The Meeting

47 2 0
                                    

''Pare, eto na iyong bilin mo,'' nilapag ni Pol sa mesa ang isang maliit na bag. Nasa may pool kami ng tanghaling iyon sa labas ng bahay nila. Nilabas ko mula sa bag ang isang maliit na rosary.

''Aanhin mo ba iyan? Buti nalang nakaabot pa si Dad, uuwi na dapat siya eh,'' 

Isang businessman ang tatay ni Pol, at panay ang biyahe sa ibang bansa. Isang linggo na ako sa bago kong school, at isang linggo ko naring napapansin ang seatmate ko na panay ang tingin sa rosary niya.. Na sinira ko daw. Hindi ko alam kung sinasadya ba niya para konsensyahin ako, o talagang habit niya lang ang hawakan iyon. Seriously, naiirita ako. Kung hindi lang talaga rosary ang nasira ko 'daw', hindi ko talaga papalitan iyon. Hindi nga kami nagpapansinan eh, hindi ko rin naman siya pinapansin. Hindi naman siya maganda, hindi sexy, hindi marunong mag ayos ng sarili.. Kung hindi lang dahil sa rosary, snob siya sakin. Wala sa sariling napangiti ako. Iyakin at mukhang clumsy pa naman yung babaeng iyon.

''HUY!'' tinapik ni Gab ang balikat ko. Nakatingin silang dalawa ni Pol sa'kin.

''Anong klaseng ngiti iyan?''

Inayos ko ang suot kong aviator at tinignan ulit ang rosary na hawak ko. Hindi nawala ang ngiti sa labi ko.

''Nasira ko ang rosary ng classmate ko,''

''So kaya ka nagpabili para ibigay yan sa kanya?,'' Naka shades ang dalawa kong kasama pero alam kong nagtataka sila sa'kin. Kahit kelan hindi ako nagbigay ng kahit ano sa kahit sinong babae.. Well, after shiela.

''Nasira ko yun Gab,''

''So? Isang linggo ka palang sa school nyo ganyan ka na kaapektado?''

''Dude.'' Sumeryoso ako, nilapag ang hawak kong rosary.

''Nakokonsensya ako. Araw araw niyang tinititigan ang rosary na yun, she's my seatmate. Ano sa tingin nyo ang gagawin ko? Pakiramdam ko sinusunog ako ng buhay eh,''

Tumawa si Pol. Tinaas niya ang paa at pinatong sa mesa. Ugali niya yun kapag natutuwa siya sa usapan namin. Napatingin ako sa converse niya na pulang pula. 

''Maganda ba iyan?,''

Hindi ako sumagot. Nagkibit balikat ako. Hindi naman maganda si Sophia. Maputi siya, pero ewan ko. Hindi naman kasi marunong mag ayos. Saka hindi ko naman kasi tinititigan, hindi ko nga pinapansin masyado. 

Tumawa ulit sila. Nainis ako. ''Nakokonsensya lang ako dude. Iyon lang.''

Tinaas ni Pol ang dalawang kamay at natatawa parin ng sumagot.

''Okay! Okay! Relax!''

''Relax ako. Masyado lang advance yang mga utak nyo,'' 

Sa tingin kaya ng mga 'to, ganun na'ko kadesperado sa babae? Ang layo nung Sophia na iyon sa mga gusto ko.

Sosyal, maganda, sexy. Si Sophia mukhang manang na ewan. Lampa, hindi sosyal at laging parang nag iisip. Napapansin ko lang na kasama niya lagi ay iyong classmate naming matangkad. Na basketball player yata. Ni wala nga yatang kaibigan yung babaeng iyon.

Speaking of that basketball player, iniisip ko kung nakita ko na ba siya somewhere. Pamilyar kasi ang mukha niya sa'kin.

Lunes, pagpasok ko palang sa gate ng school, pinagtitinginan na ako ng mga estudyante. Karamihan ay mga babae. Hindi ako nagtaka, sa dati kong school, ganito din ang trato sa'kin. Napatingin ako sa tabi ko, si basketball player pala ang nakasabay ko sa gate. Iniisip ko parin kung saan ko siya nakita. Hindi naman kasi ako kinakausap. Mukhang weird din katulad ni Sophia. Tinapunan ako ng matalim na tingin at nauna na siyang naglakad sa'kin.

Teka, anong problema niya? ''Hoy,''

Tawag ko sa kanya. Humarap siya sakin. Halos magkasing height lang pala kami. 

Seryoso ang mukha niya ng humarap sa'kin. Aba, gago to ah. Hindi ko nga 'to kilala eh.

''Peter ang pangalan ko,pare. Hindi hoy.,''

''Mark ang pangalan ko, at hindi mo ako pare,''

Gusto ko siyang kwelyuhan. Pero chill lang Mark. Magtu two weeks ka palang sa school, hindi ka pwedeng ma guidance agad. -_-

''Alam ko,'' ngumisi siya. Yung ngising tagilid.

''Oh, anong problema mo?''

Tumalim lalo ang tingin niya sa'kin. AKo iyong tipong hindi basta basta nakikipag basag ulo,pero mukhang uupakan niya talaga ako ng oras na iyon. Baliw ba 'to? 

''Pete!'' sabay pa kaming napalingon sa babaeng tumawag sa kanya. Si weirdo pala. Nakahawak siya sa braso nung Peter. Hindi umimik, tinignan lang ako at tumalikod na silang dalawa. Nakita ko pa ng hawakan ni Peter ang ulo ni Sophia at guluhin ang buhok niya. The fuck is that? Ano ba 'tong nangyayari sa'kin dito sa school nato? Pinaliligiran ako ng mga weirdo. tsss.

Sa klase, gaya ng dati, hindi kami nagpapansinan ni Sophia. Nainis ako. Kung ibang babae lang 'to, kikiligin na everyday na katabi ko, malamang everyday pa magpapa cute sakin. Pero siya? Wala lang. Feeling chicks. Kala mo ang ganda ganda eh.Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na ibigay iyong rosary sa kanya. Kapag walang teacher, lumalabas kasi siya ng room. -_- Uwian, kalalabas lang niya ng gate ng tawagin ko.  Pero bago pa man siya makalingon, at bago ko pa siya malapitan, pinatid na siya ng grupo nina Debbie. Napadapa siya sa kalsada. Tsk. Clumsy nga. Nakita ko pa nung tumayo siya at pinagpag ang palda niyang nadumihan. Pinagtatawanan siya ng grupo nina Debbie. Wala pala 'to eh, favorite ng mga bully.

Nilapitan ko sila at pinulot ang mga hawak niyang libro na kumalat sa kalsada. Ibinigay ko iyon sa kanya.

''Okay ka lang?'' tanong ko. Tumango lang siya at kinuha mula sakin ang mga libro. Mukhang maiiyak na naman. -_- Hinarap ko ang grupo ng mga babaeng iyon at tinapunan ng matalim na tingin. Masyado na 'tong mga to. Porke hindi pumapalag iyong tao.

Paglingon ko sa likod ko, wala na si Sophia. Natanawan ko siya di kalayuan, nagmamadali sa paglalakad. Tss. 

''Hoy!'' hinabol ko siya. Lakad takbo ang ginawa ko. ''Hoy!''

Ni hindi man lang siya lumingon. Nainis ako. ''SOPHIA!'' 

Napahinto siya sa paglalakad. Humarap siya sa'kin, umiiyak siya.

''Ano ba?!'' sa basag na boses ay sabi niya. 

''Anong ano ba?'' Nainis na din ako. Nagsalubong ang mga kilay ko.

''Ikaw na nga 'tong tinulungan eh!''

''Alam mo bang sa ginawa mo, mas lalo nilang gagawin yun sakin?'' Humikbi siya. Pinunasan niya ng palad ang luha niya. ''Hindi ko na kasalanan kung mahina ka,'' mababa ang boses kong sabi. Naalala ko si Shiela. Ganito din siya dati. Ang pinagkaiba lang, maganda si Shiela, mayaman pero sobrang baba ng self esteem. Pasikat na siya noon na model at lagi siyang naaapektuhan ng mga sinasabi ng mga kapwa niya modelo. Lagi din siyang umiiyak noon, at sa akin tumatakbo.

''Ayoko lang ng gulo,'' tumalikod na ulit siya.

''So ganyan ka nalang? ''

Humarap siya. ''Ano bang pakialam mo sa buhay ko ha? Ano bang alam mo?''

Ngumiti ako kahit medyo nagulat sa sinabi niya. Wala nga naman akong alam sa buhay niya. Actually nagtaka din ako sa sarili ko kung bakit ko siya kinakausap ng ganito. Kung bakit ko siya hinahabol, kung bakit ako nag aaksaya ng oras sa kanya.. ''Bakit sakin ang tapang mo?,'' Natawa ako ng mahina. 

Saglit siyang natigilan, nakatitig siya sakin. Nilapitan ko siya at kinuha ang kamay niya. Nilagay ko sa palad niya ang maliit na bag. ''Sorry,'' matipid kong sabi at tumalikod. 

SOPHIE (LOST)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon