'Self Proclaimed Boyfriend'

36 2 0
                                    

Paglabas ko ng gate, nakita ko si Mark na nakatayo sa labas. Ngingisi ngisi siyang lumapit sakin. 

''Tara na,''

Tumaas ang kilay ko. ''Saan?''

Bigla nyang hinawakan ang kamay ko. Pumiksi ako.

''Ano ba?''

''Uuwi na tayo!'' singhal niya. Nahagip ng mata ko sina Pol at Gab sa di kalayuan, pigil ang tawang nakatingin sa amin.

''Bakit tayo?'' kunot noong tanong ko. Nagpatiuna akong naglakad.

''Ihahatid kita, ayaw mo?'' sumunod siya sakin.

''Kaya kong umuwi magisa'' tugon ko.

''Magmula ngayon hatid sundo ka na sakin, okay?'' humarang siya sa harap ko. Kipkip ang mga libro, tinitigan ko siya ng masama. SUmimangot ako. Napatingin siya sa labi ko. Naalala ko iyong gabing iyon.. OMG! Gusto kong maglaho ng oras na iyon. Feeling ko namumula ako.

''Uhmm..'' iniiwas niya ang tingin sa akin.

''And.. and kailangan kong malaman kung saan ang lakad mo everyday, lalo na kapag kasama mo si Advincula, clear?''

Tumaas ulit ang kilay ko. Ano bang pinagsasabi niya?

''Anong sinasabi mo?''

''Boyfriend mo ako kaya kailangan iyon,'' ngumisi siya. 

''BOYFRIEND??'' bulalas ko. Nanlalaki ang matang tumingin sa kanya.

''At kailan kita naging boyfriend??''

''Gusto mo ipaalala ko?,'' Ngumisi ulit siya. Namumula ang pisnging naglakad ako at nilagpasan siya. Maliwanag na ang tinutukoy niya ay noong hinalikan niya ako. Ang kapal ng mukha!

Kaya pala kaninang umaga tumawag siya ng 6am. Hindi ko sinagot nung una, pero ang kulit.

'Oh?'

'Anong oh? Bumangon ka na, malelate ka sa school'

Inis na inis ako kaninang umaga dahil doon. Kaya pala bigla biglang dumikit sakin sa school, ayun naman pala.. Nakakainis.. Pero nakakakilig. :)

Nakalabas na sa ospital si Tatay, at binigyan din siya ng maintenance na gamot. Libre ang mga gamot niya dahil sa kanila din ang drugstore na pinagkukunan namin. Kinausap ko minsan si Dr Reyes tungkol doon, na sobra sobra na ang mga tulong na ginagawa nila. 

'Hindi lang kayo ang tinutulungan namin, Sophia. Wala kang dapat ipag alala,'' nakangiti siya sa akin ng sabihin iyon. Nalaman ko na may mga indigent pala na libre ang bayad sa ospital, may mga ibang mahihirap na libre din ang mga gamot sa drugstores nila. Kahit papaano, gumaan ang loob ko.

Pero namula ako ng sabihin niya: ''Bumait ang anak ko.. I like you,''

Sabi ko: ''Mabait naman po talaga si Mark,''

Ngumiti lang si Doktora.

Pero itong anak naman niya, na si Mark, na self proclaimed 'boyfriend' ko, pinanindigan talaga na 'boyfriend' ko siya.. Medyo fail, dahil panay ang utos sakin, sinisigawan ako kapag naiinis siya at kapag napapahiya sa akin, mukhang first time magka girlfriend. Minsan naiinis na ako sa kanya, pero noong may nakita akong bulaklak sa loob ng bag ko.. Na nakita ko lang pagkauwi ko, hindi mawala wala ang ngiti ko. 

Nagtext sa akin si Pete isang gabi.. Kung pwede nya daw ba akong ayain lumabas. Pumayag ako, matagal tagal ko naring hindi masyadong nakakasama si Pete. Busy kami sa mga exams ng mga nagdaang araw.

Nagpunta kami sa isang amusement Park, noong mga bata kami lagi kami doon. 

Naalala ko si Mark, 

SOPHIE (LOST)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon