Kinabukasan,pumasok na nga siya,nag aabang siya sa labas ng gate nung uwian..
''Tagal mo!'' reklamo niya.
''Sino bang nagsabi sayo na hintayin moko?'' tugon ko. Ngumiti siya ng lumapit sakin.
''Nagjojoke lang eh!''
''Mark!'' napatingin kami pareho sa babaeng kasama nina Pol at Gab. Biglang kumabog ang dibdib ko.
Nananaginip lang ba ako? ANg babaeng kasama nila, ay kamukhang kamukha ni Shiela!
Naka dress siya ng dilaw, may black chanel bag siyang sukbit sa balikat. Nakangiti siyang nakatingin sa amin. Tumingin ako kay Mark. Gulat na nakatitig sa babaeng nasa harapan namin. Napatingin ulit ako sa babae, hindi ako nananaginip, at hindi siya multo! Kasama siya nina Gab at Pol, at nakangiti siya sa amin.. Papaano nangyari iyon?
-----------------------------------------------------------------
Gulat akong napatitig sa babaeng kamukhang kamukha ni Shiela. Si Wenna, ang kapatid ni Shiela. Identical twin ni Shiela. Parehong pareho talaga sila, height, hugis ng katawan, mukha.. Pero mas simple mag ayos si Wenna kay Shiela. Nakilala ko din si Wenna sa bar dati, kasama ng kapatid niya,pero dalawang beses lang iyon. Nakaramdam na naman ako ng lungkot at guilt.
Lumapit si Wenna sa amin. ''Hi Mark!'' bati niya at hinalikan ako sa pisngi. Sa pagkakaalam ko, nag aaral siya sa States dati. Nakapagtataka na nandito siya?
''What are you doing here?'' usisa ko.
''Dito na 'ko mag aaral,'' ngumiti siya sakin. Napatingin ako sa katabi ko. Gulat ang ekspresyon,nakatingin si Sophie kay Wenna. Hindi ako nagtaka. Hindi niya alam na may kakambal si SHiela. ''Si Sophie nga pala,'' pagpapakilala ko. Tumingin si Wenna kay Sophie. Ngumiti at inilahad ang kamay. ''Hi, I'm Wenna,''
Hindi umiimik na tinanggap ni Sophie ang kamay ni Wenna.
''Identical twin ni Shiela,'' ang sabi ko. Medyo nawala ang kanina'y gulat na ekspresyon ni Sophie. Tumango. ''Naikwento ka sakin nina Pol at Gab,'' nakangiting sabi ni Wenna kay Sophie. Nakatitig ako kay Wenna habang nakikipagusap siya kay Sophie.. Naalala ko noong unang pagkikita namin sa bar, kasama niya si Shiela.. Nakajeans lang siya noon, samantalang si SHiela ay nakadress. Ibang iba si Wenna kay Shiela. Mas grade concious, mas simple, mas tahimik.. Pero pareho silang mabait. Siya iyong hindi masyadong napapansin. Si Shiela ang kilala ng karamihan. Noong mamatay si Shiela, nagpunta si Wenna sa States para ipagpatuloy ang pag aaral.
Ilang years ang lumipas, nasa harapan ko na ulit siya. Parehong pareho na sila ni Shiela sa style ng pananamit, hindi na rin siya mahiyain gaya ng dati..
''Mark, can we talk?'' naudlot ang pagiisip ko ng magsalita si Wenna. Napabuntung hininga ako bago tumango. Aakbayan ko sana si Sophie sa tabi ko ng mapansin na wala na siya. Ihahatid ko muna sana siya bago kausapin si Wenna.
''Si Sophie?'' naibulalas ko. Nakahalukipkip na sumagot si Gab.
''Umalis na. Hindi ka nakikinig eh,''
------------------------------------------------------------
Pakiramdam ko dinudurog ang puso ko habang palayo sa eskwelahan. Nakita ko kanina kung paano titigan ni Mark si Wenna.. Ni hindi nga napansin na umalis ako. Masyadong busy sa kakatitig sa kakambal ni Shiela. Wala nga naman ako kung ikukumpara kay Wenna..
''Sophie,''
natigilan ako ng may humarang sa dadaanan ko. Si Pete pala..
Nagulat ako sa itsura niya, mukhang galing sa pag iyak. Malungkot, bagsak ang balikat, at mukhang tuliro.. ''Pete, anong nangyari?''
Hindi siya sumagot, nagulat ako sa sumunod na ginawa niya. Niyakap ako.
''Pete..'' protesta ko, pero mukhang hindi siya nakikinig. Hindi siya sumagot, nakayakap parin sa akin.
