Birthday

56 1 0
                                    

Biyernes ng gabi, pagdating ko sa bahay galing sa school, nadatnan ko doon ang ilang kaibigan ni Nanay sa munisipyo, kaibigan ni Tatay sa lugar namin, kamag anak, at apat na katiwala ni Tatay sa Carwash. Nagmadali akong nagpalit ng damit sa kwarto, simpleng jeans at blouse, saka ko binitbit ang binalot kong regalo. Nakita ko si Tatay sa kusina, kausap ang mga kaibigan ni Nanay. Hinalikan ko siya sa pisngi saka ko iniabot ang regalo ko.

''May kasamang pagmamahal iyan, Tay,'' 

Niyakap niya ako. ''Salamat anak,''

Tinawag ako ni Nanay sa labas, dumating na daw si Pete. Sinalubong ko ang kaibigan ko sa gate. May hawak na regalo. ''Hindi para sa'yo to, tumabi ka diyan,'' natatawang sabi niya sa akin, nilagpasan ako.

''Yabang neto,'' tugon ko. 

Nakipagkwentuhan si Pete kina Nanay at Tatay, ako naman bumalik sa sala at kinausap ang mga bisita doon. Napatingin ako sa wrist watch ko. 7pm magsisimula ang kainan, 5 minutes nalang at wala pa si Mark. panay ang tingin ko sa gate. ''Huy,'' si Pete, may hawak na lumpia sa kamay. 

''mapuputol na iyang leeg mo diyan,''

inirapan ko siya. Sasagot pa sana ako ng tawagin ako ni Nanay sa kusina. Tulungan ko daw siyang magserve. 

Pinasadahan ko ng tingin ang pagkain sa mesa, lumpiang sariwa, shanghai, pancit, barbeque, menudo, kare kare at kanin. Napalunok ako. Biglang kumalam ang tiyan ko.

''Halika dito anak, tulungan moko dito,'' inilabas ni Nanay ang mga disposable plates, baso, kutsara at tinidor. Busy kami sa pag aayos sa kusina ng lapitan ako ni kuya Estong at binulungan.

''Sophie, si Mark saka mga kaibigan niya, andiyan na''

Nakita kong lumabas si Tatay kaya kahit gusto ko siyang salubungin,hindi na ako lumabas at pinagpatuloy ang ginagawa sa kusina.

Narinig ko ang bulungan ng ibang bisita.

''Aba'y sino ba iyang mga iyan? Artista ba iyang mga batang iyan?''

''Ang lalaki naman ng mga regalong iyan!''

Lumabas si Nanay at sinalubong sina Mark, ako nanatili sa kusina. Pagbalik ni Nanay, inutusan akong ayusin ang mesa. ''Dito nalang kayo kumain nina Mark, isama mo si Pete,''

Walang nagawang sumunod ako. ''Sophie,''

Muntik ko ng mahulog ang hawak kong kaserola ng malingunan ko si Mark. Nakasuot siya ng green Tshirt at simpleng jeans, nasa likod niya  si Gab, naka white tshirt at jeans, at si Pol, na naka gray tshirt at jeans din. Nakangiti sila sa akin. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Silang tatlo, kahit napaka simple ng suot, halatang mayayaman parin. ''Hi Sophie,'' bati ni Gab, napatingin sa kaserolang hawak ko.

''Need a hand?''

Umiling ako at pinatong sa mesa ang kaserola. Actually, mabigat iyon. Pero nakakahiyang ipahawak iyon kay Gab. Lumapit si Mark at binuhat iyon. ''It's heavy,''

nakatingin siya kay Gab, kapagkuway hinarap ako. ''Huwag kang mahiya sa dalawang iyan,''

tinutukoy sina Pol at Gab. ''Saan ba ilalagay to?''

tinangka kong kunin sa kanya ang kaserola, pero umiwas siya. ''Mabigat nga diba?''

Pinatong nya sa gas range iyon.  ''Dun nga kayo,'' utos ko sa kanila at pinagpatuloy ang pagliligpit sa mesa. ''Nakatingin sila sa'min eh,'' umupo si Pol at pinatong ang kamay sa mesa. Sumunod si Gab. Sigh. Mukhang hindi ko nga sila mapapaalis sa kusina. Paano naman kasi, halatang mayayaman ang tatlong to, ang gaganda ng mga kutis, mga gwapo na aakalain mo talagang mga artista. Tsss.

SOPHIE (LOST)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon