4days ko na siyang hindi nakikita.. Kapag inaabangan ko siya sa gate kapag uwian, hindi ko siya makita. Isang araw namataan ko siya, kasama si Peter sa library. Mula sa sulok, tinitigan ko si Sophie.. Nakahawak ang isang kamay sa noo, habang nakatutok ang paningin sa libro. Mukhang hindi naman siya nagbabasa, mukhang nagiisip ng malalim. Kinakausap siya ni Pete,pero hindi siya sumagot. Nagulat pa ng kalabitin ni Peter. Hindi niya sinasagot kapag tumatawag ako, hindi sya nagrereply sa text ko, o sa message ko sa facebook.. Wala naman akong maalalang masamang ginawa sa kanya, sinabi ko lang na gusto ko siya.. Pero kailangan nya ba akong iwasan ng ganito? :(
------------------------------------------------------------------------
Ilang araw ko ng iniiwasan si Mark. Hindi ko sinasagot ang mga tawag niya, text at message sa facebook. Bukod sa puro 'Huy Sophie!' ang karamihan ng message niya, sa tingin ko ito ang nararapat. Ayokong masaktan, alam kong gusto ko si Mark.. Gusto ko siya.. Pero ayokong masaktan..
Isa pa nung nakasama ko si Pete, kinuwento niya na masama parin ang loob niya kay Mark. Alam daw niya na may gusto si Mark kay SHiela noon..
''Alam kong nagdusa siya ng husto nung mamatay si Shiela, alam kong mahal niya si Shiela,''
May kirot na naman akong naramdaman sa dibdib ko. Hindi ako sumagot, napalunok ako.
''Alam kong hanggang ngayon mahal parin niya si Shiela,''
Napahawak ako sa noo ko. Medyo sumakit iyon dahil paulit ulit ang sinabing iyon ni Pete sa utak ko..
''Alam kong hanggang ngayon mahal parin niya si SHiela,''
Naalala ko noong nakita ko siyang umiiyak sa park, lasing, at sinisisi ang sarili sa pagkawala ni SHiela.
Bakit hindi ko man lang nakita iyon?
''Taba!'' untag sa akin ni Pete. Nasa library kami ng oras na iyon.
''Kanina pa ako nagkukwento,dika naman nakikinig.''
Tinitigan niya ako. ''Something wrong?''
Umiling ako at niyuko ang ulo. Tinuon ang paningin sa libro. Hindi na siya nagsalita. Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng inangat ko ang aking ulo. Pakiramdam ko may nakatitig sa akin. Hindi si Pete, busy sya sa pagbabasa. Napalingon ako sa kanan, sa banda ng mga shelves.. Natigilan ako ng makita doon si Mark. Seryosong nakatitig sa akin. Hindi din iyon nagtagal, tumalikod din agad siya. Iyong pakiramdam na gustong gusto ko siyang habulin.. pero.. :(
'ANO BANG PROBLEMA HA? SOPHIA?'
kung dati ay puro private messages, kinagabihan nakita kong bumungad iyon sa mismong wall ng facebook ko.
'WALA' capslock din ang sagot ko.
'TALK TO ME! YOU'RE PISSING ME OFF!'
Hindi na ako nagcomment. Inadd ako ng ibang friends ni Mark, ang tanging inaccept ko lang ay sina Gab at Pol.
'@Mark, dude, relax lang.'
comment ni Pol.
'@mark, tinatakot mo eh. Hahaha'
si Gab.
Hindi na nagcomment si Mark, nabadtrip yata. Umayos ako ng upo sa sofa. Magisa lang ako sa sala dahil nasa carwash sina Nanay at Tatay. May nagbuzzer sa gate, nagmadali akong tumayo at binuksan iyon.
Nakasimangot na Mark ang bumungad sa akin, bago ko pa man maisara ang gate, mabilis na siyang nakapasok sa loob.
''Hoy!'' singhal ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
SOPHIE (LOST)
Short StorySiya si Sophie..Isang ordinaryong estudyante na may nagiisang kaibigan sa school. Okay na sana eh, pero biglang dumating si Mark.. Ang suplado at mainitin ang ulong guitarist ng Lost. Papaano niya ihahandle ang ganitong sitwasyon? Napapagitnaan siya...
