After ng ilang weeks, nakausap ko ulit si Sophie. Napatingin ako sa suot niyang dress, simple.. Pero bagay na bagay sa kanya. Ang ganda niya. Kagabi, noong nakita ko siya sa bintana, gusto ko siyang puntahan sa kwarto niya. Gusto ko siyang yakapin.. Kung alam lang niya na namimis ko na siya ng sobra. Naalala ko noong ginulpi ko si Pete. Nagselos lang naman ako nun, ako pa itong nasigawan. Okay, sabihin na nating kasalanan ko kasi nagpadala ako sa emosyon, pero masakit iyong sinabi ni Sophie. Selfish daw ako? Conceited? Nagdecide ako na layuan nalang siya.. Pero mahirap pala. Lalo na kagabi, noong nakita ko siya.Nakuu.. -_-
Tumayo ako malapit sa kanya, nilabas ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng shorts. Nakatingin siya sa dagat, pinicturan ko siya. Napasmile ako ng makita ang picture niya. Ang cute.
''Anong ginawa mo?'' usisa niya. Nakatingin sa cellphone.
''Picture,''
''Bakit dimo sinabi?'' tumawa ako.
''Kung sinabi ko ba, ngingiti ka?''
''Oo!''
''Sige nga, smile!''
Ngumiti nga siya. Hindi ko mapindot pindot ang camera button. Napakaganda ng ngiti na iyon.
''Tagal!''
Pinindot ko iyon. Ginawa ko agad wallpaper iyon ng phone ko. Napangiti ako.
(Nasa Revelations [Multimedia] ang picture) :D
''Mark!'' napalingon kami kay Wenna, malapit sa townhouse.
''Ang daddy mo!''
--------------------------------------------------------
First time ko makita si Mr Reyes, gwapo, kamukha ni Mark. Naka long sleeve siya ng puti, nakatupi ang dulo hanggang braso,naka itim na pantalon at itim na sapatos. Nakaupo siya sa maluwang na library ng townhouse na iyon, sa sofa.
Tumikhim si Mr Reyes pagkatapos akong ipakilala ni Mark sa kanya, at pagkatapos batiin si Wenna.
Umupo kami sa sofa. ''Son, tungkol ito sa pagkamatay ni SHiela,''
Walang umimik sa amin. Tumayo ako at nagpaalam, wala akong karapatang makinig tungkol doon, at para narin makapag usap sila ng maayos. Pero bago pa man ako makaalis, hinawakan ni Mark ang kamay ko.
''Stay here,''
Napatingin ako sa Daddy niya. Tumango si Mr Reyes bilang pagsang ayon. Bumalik ako sa tabi ni Mark.
''Alam kong sinisi mo ang sarili mo sa nangyari kay Shiela..''
simula ni Mr. Reyes. Sumulyap kay Wenna, kapagkuwa'y binalik ang tingin kay Mark.
''Kami din ng mommy mo nahirapan.. Nagulat din kami ng malaman ang totoo,''
''Anong totoo?'' kunot noong usisa ni Mark.
Huminga ng malalim si Mr Reyes saka nagpatuloy.
''Nagiwan ng sulat si Shiela,''
Nangunot lalo ang noo ni Mark.
''Suicide letter, son.''
Hindi sumagot si Mark, napaawang ang labi sa gulat. Maging ako hindi makapaniwala.
''She hired someone para tanggalan ng brake ang motor mo that night,''
''Tell me you're just kidding Dad''
Gumaralgal ang tinig ni Mark.
''Kaya hindi nagfile ng demanda ang mga magulang ni Shiela dahil natuklasan nila ang totoo, an hour after the accident''
BINABASA MO ANG
SOPHIE (LOST)
Short StorySiya si Sophie..Isang ordinaryong estudyante na may nagiisang kaibigan sa school. Okay na sana eh, pero biglang dumating si Mark.. Ang suplado at mainitin ang ulong guitarist ng Lost. Papaano niya ihahandle ang ganitong sitwasyon? Napapagitnaan siya...