2pm, pagktapos ko tulungan si Nanay sa mga gawaing bahay, humiga ako sa kama at sinubukang matulog.
Ayaw. Napatingin ako sa laptop na regalo ni Tatay sa akin dati. Naisipan kong buksan iyon, pagopen ko ng profifle ko sa facebook, bumungad agad sa mata ko ang pusang pinost ni Mark kaninang umaga.
14 likes? First time na may maglike ng ganun karami sa facebook ko.
Naisipan kong buksan ang profile ni Mark. Wala siyang gaanong post sa timeline niya.. Pero maraming nagpopost. Karamihan ay babae, pero minsan ay si Gabriel Alonzo or Gab, at Pol Rivera. Maraming tagged photos, mga pictures sa mga sosyal na okasyon, kapagkuway napunta ako sa mga pictures na nakahawak siya ng gitara sa stage. Matagal na iyon, may isang taon narin ang mga pictures na iyon. Marami iyon, at kahit pawisan siya sa mga pictures na iyon habang tumutugtog siya, iba parin ang kagwapuhan ni Mark. Naaliw yata ako sa pagbrowse ng mga pictures niya, hindi kasi nakakasawang tignan ang mukha niya kahit naka wacky siya. Napahinto ako ng may makitang picture na may kasamang babae si Mark.. Hindi lang basta babae, magandang babae. Naka dress ng red na lalong nagpatingkad sa kaputian at kagandahan ng babaeng iyon. Nakasukbit ang black channel bag niya sa balikat. Napakaganda niya.. Si Shiela de Vera.
Si Mark ay nakacoat na black at may puting tshirt sa loob. Nakangiti siya, may kislap yung mga mata niya. Si Pol ang nag tag kay Mark ng picture na iyon. Higit isang taon na ang picture na iyon. Bumalik ang tingin ko kay Shiela.. Wala man lang ako sa kalingkingan ng babaeng to. Ang ganda ganda nya.. Sayang. Hindi man lang niya naenjoy ang buhay. Hindi kataka takang maraming nagkakandarapang mga lalake sa kanya dati.. Kabilang si Pete na boyfriend nya.. at si Mark.. Base narin sa paglalasing nya kagabi, at sa klase ng ngiti niya sa picture na iyon. Nakaramdam ako ng konting kurot sa dibdib. Nasa ganun akong pagiisip ng magring ang cp ko. Si Pete.
''Taba!'' Bungad agad nya sa'kin.
Andaming dinaldal ni Pete. Andaming kwento. Nasa Baguio siya ng oras na iyon kasama ang Mommy nya.
''Gusto mo ng Peanut Brittle?''
''OO!''
''Eh lengua?''
''OO!''
Narinig ko ang tawa niya.
''Ano kayang pwedeng ibigay kay Tito sa birthday nya?''
Napangiti ako. ''Naku huwag na Pete.''
''Bakit kapag ikaw hingi ka ng hingi ng pagkain sa'kin? Pag sa Tatay mo sasabihin mo huwag na?''
''Tse!'' natatawang sagot ko.
''May tse ka pang nalalaman ha,'' narinig kong sabi niya.
''Porket may nagpost ng pusa sa timeline mo,'' naimagine ko ang itsura ni Pete nung sinabi nya iyon.
Pilit ang ngiti. May himig ng tampo ang tono niya.
''Selos ka naman?'' tumawa ako. Pero teka.. Mukhang mali yata ang biro ko. Hindi ko narinig ang sagot ni Pete. Nanahimik siya sa kabilang linya. Napalunok ako. Sira ulo ka kasi Sophie! O.o
''Sira,'' matipid nyang sabi after 2 minutes. Kapagkuway nagpaalam na. Napakamot ako ng ulo. Alam ko na ngang mainit ang dugo ni Pete kay Mark, nagbiro pa ako ng ganun. -_- Why so insensitive Sophie?
Humiga ako, iniisip parin ang kaibigan ko. Dati, kahit anong sabihin ko sa kanya, kahit sabihan ko siya ng bading, kahit sipain ko siya, kahit inaagawan ko siya ng pagkain, okay lang. Ngayon, kailangan ko ng mag ingat sa mga sasabihin ko. Medyo sensitive na ang sitwasyon ngayon, hindi lang kay Pete,pati na rin kay Mark. Hindi ako nakatiis, tinext ko si Pete.
'Uy galit ka? :('
Nagreply agad siya.
'No'
'Galit ka eh :('
Hindi na siya sumagot. Tinext ko ulit.
' :( '
Nagreply siya.
'Drama mo taba. I'm not mad, don't worry. May inaasikaso lang kami ni Mommy,'
'Ok'
Ilang segundo ko munang tinitigan ang cellphone ko, bago ko iyon nilapag sa side table. Nakalimutan yata ni Pete na magkakilala na kami magmula bata, at alam ko kapag nagsisinungaling siya.
Napabuntung hininga ako. Siguro mas lalong maiinis si Pete kapag nalaman niyang natulog si Mark sa bahay.Never pa natulog si Pete sa bahay namin dahil laging may sundo. Tumayo ako at kinuha ang rosary sa table. Hawak sa kamay, tinapat ko yun sa dibdib ko.Pinikit ko ang mga mata ko at pinilit ang sariling matulog.
BINABASA MO ANG
SOPHIE (LOST)
Historia CortaSiya si Sophie..Isang ordinaryong estudyante na may nagiisang kaibigan sa school. Okay na sana eh, pero biglang dumating si Mark.. Ang suplado at mainitin ang ulong guitarist ng Lost. Papaano niya ihahandle ang ganitong sitwasyon? Napapagitnaan siya...
