Lunes, umaga palang,iniirapan na ako ng grupo nina Debbie. Naisip kong dahil iyon sa ginawang pagpost ni Mark sa wall ko. Pagupo ko sa upuan ko ng araw na iyon, may naramdaman akong parang bilog sa puwitan ko. Pagtayo ko, nakadikit na sa palda ko ang isang bubble gum. Hahawakan ko sana para tanggalin iyon ng lapitan ako ni Pete.
''Sandali,'' sabi niya, may hawak siyang tissue sa kamay. Medyo yumuko siya at hinawakan ang palda ko.
''Hoy!'' tinabig ko ang kamay niya. Nanlaki ang mata ko.
''Ano?'' pigil ang tawang sabi niya. Umayos siya ng tayo.
''Anong gagawin mo?''
''Alam mo Taba, ang arte mo. Tingin nga niyan,'' Yumuko ulit siya.
Buti nalang at tatlo palang kami sa room ng oras na iyon. Iyong isang nasa room, busy sa hawak na ipad. Nakita kong pumasok sa room si Mark, natigilan ng makita kami ni Pete. Iniiwas ko ang paningin sa kanya.
''Hindi matanggal iyong iba,dumikit sa palda mo,'' Itutuloy pa sana niya ang pagtanggal ng bubble gum pero pinigilan ko siya.
''Teka taba--''
Iniangat ni Pete ang ulo mula sa pagkakatingin sa palda ko. Sasagot pa sana siya ng makita si Mark. Nakatingin din sa amin. Seryoso ang mukha.
''o-okay na Pete,'' mahinang sabi ko sa kaibigan ko. Binalik ni Pete ang paningin sa'kin. Nakangiti na.
''You sure?''
Tumango ako at nagpasalamat sa kanya. Hindi ko alam ang susunod na gagawin ko. Pakiramdam ko ang init sa loob ng classroom dahil sa presensya ng dalawa. Wala sa sariling nahawakan ko ang noo ko,saka naupo. Naglakad si Mark palapit sa amin, si Pete, nakatayo parin sa likod ko.
Nilagay niya sa upuan ang knapsack nya. Hindi ko siya tinitignan, hinugot ko ang isang libro ko sa bag at kunwari nagbasa. Niyuko ko ang ulo ko,pero pinakikiramdaman ko silang dalawa. Umupo si Mark sa tabi ko, wala paring umiimik sa aming tatlo. Nagulat ako sa ginawa ni Pete. Pinatong niya ang isang kamay nya sa balikat ko,parang inakbayan ako. Napatingin ako kay Pete. Nakatingin siya kay Mark. Napatingin ako kay Mark, magkasalubong ang kilay na nakatingin kay Pete. Ano ba naman 'to. -__-
Tumikhim ako, napatingin silang dalawa sa'kin. Sumulyap ako sa wristwatch ko. 12.30 palang. May isang oras pa bago magsimula ang klase. Ibig sabihin, isang oras kong pakikiramdaman 'tong dalawang lalakeng to?
Tumayo ako at nagpaalam sa kanila.
''Sige, sa labas muna ko.'' Kinuha ko ang bag ko saka nagmamadaling lumabas. Walang sumagot sa kanila kanina, mukhang hindi naman nakikinig sa akin.-__- Bahala silang magtitigan dun ng isang oras.
Naupo ako sa bench kung saan tanaw ko ang mga estudyanteng naglalaro ng soccer. Nasa kalagitnaan ako ng panonood ng laro ng dumaan sa harap ko ang grupo nina Debbie. Apat sila, si Debbie ang pinakamaganda.Maganda din at sosyal ang mga kasama niya,pero mga kulang sa nutrisyon ang utak. Pinapagana lahat sa pera. Nakahawak si Debbie sa dulo ng mahabang buhok niyang may malalaking curl. Tumayo siya sa harap ko.
''So, ikaw iyong nababalitaang bitch ni Mark?''
Hindi ako sumagot. Aalis na sana ako ng humakbang siya papalapit sa'kin. Tumunog ang takong ng black high heels niya.
''Tignan mo ang sarili mo Sophia,'' pinasadahan niya ng tingin ang flat shoes ko, ang lagpas tuhod kong palda, ang mahaba kong buhok na wala sa ayos, at walang kamake up make up na mukha.
''Kailangan ko pa bang sabihin sa'yo na ang pangit mo?''
Tumawa silang apat. Kinuha ko ang bag ko sa upuan, at tumalikod. Aalis na sana ulit ng may pumatid sa paa ko. Napadapa ako sa lupa. Gusto kong umiyak pero pinigilan ko ang sarili ko. Nanakit ang kanang tuhod ko dahil natama sa isang maliit na bato.Matiisin naman ako eh. Kaya ko pa naman 'to. Narinig ko ang tawanan nila. ''Napaka clumsy mo pa masyado,ang lakas ng loob mong lapitan si Mark!''

BINABASA MO ANG
SOPHIE (LOST)
Short StorySiya si Sophie..Isang ordinaryong estudyante na may nagiisang kaibigan sa school. Okay na sana eh, pero biglang dumating si Mark.. Ang suplado at mainitin ang ulong guitarist ng Lost. Papaano niya ihahandle ang ganitong sitwasyon? Napapagitnaan siya...