Isa isa kong tinanggal mula sa knapsack ang mga gamit ko. Kanina ko pa hinahanap ang celfon ko, at hindi ko alam kung saan ko sinuksok iyon. Inaangat ko ang bag at binitin patiwarik. Lumabas lahat ng laman ng knapsack. Pagpulot ko sa celfon ko sa kama, ay napakunot ang noo ko sa isang maliit na papel.
Napangiti ako ng mabasa iyon.
''Mark!'' narinig ko ang boses ni Mommy sa pinto ng kwarto ko. Kumatok. Napabuntung hininga ako. Ang alam ko nasa duty sila pareho ni Daddy ng ganitong oras. Madalang ko silang makita at makausap.
''What?'' sagot ko. Hindi binuksan ang pinto. Hindi ko narinig ang tugon niya, kumatok ulit.
Tumayo ako at binuksan ang pinto. Nabungaran ko si Mommy na nakangiti sa'kin. Pilit ang ngiting hinalikan siya sa pisngi. ''How's your new school, son?''
Magdadalawang buwan na ako sa school na iyon pero ngayon lang siya nag abalang tanungin ako.
Umupo ako sa swivel chair at humarap sa laptop na nakapatong sa table. Pumasok siya sa kwarto, narinig ko ang pagbuntunghininga niya ng makita ang kalat ko sa kama.
''Fine,'' matipid kong sagot. Sa sulok ng mata ko, napansin kong nakatingin siya sa kama kong puno ng libro at iba pang laman ng knapsack ko. Mabait si Mommy, pero masyadong busy. Sobrang busy gaya ni Daddy.
''2nd death anniversary ni Shiela bukas,'' narinig kong sabi niya. Saglit akong natigilan.
''Hindi ka ba pupunta sa--''
''Ma,'' putol ko sa sinasabi nya.
''Bakit ba kailangan nyong ipaalala sakin iyan?''
''But son--''
Padabog akong tumayo at hinarap siya. Hindi ko alam kung masyado bang insensitive ang mga magulang ko o ano. Hindi ba nila alam na nasasaktan ako kapag naaalala si Shiela?
''Alam kong death anniversary ni Shiela, hindi nyo na dapat ipaalala sakin!''
Galit ako. Oo galit ako. At sobrang sama ng loob ko. Biglang nagflashback sa utak ko ang gabing iyon..
Pinilit kong iwinaksi iyon sa utak ko.
''Son--''
''At kahit kailan you will never understand me! Never!''
Galit kong kinuha ang susi ng motor ko saka lumabas ng kwarto.
Habang nagdadrive, naalala ko ang pangyayaring iyon ..
''Mark, si Shiela,'' ngumiti ang tinawag na Shiela. Mestisahin, maganda. Ilang buwan ko na din siyang nakikita sa bar na iyon, nakaupo sa isang sulok at tahimik na nanonood. Isa siyang commercial model, at magmula nung makita ko siya, hindi na siya naalis sa isip ko. Hindi ko kaagad tinanggap ang kamay na inoffer niya dahil napatulala ako. Lihim na siniko ako ni Pol. ''Pre, si Shiela.'' Medyo nilakasan niya ang pagkakasabi nun.
''Hey,'' mahinang tumawa si Shiela. Kinuha ang kamay ko at hinawakan iyon. Nakipagshake hands.
''Nice to meet you, Mark''
Hiyang hiya ako nung oras na iyon. Hindi man lang ako makapagsalita. Sya iyong tipong parang ang hirap abutin, kabilang sa mga elite at sosyal ang pamilya niya.
''So, how are you today?,'' tanong niya habang umiinom ng juice. Nakaupo kami sa isang table at katatapos lang namin tumugtog. ''o-okay lang..''
Nagstammer pa ako noon. Ngumiti siya. ''I'm a simple person, wag kang maintimidate sakin''
Napangiti ako. Tumalon ang puso ko sa sinabi niya. Lumakas ang loob ko at nakipagkwentuhan narin sa kanya. Doon nagsimula ang friendship namin.. Doon lagi.. sa bar na iyon.
May mga problema na sinasabi si SHiela sa'kin dati, family niya na napakataas ng expectation sa kanya, at mga kasamahan niya sa modelling industry na buong akala niya'y kaibigan niya.. iyon pala binabackstab siya.
Mababa ang self esteem niya, at iyakin siya. Hindi nagtagal, nasiguro ko sa sarili ko na mahal ko na si Shiela.
Isang gabi nagpunta siya sa bar, malungkot ang mukha niya. Ineexpect ko na magsasabi na naman siya ng problema sa'kin. Nagulat nalang ako ng sabihin niya na may mahal siya.. may boyfriend siya.
Pakiramdam ko sinuntok ako ng pagkalakas lakas sa dibdib. Pero dahil nga umiiyak siya, hindi ko pinahalata sa kanya na nasaktan ako. Nalaman ko na takot siyang sabihin sa lahat ang relasyon nila dahil sa utos ng parents niya.. Na takot siyang madisappoint ang mga magulang niya.
''Please, samahan mo naman ako..'' umiiyak parin siya ng sabihin sa akin iyon.
''Where?''
''Kahit saan,''
Hindi ko alam kung bakit parang takot akong magdrive ng motor ng gabing iyon. Sinabi ko sa kanya na magtaxi nalang kami pero ayaw niya.
Habang tumatakbo ang motor, bumulong siya sa'kin.
''Thank you..''
After 10 minutes, biglang may nagovertake na kotse sa amin, nawalan ng kontrol ang motor.. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari..
Nagising ako sa ospital. Si Mommy umiiyak. Hinanap ko agad si Shiela. Ayaw magsalita nina Pol at Gab, nakayuko sila na tila awang awa sakin. Tumingin ako kay Papa. Umiling siya.. Umiling siya..
Gusto kong magwala ng oras na iyon. wala akong nagawa kundi umiyak ng umiyak.. Si Shiela, nawala si Shiela dahil sakin. Binisita ako ng mga magulang niya sa kwartong iyon ng ospital. hindi sila galit, hindi nila ako sinisi.. Aksidente daw ang nangyari, at walang may gusto nun. Pero ako.. Pakiramdam ko habang buhay kong sisisihin ang sarili ko sa pagkamatay ni Shiela.

BINABASA MO ANG
SOPHIE (LOST)
Short StorySiya si Sophie..Isang ordinaryong estudyante na may nagiisang kaibigan sa school. Okay na sana eh, pero biglang dumating si Mark.. Ang suplado at mainitin ang ulong guitarist ng Lost. Papaano niya ihahandle ang ganitong sitwasyon? Napapagitnaan siya...