Overnight

48 2 0
                                    

Lumabas ako ng bahay at umupo sa harapan ng gate namin. Napatingin ako sa grupo ng mga kabataan na naglalakad, taga dito rin sila sa Kingston Village. Napatuon ang paningin ko sa dalawang pares na naglalakad.. Magkahawak kamay at masayang nakikipagkwentuhan sa mga kasamahan.

Natanong ko ang sarili ko. Kelan kaya ako magkakaroon ng kaholding hands? Mukhang malabo. 

Nasa ganun akong pag iisip ng biglang may dumaan na nakamotor. Walang suot na helmet, at kitang kita ko.. Si Mark! Di kalayuan ay may maliit na grocery sa amin, tumigil siya sa tapat nun, pumasok siya, pagkalabas ay may bitbit na nakaplastic, obvious na bote ng alak. Napatingin ako sa wristwatch ko. 9:15pm.

Pumasok ako sa bahay at nagpaalam saglit sa mga magulang ko. Sinabi kong lalabas lang ako para bumili sa grocery. Bago pa man ako makalapit sa grocery, pinaandar na ni Mark ang motor. Tinuntong ang direksyon papunta sa park ng subdivision. Nag alala ako. May mga guards na rumoronda pag gabi, baka mahuli siyang umiinom sa park. Sinundan ko siya.. Nadatnan ko si Mark na nakaupo sa damuhan sa tabi ng streetlight. Iilan lang ang napupunta doon pag gabi dahil karamihan ay sa plaza tumatambay. Isa pa, takot masita ng mga guards. panay ang tungga ng alak.. 

''Minor ka palang umiinom ka na,''

Napalingon siya sa'kin. Naaninag ko ang mukha niya. Medyo nagulat ng makita ako.. Gwapo parin siya, pero sobrang lungkot ng mukha niya. Ibinalik ang tingin sa damuhan at tumungga ulit. Hindi ko alam kung uupo ako sa tabi niya, o mananatiling nakatayo.''Baduy mo,''  narinig kong sabi niya. Hindi ko alam kung ang suot kong white bermuda pants at green tshirt, o ang sinabi kong 'minor palang' siya ang tinutukoy niyang baduy. Nainis ako. ''Eh di bahala ka dyan,'' tatalikod na sana ako ng magsalita ulit siya.

''Sophia''

Lumingon ako. Nasa ganung posisyon parin siya. Hindi parin siya nakatingin sakin.

''Kilala mo si Shiela de Vera?''

Naalala ko, ganun din ang tanong sa akin dati ni Pete. Lumapit ako sa kanya.

''oo,'' ,maikling tugon ko. Umupo narin ako sa damuhan, sa tabi niya. Siya, tuloy parin sa pagtungga ng alak.

''it was an accident,'' nabasag ang boses niya. Kumabog ang dibdib ko. TInitigan ko si Mark, namumula ang makinis niyang pisngi sa pawis at sa alak. Yumuko siya at ipinahid ang tshirt sa mata.. Umiiyak siya.

Hindi ako nakapagsalita. Hindi umiyak si Pete sa harap ko, never.. Pero itong lalakeng to..

''Bakit hindi ko mapatawad ang sarili ko?''

Hindi ko alam ang gagawin ko. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni Mark sa pagkawala ni Shiela.

Hindi ko alam ang side niya, pero nararamdam kong hanggang ngayon ay nagdurusa parin siya sa nangyari. Tumungga ulit siya sa bote.

''Tama na yan,'' inagaw ko sa kanya ang bote ng alak. Iniiwas niya iyon at tinungga ulit. Pansin ko, naka dalawang bote na pala siya, halatang hindi sanay uminom. SUminghot siya at tumingin sa'kin. 

''Alam mo bang after Shiela's death, ikaw lang ang babaeng kinausap ko ng ganito?''

tumawa siya ng mahina. LAsing na siya. 

''Lasing ka na Mark,''

''I'm not drunk,''

Tinangka niyang tumayo, nagulat ako ng muntik na siyang matumba. Basa sa pawis ang puti niyang tshirt.

''Ano ba, umupo ka nga!'' Inalalayan ko siyang umupo ulit. Hindi siya umimik,pero niyuko niya ang ulo. Lasing na nga. Nilabas ko ang celfon ko at tinawagan si kuya Estong.

SOPHIE (LOST)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon