Chapter 11: Ouch </3

1.2K 11 2
                                    

Daniel’s P.O.V

“Pare, nakita ko si Kathryn kahapon ah! Bakit iba kasama nyang lalaki? Sino yun pinsan nya?”

 tanong ni Neil sakin, laging tumatakbo sa isip ko yan, Ilang araw, ay lingo na ata. Ilang lingo ko na rin hindi nakikita si Kathryn, simula nung nangyari sa Park. Yung nakita ko sa Park, yung suntok na yun. Parang bumalik rin sakin. Kasi simula nun, wala na kong natanggap na text o call mula sa kanya. Kapag umaalis rin kami, hindi na rin sya kasama, o hindi sya sumasama. Nakailang tanong na rin ako kina Julia, balita ko na wala sya palagi sa bahay nila.

“Tara Daniel! Basketball tayo, nabo-bored na ‘ko e. Unti na lang lalamagin na ‘ko sa bahay namin” aya ni Ej

“Ayoko. Makipag date ka na lang kay Kiray” sabi ko, sabay higa ulit sa kama.

“Anak ng putcha~ Eh araw araw na nga kami magkasama e, sawa na daw sa gwapo kong mukha, eh sawa na rin naman ako sa kanya e.” biro nya, napatawa naman si Neil. “Buwahaha~Joke lang! mahal ko yun e. Ano? Tara na!” sabi nya, sabay hila sa paa ko.

“Wala ako sa mood. Kayo na lang” sabay pinagsisipa ko sila.

“Anak ng~ Wag yung mukha ko! Etong unggoy na ‘to.” Sabay hampas sa paa ko.

“Ano bang problema mo ha? Tska, bakit pala hindi kayo magkasama ni Kathryn? Sino yung palagi nyang kasama? Anong nangyari pagkatapos sa Park?” sunod sunod na tanong ni Neil.

“Mukha kang si Kuya Boy, makatanong e ‘no? Tara na nga!” tumayo na ko at nagbihis. Tumawa naman sila! Tsk. Muntanga lang e~

**

Papunta na kami sa court, pero bigla kaming napahinto ng may nakita kami..

“Uy! Si Kathryn yun ah.” Sabi ni Ej, sabay turo sa isang babae na naka hawak sa braso ng lalaki at mukhang Masaya silang naglalakad. Nagtatawanan pa nga e.

“Oo nga ‘no? Sino kasama nya dre? Kilala mo?” tanong sakin ni Neil.

Oo, kilalang kilala ‘ko. Paano? Edi sa Kuya ni Kath! Nagkita kasi kami kahapon, at tinanong ko kung sino si Gab sa buhay ni Kathryn, alam nyo yung sagot sakin?

“Ah. Si Gab! Oo, Ex ni Kath nung nasa U.S kami. Bakit? Hindi ba nakwento sayo ng kapatid ko?”

 

Oh diba? Hindi kasi alam ng kuya ni Kathryn kung anong meron saming dalawa ng kapatid nya, akala nya boyfriend talaga ako ni Kathryn pero ang totoo? Fake..fake lahat. Pero para sakin, totoo yung nararamadaman ko.

“Hindi.” Simpleng sagot ko. “Hindi ko sya kilala” napa tango naman sila.

“Eh, bakit parang ang saya nila? Alam mo kung hindi ko lang alam na boyfriend ka ni Kath, iisipin ko na merong namamagitan sa kanila, tignan mo naman brad!” hindi ko alam kung iniinis talaga nila ako o ano e.

Magic of Love (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon