Friend Request

39 1 0
                                    

Nadatnan ko sina Mommy at Daddy sa sala paguwi ko ng umagang iyon. Tumayo si Mommy at sinalubong ako. Alalang alala ang itsura.

''I'm sorry Mark'' umiyak siya at niyakap ako. Hinaplos ko ang likod niya.

''Its okay Mom.Stop crying,''

Bumitaw siya sa'kin at hinawakan ang pisngi ko.

''Are you okay? Hindi ba masakit ang ulo mo? Nakatulog ka ba?''

''Ma, im okay. Dont worry,''

Tumayo din si Daddy at niyakap ako. ''I'm sorry son. ''

Hindi ako sumagot at tinapik lang ang likod ni Daddy. Alam kong ang hinihingi nila ng paumanhin ay ang kawalan nila ng oras sa'kin.

''Saan ka natulog?''

''Sa classmate ko po,''

''Tinawagan ko sina Pol at Gab, wala ka daw sa kanila. Pati parents nila tinawagan ko,''

''Ma,'' naglakad ako at tumungo sa hagdan.

''You dont need to worry. Tinulungan nila ako,''

Nagtinginan silang dalawa, kapagkuway ngumiti nalang.

Naligo agad ako at nagbihis. Nagbukas ako ng laptop at umupo sa swivel chair. Habang nasa ganung posisyon, naisip ko si Sophia. Lasing ako nun, pero alam ko parin ang nangyayari bago ako nahilo. Naibuhos ko lahat ng sama ng loob ko, umiyak ako. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya, pero kahit papano, gumaan ang loob ko. Ang gaan ng pakiramdam sa bahay nila. Masaya, buhay na buhay. Hindi gaya dito sa bahay namin, malaki nga, ako lang naman at mga maids ang laging nandito. Napangiti ako ng maalala ang pagkausap sa akin ni Mang Carlos, ang tatay ni Sophie. 

''Ang problema, sinusulosyunan iyan.Hindi dinadaan sa alak.Alam mo, bata ka pa. Bukod sa bawal sayo iyon dahil menor de edad ka, habang maaga kailangan mong harapin ang mga bagay na gumugulo sa utak mo,''

Umiinom kami noon ng kape, 7am na noon.

''Kung hindi, sasama sa'yo iyan paglaki. Maaapektuhan niyan ang pakikitungo mo sa ibang tao, at pati pagpapagana ng puso mo,''

Umayos ako ng upo sa swivel chair at nilagay ang email at password ko sa facebook. Tama si Mang Carlos. Hindi ba't sinarado ko ang puso ko sa lahat ng babae? Hindi ako nakipagkaibigan, nanligaw, nag gf dahil pinarusahan ko ang sarili ko sa pagkamatay ni Shiela?  Kinulong ko ang sarili ko sa nakaraan.

Pumasok sa isip ko si Sophia. Cute pala iyon pag bagong gising.Mukhang pusa. 

Siya lang ang babaeng naglakas loob humarap sakin na ganun ang itsura, siya lang yung babaeng malakas kumain sa harap ko. Walang kaarte arte, natural. 

Sinearch ko sa fb ang name niya. Sophia Cortez. Hirap ako hanapin ang account niya. Buti nalang may 1 mutual friend, isang classmate din namin. Geez. 109 friends? -_-

Seriously? Pusa ang dp niya. Parang siya, mukang pusa :3

Inaccept agad ako. Ni pm ko agad siya ng makita ko siyang online.

Me: Hey :)

Sophia Cortez: Oh?

Natawa ako ng mahina sa reply niya. Sira ulo yata to, lakas mambara eh.  Naisipan kong magpost sa wall niya. May pinost akong picture ng pusa. Nilagyan ko ng caption, 'KAMUKHA MO,'

Nagcomment siya. 'Tse.'

Nagulat ako ng biglang may naglike sa post ko. Pete Advincula. :| Oh, si Basketball Player.

Nagpm si Sophie. 'Huwag ka masyado sa wall ko. Baka sa MOnday patayin ako sa school,'

'Don't care,' reply ko. 

Hindi na siya nagreply. Kapagkuway napansin ko ang mga new friend requests ko, galing karamihan sa school, as usual, mga babae. -_-

Imemessage ko pa sana si Sophie pero nag offline na pala siya. Tss. Nag log out narin ako at pinatay ang laptop. Hihiga na sana ako para matulog ng magring ang celphone ko. Si Gab.

''Where have you been?'' bungad agad niya sakin ng sagutin ko ang call.

''Secret'' Humiga ako sa kama at hinaplos ang noo ko. Medyo masakit pa iyon dahil sa hang over.

''Ulol, tinawagan ako ng Mommy mo.Bigla ka raw umalis kahapon. Akala nila pumunta ka sa amin ni Pol,''

''Bumalik na'ko Gab,'' 

Narinig ko ang tawa niya.

''Di nga,pre. San ka natulog kagabi?''

''Basta. At wag ka ng makulit okay? Masakit ang ulo ko pare,''

Naintindihan naman agad ni Gab at nagpaalam nalang.  kabababa ko palang ng celphone ko ng magring ulit. Si Pol. May gig daw kami sa Lexus.Isang bar na kilala sa QC. ''Nextweek pa naman iyon eh. Mamaya magkita tayo para sa rehearsal,''

''Masakit ang ulo ko Pol,'' hinimas ko ulit ang noo ko.

''Mark naman,'' medyo may pagkadismaya ang tono niya.  Ilang buwan narin kaming hindi tumutugtog dahil humingi ako ng break. ''Sige na. Maya nalang,''

sabi ko saka pinatay ang call. Humugot ako ng buntunghininga at pinikit ang mata. 

SOPHIE (LOST)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon