Daniel’s P.O.V
(After 2 weeks)
Marami na kong nalaman tungkol kay Kathryn, pero ayaw nya talaga sabihin sakin/samin kung bakit sya naging man-hater, bakit ayaw nya sa mga promises, anong nangyari sa kanya sa U.S! Kapag tinatanong namin sya nag iiba sya ng Topic. Pero bukod dyan, minsan lumalabas labas kami ni Kathryn, kapag nasa harap kami ng barkada, sweet kami ganyan. Pero kapag wala yung barkada, mag bestfriend kami. Oo bestfriend na kami! Ayos ba? Haha XD Sabi nya para daw walang ilangan, minsan inaakbayan ko sya ganyan, ayos lang naman sa kanya. Sanay na daw sya e’. Hindi pa rin alam ng barkada, na fake lang yung boyfriend nya ko. Haha! Naniniwala naman sila na real boyfriend nya talaga ako, pero okay lang kasi mas minamahal ko si Kathryn e’. Nakita ko rin yung pagka kulit na side nya ganyan! Haha XD
Lalabas kami ngayon ng barkada, Ewan ko kung bakit! Movie daw ganyan. Pumayag naman kami ni Kathryn. At yung Endearment namin? “By” Hahaha! Pero yung totoo? BABOY YAN! Sabi nya kasi e’, Ang alam ng barkada ‘Baby’ tyun pero para samin ni Kath ‘BaboY’ yung totoong meaning nyan! Hahaha XD
Nakapag ayos na ko, susunduin ko pa si Kath sa kanila e’. Simple lang suot ko.
*bzzt bzzzt*
From: By
Byyy~~ Saan ka na po? =((
To: By
Papunta na po byy :*
Kaya ganyan, kasi minsan binabasa ng barkada yung mga text namin -__- Kapag hindi namin pinakita iisipin hindi naman daw talaga kami ganyan! Nako.
Kinuha ko agad yung susi ng kotse ko, at sumakay na. Diretso kina Kathryn na! ^__^
--
Pagdating ko sa kanila, lumabas na agad sya. Nakabusangot na yung face nya! LAGOOOT. Bababa na sana ako ng kotse ng bigla syang pumasok sa kotse, naka busangot pa rin yung mukha nya. LAGOT TAYO NITO NGAYON!
Kath: “Paandarin mo na.” utos nya.
Naka cross arms sya, tapos naka pout. Tsk tsk! Sa Mall na kasi kami mag ki-kita kita, andun na daw yung barkada. Habang nasa byahe kami, tahimik lang kaming dalawa.
Nakatingin lang sya sa bintana.
Dahil hindi na ‘ko makatiis..
Me: “Kath.. Galit ka baaa?”
Tahimik lang ako.
Me: “Kaaaaaaath” narinig ko syang natawa.
Kath: *deep breath* “Eh kasi naman..” napatingin ako sa kanya. “Hindi wala, Hehe.”
Napa iling na lang ako, minsan may kabaliwan din ‘to si Kath e’. Hahahha XD
BINABASA MO ANG
Magic of Love (Kathniel)
FanficExpect the unexpected... Will you believe in 'Magic of love' Will you fight just for love? or you'll just let go?