Mabuti nalang at wala masyadong tao sa bandang iyon. Tinapik ko ang likod niya.
''Ano bang nangyari?'' tuloy ko.
''Hayaan mo muna akong yakapin ka ng ganito, Sophie''
mahinang tugon niya., Hindi ako nakaimik sa sinabi niya..
-----------------------------------------------------------------------------------
''Bakit hindi nyo man lang sinabi na umalis pala siya?'' inis kong tanong sa mga kasama ko. Nagdadrive si Pol, katabi niya si Gab sa harap. Katabi ko sa likod si Wenna.
''Pre, tinanong mo na iyan kanina, 5 times!'' bulalas ni Gab. Tinapunan ako ng sulyap.
''At for the 5th time, nagpaalam siya pero hindi ka nakikinig! Alangan namang sipain ka namin para lang magising ka mula sa kung ano mang iniisip mo?,''
''Dapat nga ginawa mo nalang iyon eh!''
Napakamot ng ulo si Pol.
''Hey guys, enough'' awat ni Wenna.
''Magexplain ka nalang kay Sophie, Mark. I'm sure maiintindihan niya,''
Hindi ako sumagot at ibinaling sa labas ang paningin. Nasa ganun akong posisyon ng mahagip ng mata ko ang dalawang pares na magkayakap sa tabi ng daan..
''Hindi ba si Sophie iyon?''
gulat na sabi ni Pol. Nakatitig din sa labas.
''Stop the car,'' utos ko kay Gab.
''Pero pre--''
Tinitigan ko ng masama si Gab. ''I said stop the car!'' sinuntok ko ang pintuan ng kotse niya. Wala siyang nagawa kundi ihinto iyon.
Mabilis akong bumaba sa sasakyan, wala na akong naririnig mula sa mga kasama ko, hindi maalis alis ang titig ko kay Peter Advincula na nakayakap kay Sophie. Paglapit ko, hinila ko si SOphie mula kay Peter, saka ko siya sinuntok sa panga. Napaupo siya sa lupa, sapo ang mukha.
''Layu layuan mo si Sophia gago!''
Kumukulo ang dugo ko sa lalakeng nasa harap ko ngayon.
--------------------------------------------------
Nanakit ang braso ko sa paghila sa akin ni Mark mula kay Pete. Napakabilis ng kabog ng dibdib ko ng makitang sinuntok niya si Pete. ''Mark!'' awat ko, mabilis kong nilapitan si Pete.
''Umalis ka diyan Sophia!'' utos ni Mark. Hindi ako sumagot,at hindi ako umalis sa tabi ni Pete.
Kumilos si Pete at tumayo. Hindi ako pinansin.
''Anong problema Mark? Masakit ba?'' pagak na tumawa si Pete. Pinalis ng kamay ang dugo mula sa pumutok na labi.
''Masakit bang makita si Sophie na niyayakap ko?''
Gumalaw ulit si Mark, at sinuntok ulit sa kabilang panga si Pete. Bumagsak ulit si Pete sa lupa. Naiyak na ako sa sobrang kaba.
Pinilit ulit ni Pete tumayo.
''Pwede ba, huwag kang magsalita na parang pag aari mo si Sophie''
pagpapatuloy ni Pete.
''Hindi mo naman talaga siya mahal diba? Hindi mo nga siya girlfriend eh,''
hindi parin sumagot si Mark. Lalong pinipiga ang puso ko sa kawalan niya ng imik.
''Dahil si SHiela naman talaga ang mahal mo, tama ba ako?''
umigkas ulit ang kamao ni Mark. Bumagsak ulit sa lupa si Pete. Mabilis ko siyang dinaluhan.
''Tama na!'' umiiyak kong sigaw. Natigilan si Mark.
''Napaka selfish mo! Napaka conceited mo! Lahat ng gusto mo, gusto mo nakukuha mo! Wala ka ng ginawa kundi manakit ng tao!'' Hindi umiimik na tumalikod si Mark, at umalis.
Napahagulgol ako. Masakit lang. Masakit pala na malaman iyong totoo. Si Pete at Mark ay parehong hindi pa nakamove on sa pagkamatay ni Shiela.
Nilapitan ako nina Gab at Pol, pati si Wenna. Hinawakan niya ang likod ko at hinaplos iyon.
BINABASA MO ANG
SOPHIE (LOST)
NouvellesSiya si Sophie..Isang ordinaryong estudyante na may nagiisang kaibigan sa school. Okay na sana eh, pero biglang dumating si Mark.. Ang suplado at mainitin ang ulong guitarist ng Lost. Papaano niya ihahandle ang ganitong sitwasyon? Napapagitnaan siya...