''GUSTO KITA''

45 0 0
                                        

Nagsimulang magbukas ng regalo si Mang Carlos. Mangiyak ngiyak na niyakap si SOphie ng makita ang sapatos na regalo niya. Tumingin si Sophie sa akin at ngumiti, parang sinasabing 'salamat'. Oh well.. Nakakatuwa lang sila. Sumunod ang regalo ng ibang bisita, kapagkuwa'y galing daw kay Pete. Isang touch screen phone. Sumunod kay Gab, isang iPad.

''Mahilig daw po kayo mag solitaire eh,'' nakangiting sabi ni Gab kay Mang Carlos. 

''Pwede din po kayong maglaro ng Ruzzle or Candy Crush dyan,''

Napakamot ng ulo si Mang Carlos, ''Ano iyon?''

Tumawa si Sophie at binulungan ang ama. Nagpasalamat si Mang Carlos kay Gab, kapagkuway binuksan ang balot ng regalo ni Pol, na halata namang gitara. Pero hindi iyon ordinaryong gitara. Branded na gitara iyon. Sumunod ang regalo ko. Napanganga si Sophie ng mabuksan iyon. Isang 42' Samsung LED TV. Maliit lang ang tv nina SOphie sa sala nila, napansin ko iyon ng matulog ako sa kanila. Nahalata kong medyo hirap pa si Mang Carlos na aninagin ang pinapanood lalo na kapag nakaupo siya sa sofa na medyo malayo sa tv.

Nilapitan ako ni SOphie at binulungan. ''Anong ginagawa nyo?''

''Huh?'' 

''Bakit ang mamahal ng mga regalong iyan? Sa tingin mo ba mababayaran ko lahat iyan?''

Galit ba siya? I dont get it. Birthday nga diba, natural lang na magbigay kami ng regalo.

''Sino bang nagsabi na babayaran mo iyan?'' tugon ko, hindi ko siya tinignan. Nakatuon ang paningin ko kay Mang Carlos na busy sa pagbubukas ng ibang regalo.

''Mark! Bakit ganyan kamahal ang mga regalong iyan?''

Hindi ako sumagot.

''Hindi pa nga ako nakakabayad sa mga binigay mo, at binigay ng mga kaibigan mo sakin eh!''

Inis akong humarap sa kanya.

''Birthday ng tatay mo, natural lang na magbigay kami ng regalo.Isa pa, nakalimutan mo yata kung sino kami?''

Hindi siya nakasagot. Binalik ko ang tingin kay Mang Carlos. Tsss. Si Gab ay anak ng may ari ng Geen Foods Corporation. Isang kumpanya na nagbebenta ng mga ketchup, sauce at iba pang produkto. Dalawa silang magkapatid, si Gab ang bunso. Ang ate niya ay kasalukuyang nag aaral sa US. Si Pol ay anak ng may ari ng Triangle Development Corporation, tatlo silang magkakapatid at si Pol din ang bunso. Isang kilalang business tycon ang Daddy niya. Ako, anak ni Atty Eugenio Reyes. Isang kilalang abogado, at ni Dr Filomena Reyes, isang Doktor. May ari kami ng Felicita Medical Center, isang ospital na kadalasang pinupuntahan ng mga mayayaman, mga artista, at mga politiko.May ari din kami ng ilang drug stores na may maraming branches sa pilipinas. Kung tutuusin, barya lang sa amin iyon. Hindi ko alam kung bakit ganun magreact si SOphie. Ungrateful talaga 'tong babaeng 'to. -__- 

Umalis si Sophie at nagpunta sa kusina. Sinundan ko siya, nadatnan ko siyang nakaharap  sa lababo.

''Aga mo namang maghugas,'' lumingon siya sakin. 

''Matatambakan kami. Kawawa naman si Nanay, maghapon siya nagluto eh,''

pinagpatuloy niya ang pagliligpit. Lumapit ako sa kanya, tumabi ako sa kanya at sumandal sa marmol na bahagi ng lababo. ''First time namin umattend ng ganitong party,'' kwento ko sa kanya. Hindi siya tumingin, nanatiling nakatuon ang atensyon sa ginagawa.

''Masaya pala,''

''Bakit kailangan nyong pumunta dito?'' seryosong tanong niya. Nagulat ako.

''What do you mean?''

''Kayo ng mga kaibigan mo,'' tinapunan niya ako ng sulyap.

''Bakit nyo kailangang gawin to? Bakit kayo lumalapit sa akin?''

SOPHIE (LOST)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon