Chapter 9 - L.Q?

1.3K 7 0
                                    


Daniel’s P.O.V                        

 

Pauwi na kami galing sa Batangas, at dahil medyo umuulan, na stock up kami dito. Ang lakas na ng ulan. Naka tingin lang si Kath sa labas ng window, at nakatakip yung buhok nya sa mukha, pero naririnig ko pa rin yung pag iyak nya, hindi lang nya masyadong pinapahalata.

“Kath.” Tawag ko sa kanya, masyado na ‘kong kinakabahan sa mga kinikilos nya.

Hindi pa rin sya tumitingin sakin. Hinawakan ko kamay nya, nagulat naman sya dun.

“H-ha?” Sabi nya ng naka yuko. At dahil medyo traffic pa, pinilit ko syang sabihin yung nangyari pero she keeps on saying na walang nangyari.

“come on Kath, sabihin mo na kasi sakin. Ano ba talagang nangyari sayo dun? Please?” Pero tinabig lang nya yung kamay ko at tumingin ulit sa bintana.

“Just.. bring me home.. please” Simpleng sabi nya.

Napahingang malalim na lang ako sa ina-asta nya sakin ngayon, Wala naman akong nagawang masama ah, tapos hindi ko pa alam nangyari sa kanya dun. Basta ang alam ko, pagdating ko dun..

 

*Flashback*

Pagka park ko dito sa resort sa batangas, bumaba agad ako. Kanina ko pa cino-contact si Kath, at binigay na nya agad yung exact place kung asan sya, yung malapit daw sa sea, makikita mo daw agad. Tinanong ko naman agad, kung san yun dito. Tumakbo naman ako agad, nakita ko naman agad yung babaeng hinahanap ko, naka upo sya sa may buhangin malapit sa sea, nakatitig lang sya sa sunset. Lumapit naman ako agad sa kanya..

“Kath.” Tawag ko. Napalingon naman agad sya sakin. Kitang kita mo na pugto yung mga mata nya, tumakbo naman sya bigla sakin at niyakap ako. At dun sya umiyak ng umiyak.

Tinatap ko lang ng mahina yung likod nya, para alam nya na andito lang ako. Niyakap ko na rin sya. Mas hinigpitan nya yung yakap sakin, sa mga ganitong paraan mas napapa mahal na sya sakin. Mas.. minamahal ko sya.

Pero sana, ganun rin sya. Sana maramdaman nya na andito ako para sa kanya, kung may nagpapaiyak sa kanya. Ako.. Ako hinding hindi ko sya sasaktan. Ngayong nakikita ko syang umiiyak, mas nasasaktan ako, kung sya nasasaktan, mas doble sakin.

Kath, sana Makita mo na andito ako.

“Wag ka nang umiyak. Kung sino mang nagpaiyak sayo, wala syang kwenta. Wala syang kwenta para paiyakin ka lang, Yung taong pangarap ko, pinapa iyak lang nya.” Nagulat rin ako sa sinabi ko. Ahsht! Tch. Nadulas tuloy.

Napatigil sya sa pag iyak, naka yakap lang sya sakin. Mayamaya, tinanggal na nya yung yakap sakin. Pinunasan nya yung luha nya. At hinawakan nya yung wrist ko, nakatingin lang ako  sakanya.

“Uwi na tayo.” Sabi nya, halatang pugto na pugto yung mata nya.

“Sinong nagdala sayo dito Kath? Sinong kumuha sayo?” maypagka galit na sabi ko.

Magic of Love (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon