Getting closer..

32 1 0
                                    

Tuesday, sinadya kong dumaan sa mall pagkatapos ng klase ng hapong iyon. Dumiretso ako sa isang boutique at tinignan kung nandoon pa ang sapatos na gusto ko. Kulay brown na Merrel Men's shoes. Nahirapan din akong ipunin ang pambili nun, 3thousand na sakto ang dala kong pera. Kulang pa, nasa 5000 ang priceT_T. Sa friday na ang birthday ni tatay, pano ko iipunin ang 2000 sa dalawang araw na iyon? Malungkot ang mukhang hinaplos ko ang sapatos na iyon. ''Ma'am, kukunin nyo na po ba iyan?'' narinig kong tanong ng saleslady ng boutique. Nakangiti siya sa akin, siguradong namumukhaan na niya ako dahil ilang beses ko ng binabalik balikan ang sapatos na iyon. Umiling ako at mapait na ngumiti. 

''Kukunin niya,'' nagulat ako ng may magsalita sa likod ko. Paglingon ko, si Mark. Hindi na siya naka uniform, naka suot ng gray tshirt, jeans, at sneakers. Nakangiti siya sa saleslady. Bago pa man ako makasagot, kinuha na ng saleslady ang sapatos saka tumalikod.

'' Anong ginawa mo?''

''Gusto mo iyon diba? Kanino mo ba ibibigay iyon?'' Patay malisyang tugon niya. Iniikot ang paningin sa boutique.

''Kay Tatay,''

''5000 lang naman eh, bilhin mo na. 6 to 7 thousand iyan sa ibang store,''

Natahimik ako.

''Meron ako,'' nilabas ko ang pera ko mula sa bag. ANim na 500 peso bill.

''kaso kulang--''

Hinawakan niya ang braso ko at dumiretso sa counter. Kinuha niya mula sa kamay ko ang pera pero nagiwan ng 500. ''Pangkain mo na iyan,'' sabi niya. 

''Teka Mark!'' pinigilan ko siya. Tumingin si Mark sa akin, tumingin din ang cashier at ang saleslady sa akin. Binitiwan ko ang braso niya ng mahalatang tila naghihintay ang dalawang babae sa'kin.

Pinagpatuloy nila ang pagbabayad. Si Mark, naglabas ng ilang 1000 bill pandagdag sa pera ko.

Napabuntung hininga nalang ako.

''Babayaran ko rin iyong kulang ko,'' mahinang sabi ko kay Mark pagkalabas namin ng boutique. Bitbit ko sa kamay ang paperbag. ''Ikakain ko nalang iyon sa birthday ng Tatay mo,'' sagot niya sa akin.

Nagulat ako. '' Alam mong birthday ni Tatay?''

''Ininvite niya kaya ako,'' nakangiting tugon niya. Naalala ko nung binulungan ni Tatay si Mark bago siya umalis noon. SI tatay talaga. -_-

''Pwede ko bang isama sina Pol at Gab?''

Tumango agad ako. Tutal, mukhang mababait naman sila. 

''Ok lang. Pero sabihin mo sa kanila, hindi pansosyal iyon. Kainan lang iyon na simple, hindi restaurant, hindi catering'' 

''Oo,'' tumango tango pa siya. Kapagkuway lumingon sa akin. 

''Ano palang hobby ng tatay mo?''

''Bakit?''

''Basta,''

Napasulyap ako sa paperbag na hawak ko. Kanina ko pa siya gustong yakapin sa sobrang tuwa. Pakiramdam ko kanina hindi ko na makukuha ang sapatos. Buti nalang at dumating siya. Babayaran ko din siya, at pag iipunan ko ulit iyon.

''Maglaro ng playing cards,''

''Anong nilalaro?''

''Solitaire,''

Tumango tango siya.

''Manood ng tv, mahilig siyang manood ng tv,'' pagpapatuloy ko. 

''mahilig siyang kumanta, lagi niyang kinakantahan si nanay,'' napapangiti ako habang sinasabi iyon.

SOPHIE (LOST)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon