back. A-ayoko na. Pagod na pagod na ‘ko Daniel.” Iyak pa rin sya ng iyak.

Hinawakan ko yung mukha nya, at tinignan yung mga mata nya.

Me: “Sino? Sino kath?” naguguluhang tanong ko.

Magic of Love (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon